Chapter 33

428 20 0
                                    

Linggo ngayon at may isang linggo nya narin akong iniiwasan,bukas na ang alis ko at nitong mga nakaraang araw ay napapadalas ang pagkahilo ko dahil siguro sa trabaho,may ilang beses rin akong sumusuka at ang sabi naman ni Riza baka daw sa kakakape ko

Nagiimpake na ako ng pumasok sa kwarto ko si dad

"Are you sure about this sweety?" he ask me,nakasandal lang ito sa hamba ng pintuan ko

"Yeah dad I need to rest,one month lang naman eh saka tatawag-tawag naman ako dito sa bahay" I smiled to assure him bago nagtuloy sa pagaayos ng mga gamit ko,isang malaking maleta lang naman ang dadalhin ko doon kasama ang isang maliit na backpack kung saan nakalagay ang mga mahahalaga kong gamit like yung wallets,phone at mga cards ko,magbabyahe lang ako dahil malayo ang probinsiyang pupuntahan ko

"Wala kabang balak ipaalam manlang sa mapapangasawa mo?"

"Dad please not now,cancel the wedding next month gusto kong makapag-isip isip muna" seryoso ko siyang tinignan at nakita ko ang pagngisi nito

"I will,just rest for now kahit na puro kalang pagliliwaliw for the past years" dad laugh at napangiti naman ako

"Thank you dad" lumapit ako dito at niyakap ito,noong una talaga ay nagtatampo ako sa kanya dahil nagdesisyon siya ng sya lang pero unti-unti korin namang natanggap ang kasal hindi palang talaga ako handang tanggapin si Hiro,para akong maiiyak na ano sa oras nato

"babalik ka ha?baka naman takasan molang kami" he said suspiciously

"babalik ako dad,bat ko naman kayo tatakasan eh kayo nalang ang pamilya ko" nakangiti kong sagot dito at hinalikan ito sa pisngi,pagkaalis ni Dad ay ang sulpot naman ng dalawa kong ulupong na kuya

"Hey lil'sis balita ko aalis ka?" Tyron ask at naupo sa gilid ng kama ko

"Di ba halata?" si Theo na kakapasok lang rin ang sumagot sa kanya

"Oh?bat andito ka?asan ang asawa't anak mo?" nagtataka kong tanong kay Theo na nakabusangot nanaman ang muka

"Nasa baba lang sila kumakain,bumisita kami kasi bukas daw ang alis mo,wala ka manlang balak ipaalam muna sa amin bago ka lumayas ha?" parang nagtatampong sabi nito na sinang-ayunan ni Tyron

"balak ko naman kayong tawagan kahit papano,naunahan niyo lang ako" natawa ako sa mga muka nilang akala mo'y inapi "dito kayo sa tabi ko yakapin niyo ang bunso niyo" I spread my arms at nagsilapitan naman sila,nang makayakap sa akin ay nagtutulakan pa ang mga ito na parang mga bata

"Mag-ingat ka don ah,wala kami para protektahan ka" Tyron whispered while caressing my hair

"Of course" I smiled at them

"Hindi moba sasabihin kay Hiro?masyado mong pinahihirapan si bayaw ah,naghirap na nga iyon sa amin at kay dad eh" sabi ni Tyron na ikina-kunot ng noo ko

MY THISTLE ✓Where stories live. Discover now