Chapter 19

358 17 0
                                    

Sisinghot-singhot si Hiro nang makabalik kami sa bahay dahil nalunod sya kaya masama parin ang tingin niya sa akin,muntikaran ko pa atang mapatay gagi!

Natataranta ko siyang kinuha kanina at hinila sa buhanginan buti nalang at buhay pa yun nga lang mukang sinipon naman siya

"Oh saan kayo galing?" tanong ng kalalabas lang sa kwarto na si Riza,humihikab-hikab pa

"S-Sa dagat nag-swimming lang" pilit akong ngumiti dahil nagaalala parin ako dito sa isa na namumula pa ang mga mata at ilong

"Anong nagyari dyan?" inginuso niya ang nakasimangot na si Hiro

"Nadulas ayun nalunod,tanga kasi" palusot ko at agad naman akong tinignan ng nakamamatay ni Hiro na hindi ko nalang pinansin

"Arooo,lampa pala ang isang Hiroishi Itachi" biglang sulpot ni Xavier kasama nanaman si Jayden,sa kanila naman nalipat ang masamang tingin nitong isa "joke lang,ano tara na?liliyaban nanamin yung bonfire" iniba niya na ang topic

"sige na,tatawagin na namin yung iba" sagot ni Riza at saka ako hinila

Pinasok namin yung kwarto at ginising silang lahat,nakasalubong pa namin si Sir Felix na matamlay ang muka

"Sir nakita niyo ba sila Tyron at Ate Yumi?" tanong ni Riza dito at nilingon niya naman kami saka nagpilit ng ngiti

"h-hindi eh" maikling sagot nito bago kami iwan doon

"weird" iyon nalang ang nasabi ni Riza bago maglakad papuntang bonfire nandoon na ang lahat maliban kila Ate Yumi at Tyron,huli ko silang nakita na papunta sa bantuhan at hindi parin sila nakakabalik?hinayaan ko nalang dahil baka nagbobonding sila doon makasira pa ako

"Truth or Dare tayo!" biglang aya ni Xav nung makaupo na kaming lahat saka naglabas ng bote ng alak bago naglagay sa baso "pagpapasa-pasahan natin itong isang baso ng tequila at kung kanino hihinto siya ang taya at kung truth lahat tayo magtatanong kapag dare naman isang utos lang na pwede nating pag-usap usapan" paliwanag niya "tapos kung hindi masagot yung tanong o ayaw gawin yung dare iinumin yang isang baso ng alak without chaseeer!" at naghiyawan naman ang mga lalaki,kadiri yon!hindi ako palainom at aminado akong mahina ang tolerance ko sa alak dahil bilang pa sa kamay kung ilang beses ko nang nasubukan uminom

Lahat sila ay pumayag kaya no choice ako kung hindi sumama ayaw ko namang maging kj,si Hiro halatang ayaw at napilitan lang rin

Nang magsimula na ang pagpapasapasahan ay may pakanta-kanta pa silang nalalaman,unti-unti na akong nageenjoy not until sa akin huminto ang alak,bwiset!

"Truth or Dare!?" malakas at sabay-sabay nilang tanong

"Truth" bored kong sagot at nauna naman nang magtanong si Jayden dahil siya ang nasa kaliwa ko,sa kanan ko naman si Hiro

"Kapag ba may nagkagusto pa sayo,icoconsider mopa?" biglang natahimik ang lahat at nakiramdam,may namuong tensyo lalo na't katabi kolang yung isa

"Of course not" iyon nalang ang naisagot ko at bahagya namang napawi ang tensyon at nagsimula nanaman silang mag-ingay

"Sinong pinakagwapo sa amin?" tanong naman nung sumunod kay Jayden...si Deo

"wala you all guys are ugly" mabilis kolang na sinagot yon at nagsipag-tutol naman ang karamihan sa kanila,natawa nalang ako

"Sino ang pinakamaganda?" si Jessa naman ang nagtanong

"Ako malamang" napahalakhak ako ng babae naman ang nagsi-reklamo

"May shota kaba dito?" si Riza na ang nagtanong kaya sinamaan ko siya ng tingin

MY THISTLE ✓Where stories live. Discover now