Mabilis nagdaan ang mga araw at sa lahat naman ng naging laro namin ay panalo kami, ngayon ay biyernes na at nandito kami ngayon naghahanda para sa coronation at awarding namin. Isang rampa nalang suot ang evening gown at tanungan portion bago magcoronation
"Tati come out~" masayang tawag sa akin ni Yumi kaya lumabas na ako sa dressing room sa may back stage kung saan nag-aabang sila Xav, Riza at Hiro, yung iba ay nasa audience na
Riza is smiling and Xav is looking at me na parang sinasabing ang pangit ko, tutusukin ko na mata nyan eh! At syempre Hiro wearing his infamous poker face, wala manlang reaksyon?napanguso ako sa naisip
"Huwag kang ngumuso masisira ang lipstick mo" agad na saway ni Yumi kaya napaayos ako ng muka "Ayan ayos muka dapat, galingan mo ok?"
"Oo nga, goodluck sis!" parang mas excited pa si Riza sa akin
"Yeah, thank you" naiilang akong napangiti, hindi ako sanay sa ganito eh "Ikaw kahit alam kong talo kana, galingan mo pa rin" baling niya kay Xav na sinamaan naman siya ng tingin na pinantayan naman niya. Nagbangayan nanaman sila hanggang sa dumating yung oras na tinatawag na kami
Nilingon ko pa si Hiro at nagulat ako ng nasa likod ko na pala siya
"Good luck" he whispered to my ear, geez bakit ba ang hilig nyang bumulong?
"t-thank you" kahit na kinilabutan ako napangiti pa rin ako, tumaas bigla confidence ko
I heared my name from the host, turn ko na kaya agad akong tumayo. Wala na sila dito dahil nagsipuntahan na sa audience para doon manood
I inhale and exhale, kabado akong naglakad at pilit ikinubli iyon gamit ang isang matamis na ngiti. Tensed pa ako nung una pero umayos rin agad ang pakiramdam ko lalo na nung ngitian ako ni Hiro from the crowd
Rumampa ako ng bongga at pumunta sa gitna ng stage kung nasaan ang microphone
"Oh ayan bongga!" the host said habang nakatingin sa akin kaya nginitian ko siya "Miss Questionare...pasok!" pagtawag niya at pumasok naman ang may hawak ng bowl kung nasaan ang mga tanong, bigay todo pa ito sa pag-giling at parang nandilim ang paningin ko ng itaas niya ang binti niya, hala kadiliman! "Malarit ka, ibigay mo na ang tanong!" nagbibirong sabi nung bakla kaya natawa ang crowd "Bumunot ka dyan 'be" baling nito sa akin na mabilis ko namang sinunod, umalis na si ateng kadiliman nung ibigay ko yung papel sa host "If you love someone are you willing to give your all?" pagbasa niya sa nakasulat
Tumikhim muna ako bago lumapit sa mikropono, nakangiti akong nagsalita habang nakatigtig kay Hiro
"Yes, I am willing to give my all because I want to satisfy him...I want to be enough for him" huminga ako ng malalim na nasa kanya parin ang tingin "I want to make him the happiest man on the universe. I want to prove that he is worth every part of me and every inch of my love. I want to make him at ease everytime were together and I want to be his rest"
"Woahhh! that's deep" reaksiyon nung baklang host na may tili pang kasama, ansakit sa tenga "Mukang may pinanghuhugutan si ateng!" dagdag pa nito at napayuko naman ako, namumula na "follow-up question!"
YOU ARE READING
MY THISTLE ✓
Romance[COMPLETED] Tati is the unica hija of De Guzman family she's stubborn and hardheaded woman lalo na pagdating kay Hiro. Hindi siya naniniwala sa love at first sight but that man prove it to her, she chases him like a madman and when finally Hiroishi...