"tulog na...tulog na baby ko~" I heard my mom's voice humming a lullaby
"Mom?"
"Yes baby?" sagot nito kaya napabangon ako saka ito niyakap
"I miss you mom,I thought...I thought you're dead" nangingilid na ang aking mga luha,I heard her chuckle
"I miss you too prinsesa ko,Mommy is happy kung nasaan man ako ok?palayain mona si mommy baby,ibangon mo ang sarili mo anak ko" she whispered bago siya unti-unting nilamon ng liwanag
"Mom!Mommy!" para akong bata na ngumangawa dahil unti-unti nanaman siyang nawawala...
***
"MOMMY!!" Nagising ako sa isang madilim na kwarto,walang buhay at napaka-gulo
Muli akong napahagulgol nang mapagtantong panaginip lang ang lahat,it's been a month since she died and I still dreamed about her,ansakit parin na parang kahapon lang nangyari,sariwa parin sa utak ko ang lahat-lahat
Kasabay nang pagkawala niya ay ang pang-iiwan din sa akin ng babaeng pinakamamahal ko,ang naunang nagmahal sa akin nang walang kondisyon
Mom I missed you...
Kagaya ng mga nagdaang araw nakakulong lang ako sa kwarto ko,wala na halos kain at puro iyak nalang,saka lang matutulog kapag napagod
Isang buwan narin akong wala sa sarili at kung ano-ano nalang ang naiisip,malaking dagok sa akin ang sabay-sabay na pang-iiwan ng mga taong mahal ko
Sagad na sagad na ako,ubos na ubos hanggang sa dumating ang araw na wala na akong maiiyak,natahimik nalang ako at palaging tulala kung dati balde-balde ang luha ngayon naman walang lumalabas kahit isang patak,naubos na ata
I felt empty na dumating sa point na kinuwestyon ko ang diyos kung bat paba ako nabubuhay,bakit ako pa?
Buong bakasyon ay nasa bahay lang ako,bihirang lumabas nang kwarto at hindi nagsasalita,hindi nila ako ginulo walang nanggulo sa pagsesenti ko dahil alam nila kung gaano kabigat sa pakiramdam
Kaya lang hindi na nakatiis si Nica nang buong semester ako hindi pumasok
"Tatiana!open the door!" she shouted outside my room habang kinakatok ang pinto "Tatiana let's talk,ano ba!"
Nakarinig ako ng kalansing galing sa labas bago pabalang na nabuksan ang pintuan,pumasok ang pinsan ko at nakasunod naman sa kanya si Matty
"Ano ganto kanalang ba buong buhay mo!?" sigaw niya sa akin na hindi ko naman pinansin at nasa tv lang ang paningin,ililipat ko na sana ang pinapanood ko dahil medyo cheezy na ang palabas nang agawin ni Nica ang remote at patayin ang pinapanood ko "Makipag-usap ka nga ng matino!" muling sigaw nito tumayo naman ako at kukunin na sana ang remote sa kamay niya nang ilayo niya ito,sinubukan ko uli itong abutin kaya lang hindi abot kaya inis ko itong hinarap
"Ano ba!" sigaw korin at sumama naman ang tingin nito
"Ganyan ka nalang ba ha!?magpapaka-bulok ka nalang dito sa kwarto mo?" mariin itong nakatitig sa akin halatang galit

YOU ARE READING
MY THISTLE ✓
Romance[COMPLETED] Tati is the unica hija of De Guzman family she's stubborn and hardheaded woman lalo na pagdating kay Hiro. Hindi siya naniniwala sa love at first sight but that man prove it to her, she chases him like a madman and when finally Hiroishi...