"Hayy sa wakas makakain na ang niluluto mo" komento ni lolo sa luto ko "Isang buwan kana ritong pabalik-balik ngayon lang ata makakain ang pagkaing inihanda mo" napanguso naman ako grabe siya!
"At least nakakain na ngayon lo,pinaghirapan kopa yan"
Isang buwan na nga simula nung mahanap ko ang batis at kubo niya at mahigit isang buwan na ako dito sa probinsya,masyado akong nageenjoy eh,kaya yung dapat isang buwan lang nadagdagan pa,tinawagan ko naman na sila dad at kuya,ok lang naman daw kahit kay Riza ay pinaalam kong gusto kopang magtagal dito
Suplado parin si lolo pero kahit papano nakakausap kona ng matino,napupunan nya kasi yung pagsusuplado ni...nevermind
Aminado akong namimiss ko siya,pero feeling ko kasi hindi parin talaga ako handa mamaya niloloko nya nanaman ako eh,ikamamatay kona char
Unti-unting nagsisink-in sa akin na baka nga may nararamdaman pa ako sa kanya,baka tama sila
Sabay kaming naghahapunan ni lolo kagaya ngayon,tahimik lang siya most of the time magiingay lang kapag dadaldalan ako o papagalitan
"Tumataba ka kamo" puna niya sa akin,napansin rin yon nila Cheska miski ako ay natatabaan na sa sarili ko "Napaka takaw mo kasi eh,kawawa ang mapapangasawa mo" muli akong napanguso sa sinabi niya
"Grabe ka naman lo"
"Aba'y totoo lang ang sinasabi ko,hindi ka marunong magluto pati pagsasaing ay palpak tapos magaasawa ka?" nanunuyang sabi nito "Eh sino ba ang malas na lalaki?may asawa kana ba?" tanong niya pa kaya natigilan ako,baka pwedeng magkwento sa kanya?tropa naman kami ni lolo eh
"Wala ho pero may fiancé ho ako" panimula ko at nakuha ko naman ang interest nito "Hiro po yung name,alam niyo lo kagaya niyo siya,masyadong tahimik tapos suplado" sinamaan ako ng tingin nito kaya nginitian ko siya ng matamis "So ayun nga po,ex kopo siya sa totoo lang highschool po nung naging kami,we were happy that time kahit na madalas siyang tahimik at cold,I am happy with him" napayuko ako at pingilan ang mga luhang gusto nang kumawala nung pumasok lahat-lahat nang masasayang ala-ala namin,napangiti ako ng matabang "Kaya lang nagbago bigla,yung pagiging cold nya lalong lumala tapos kung sino-sino na ang babaeng nakakasama niya,his denying me pero I just think that his just pranking me or throwing some kind of a jokes,not until our graduation the day my mom passed away..." natigilan ako at pinunasan ang luhang dumausdos sa aking pisngi,I'm getting emotional lalo na nung maalala ko ang mga sinabi niya "I needed him that time kaya lang umalis rin siya kasabay ng nanay ko,he told me...he told me that all of that was a lie,everything was a lie" napahikbi na ako
"Oh sya tama na!ngumangawa kana dyan eh" napasimangot ako bago tinanggap ang panyo na inaabot niya
"Panira ka lo"
"Nandidiri ako puno kana ng uhog eh" lalong sumama ang muka ko at parang maiiyak uli "Ang sabi mo ay fiancé mo sya,ibig sabihin ay bumalik siya sa buhay mo?" tumango-tango ako "Pinakinggan moba ang mga paliwanag niya,baka may mabigat na dahilan kaya niya nasabi ang mga iyon,kaya siya umalis" natigilan ako uli
"H-Hindi pa ho ata ako h-handa sa kung anumang dahilan niya" naiiling kong sagot dito
"Alam mo babae----"
"Tatiana kasi lo"
"Ito ang gusto ko wag mo akong pakialaman" salubong na ang kilay nito hindi ako nagpatalo
"tanda" bulong ko na narinig nya kaya nakatanggap ako ng kutos ni lolo "Aray"
"Makinig ka nalang kasi,alam mo lahat tayo ay may mabigat na problema,maaaring may malaking kinakaharap yang sinasabi mong lalaki kaya nya nagawa sa iyo ang ganong bagay" panimula niya at mas lalo akong natigilan "Hindi sa hindi kapa handa kundi ayaw mong maging handa,gumagawa ka ng pader na maglalayo sa inyo ngunit iyon nga ba ang gusto ng puso mo?Kailangan mong harapin iyan sa paraan na iyon ay mapapanatag ang loob mo"
Matamlay akong nahiga sa aking kama,pakiramdam ko ay pagod na pagod ako kahit na wala na akong halos ginagawa dahil hinihintay pa ang susunod na anihanng tea leaves
Nasa utak ko parin yung mga pinagsasabi ni lolo,napapaisip tuloy ako...baka tama sila?baka masyado akong matigas sa kanya,bigla ko tuloy naalala yung laging sinasabi ni mom sa akin simula bata palang ako
'everyone deserves a second chance Tatiana,lalo na kung nakikita mong nagbabago sila'
'but mom what if hindi nila deserved?' the little me ask her
'then just forgive them,magpatawad kana lang at kahit hindi mona sila uli pabalikin sa buhay mo'
Napapikit ako ng maalala ang mga katagang iyon,naalala ko din si mommy kaya naiiyak nanaman ako
"Mom...I miss you" isang luha ang pumatak bago ako pumikit at tuluyang lamunin ng antok
***
Nagising ako sa ring ng cellphone ko kaya nakapikit kopang kinuha at sinagot ang tawag
"Hello?"
[Rise and shine my wife] napabangon ako nang marinig ang boses niya,chineck kopa ang caller's id at unknown naman ang nakalagay
"W-Whos this?" I ask
[fiancé mo malamang,masyado kanang nagtatagal dyaan sa bakasyon mo] nakumpirma ko nga na siya ang kausap ko medyo nangilid ang luha ko
"I-I...I miss you" hindi ko alam bigla nalang lumabas iyon sa aking bibig kaya natakpan ko ito saka agad na pinatay ang tawag
Seriously Tatiana!?I miss you talaga!?
Napalingon ako sa biglang pagbukas ng pinto ko
"You what?" nanlaki ang mga mata ko bago tumingin sa phone ko at ibinalik ang tingin sa kaharap ko ngayon,his smile and those green eyes,gulat na gulat ako
"t-teka,kausap lang kita sa phone ko kanina ah!"
"Nag-teleport ako" he said before hugging me tight "I miss you too"
+++++
CallistaPeachyyy
Vote and Follow!
YOU ARE READING
MY THISTLE ✓
Romance[COMPLETED] Tati is the unica hija of De Guzman family she's stubborn and hardheaded woman lalo na pagdating kay Hiro. Hindi siya naniniwala sa love at first sight but that man prove it to her, she chases him like a madman and when finally Hiroishi...