The Untold III

378 20 0
                                    

Nasa court na kaming lahat maliban sa isang tao,where is she?

"I'm calling Tati pero walang sumasagot" nayayamot nang sabi ni Yumi bago ako hinarap "favor brother please?"

"What?" bored kong tanong

"Sunduin mo naman si Tati girl para makapagsimula na tayo,30 mins na siyang late"

"Why would I?" taas kilay kong tanong dito at nag-iba naman ang muka niya,mukang naiinis na

"Ayaw mo?" hindi ko ito sinagot "Edi wag kay Jay----"

"Ok susunduin kona" mabilis ko siyang pinutol at iniwan doon,not a chance

Agad din naman akong nakarating sa bahay nung babaeng yon at naghintay ng ilang minuto bago siya tawagan,matapos ko siyang makausap sa cellphone ay may namataan akong papalabas ng bahay nila at tama nga ang hinala kong siya iyon,my jaw clenched when I saw her clothes,really?sando?shorts?

"para sunduin ka"

"hala!sandali jusko po,yung suot ko!gagsti muka pakong tinakbuhan ng suklay,wait babalik ako give me 20----no 10 minutes" agad siyang lumabas doon sa kotse ko at nagtatatakbo pabalik sa bahay nila,bahagya pa akong natawa sa inasta niya

30 minutes din akong naghintay,kahit kailan talaga napakabagal niya,agad din naman kaming umalis nung dumating siya at as expected nadaldalan siya nung mga babae

Tahimik na kaming nagpapractice nang may pumasok sa court at tinawag yung mga kasali sa freaking pageant na yan,nakita kopang sabay na umalis si Tatiana at Xavier,tss

Hindi ako masyadong maka-focus sa practice dahil iniisip ko kung ano naba ang nagyayari doon sa gymnasium kaya nung matapos kami sa practice at mamataan ko si Xavier na pabalik ay nilapitan ko ito

"Where's Tatiana?"

"I dunno" he just shrugged nangunot naman ang noo ko at nilagpasan na siya "you're so obvious" narinig kopang sabi nito na hindi ko nalang pinansin,nasa harap palang ako ng Court ay namataan ko na siya...kasama yung gago

Lalo lang nagiinit ang ulo ko dahil buhat siya nito,ano ba siya lumpo?

"Ahh Jayden dito nalang ako kaya kona sigurong magtuloy hanggang sa court" basag ni Tatiana sa katahimikan dahilan para maputol ang taimtim naming pagtititigan,pansin ko ding hirap siya sa paglalakad kaya nung makaalis yung gago ay agad ko siyang binuhat,nagpapasag pa siya na hindi ko na pinansin "buti naman at ibina---ano ba!kanina kapa ah!" I pushed her to the locker still looking at her intently

"bakit magkasama kayo?"

"s-sino?"

"that Jayden guy,do you like him?" nananantsa ang mga tingin ko sa kanya,kapag yon gusto niya ampanget ng taste niya

"woi h-hindi ah kelan ko nga lang nakilala yo----teka teka nga bat naman ako magpapaliwanag sa...hmmm" hindi ako nakapagpigil na siilin siya ng halik,I know we better not be together but hell no!I won't give her to other guys out there,her lips is mine,she's only mine

My heart jump in happiness when she kissed me back its like an achievement to me

Nang ihiwalay ko ang labi ko sa kanya ay parehas kaming naghahabol ng hininga,may sasabihin dapat ako kaya lang biglang sumara yung pinto probably guard yon na nag-ikot dito sa school

MY THISTLE ✓Where stories live. Discover now