"Ano ba kasi ang nangyari?" tanong ni Cheska habang iniaabot ang bag of ice kay Hiro na sapo-sapo ang kaliwang mata,sinulyapan ako ni Hiro at tinaasan kolang ito ng kilay,nagiinit parin ang ulo ko sa kanya
Paano ba naman?ang mahigpit na yakap niya ay napalitan ng paghalik sa leeg ko,sa gulat ko ay hindi parin ako makareak natauhan lang ako nung ipasok niya ang kamay niya sa sandong suot ko kaya ayun nasapak ko may blackeye tuloy
"He deserves it" sabi ko na ikinalingon narin ni Cheska "Manyak siya eh" dagdag kopa na ikinalaki ng mata ni Cheska bago napalayo kay Hiro na nakasibangot na
"Masama bang manyakin ang fiancé ko?" marahang tanong nito na ikinapula ko
"Sino bang fiancé mo?" taas kilay kong balik dito to maintain my cool
"Ikaw" diretsong sagot nya na ikinagulat ko at ni Cheska na napatakip pa sa bibig
"Ahhh aalis m-muna ako,mukang kailangan niyo ng pribadong paguusap" agad itong naglakad palabas ng bahay at ako naman ay tumayo na
"Ano ba ang ginagawa mo dito?" tanong ko rito
"fetching my wife?" he innocently said at napairap naman ako
"wife your ass" nung nakaraan lang miss na miss koto tapos ngayon inis na inis na ako sa pagmumuka niya "were not even married and too bad I won't come" pangaasar kopa dito na nagpangiwi sa kanya ngunit kalaunan ay napalitan rin ng ngisi
"If you won't come,the wedding will come to you don't worry"
Pinagulungan kolang ito ng mata,natutuwa kasi akong asarin siya maybe mga ilang araw ko muna siyang aasarin before giving him the chance to explain,I'm enjoying pissing his ass off
"Nakakailang kape ho iyan?" Hiro ask Nay Resha nang muli ako nitong abutan ng isang tasa ng kape
"Nako hijo,napakalakas niyan sa kape dalawang baso na ang pinakamahina sa isang araw!" pagkukwento naman ni Nay Resha "Kaya nga madalas magsuka iyan sa umaga,sinisikmura ata" tumalim ang tingin sa akin ni Hiro ngunit inirapan kolang ito bago sumimsim sa kape ko,ang sarap sarap talaga!
Kasalukuyan na kasi kaming nagpapahinga dito sa maliit na gazebo kakatapos lang mamitas,nakigulo pa nga si Hiro na mali-mali naman ang pinipitas,tirik ang araw dahil katanghalian ngayon
"Tara na magtuloy na tayo sa trabaho" pagyaya ko sa kanila na ikinatayo rin naman nila,nabuntot pa si Hiro sa akin na blangko ang muka
"bakit ba puro kape ka?" nang hindi ata siya makatiis ay nagtanong na
"Kasi gusto ko?" di pa sure na sagot ko at napabuntong naman ito ng hininga
"Given na yon pero dati naman hindi ka mahilig dyan"
"Why do you care anyway?" taas kilay kong tanong dito at natahimik naman ito
Natapos ang trabaho namin sa taniman ng hindi niya na ako kinikibo,oh diba loko loko nanunuyo dapat sya pa ata itong galit ngayon
Bandang alas-tres ay napagpasyahan kong dalawin si Lolo at nahuli ako ni Hiro na palabas kaya sinundan ako na ikinainis ko
![](https://img.wattpad.com/cover/297020397-288-k149502.jpg)
YOU ARE READING
MY THISTLE ✓
Romance[COMPLETED] Tati is the unica hija of De Guzman family she's stubborn and hardheaded woman lalo na pagdating kay Hiro. Hindi siya naniniwala sa love at first sight but that man prove it to her, she chases him like a madman and when finally Hiroishi...