Tatiana Shane's POV
"My name is Tatiana Shane De Guzman, I hope we can be friends" pagpapakilala ko sa buong klase, fourth year highschool na ako at kahit kalagitnaan na nang klase ay kinailangan kong lumipat ng eskwelahan, na-expel kasi ako dahil sinapak ko yung anak nung principal sa former school ko which she deserves dahil mayabang siya at bully.
"Maghanap ka nalang ng bakanteng upuan dyan hija" sabi sa akin ni ma'am kaya agad kong inilibot ang paningin ko
Nang magtama ang mga mata namin nung pamilyar na lalaking may berdeng mata ay agad akong napangiti. Siya yung pinagtanungan ko kanina kung saan ang room tapos hindi ako pinansin
Agad akong nag-punta sa upuan doon sa tabi niya dahil mukhang wala namang umuukopa, paupo na ako nang magsalita siya
"That's taken" bored niyang sinabi saka inilagay ang bag niya
"Well I don't see any student sitting here and... bags don't study" saka ko ibinaba ang bag niya at tumuloy na sa pag-upo, nakita kopa ang pag-ismid nito
sungit!
Nagsimula na ang klase at wala naman akong ibang ginawa kundi sumulyap sa katabi ko. He's handsome kaya lang laging walang reaksyon o kaya naman nakasimangot
"Stop staring at me, it's annoying"
"No I'm not" tatawa-tawa kong sagot rito saka nag-focus na uli sa klase kahit na wala akong maintindihan
"Tsk!" yun nalang ang narinig ko sa kanya
Nang matapos ang klase na pang-umaga at lunch na ay agad akong tumayo saka sinundan siya
I need to know his name!
"Hoy sandali!" tawag ko rito sa haba ng mga binti niya ang isang hakbang niya katumbas na ata ng dalawang hakbang ko, nakakapagod naman 'to sundan
Huminto ito bigla kaya ang ending bumangga ako sa likod niya, grabe ang tigas!
"Why are you following me?" tanong nito sa malalim na boses
"Ahhh ... hehe gusto ko lang sana malaman yung panga-uy!" hindi ko na natapos yung sinasabi ko dahil bigla nalang siyang nagtuloy sa paglakad dahilan para maiwan ako "Pangalan lang eh! damot!" sigaw ko at parang wala naman itong narinig kaya napanguso nalang ako
Gusto ko sana siya mismo ang magpakilala kaya lang ayaw niya kaya itatanong ko nalang sa iba
Agad kong hinanap yung pinsan ko na dito rin nag-aaral at agad ko naman siyang namataan sa Cafeteria na may kasamang gwapong lalaki. Mag-ka-edad lang kami pero nasa ibang section siya, lower section. Matalino sana kaya lang maloko rin
"Hoy bruha may itatanong ako sayo" agad kong sambit pag-upo sa tabi nito bahagya pa silang nagulat nung kasama niya
"Ano ba iyan! bigla-bigla ka na lang sumusulpot ah!" reklamo pa nito na hindi ko nalang pinansin
"Ihhh may itatanong nga ako!" medyo inis ko nang paguulit
"Oh ano yon?"
"Kilala mo ba yung lalaking may berdeng mata sa section ko? tapos matangkad at medyo singkit na maputi then payat-——in short yung gwapo?" tuloy-tuloy kong saad at napataas naman ang kilay niya
YOU ARE READING
MY THISTLE ✓
Romansa[COMPLETED] Tati is the unica hija of De Guzman family she's stubborn and hardheaded woman lalo na pagdating kay Hiro. Hindi siya naniniwala sa love at first sight but that man prove it to her, she chases him like a madman and when finally Hiroishi...