Hindi natuloy yung pagpasa sa project ni panot dahil nagkaron daw siya ng meeting. Ngayong araw itutuloy kaya nagsipaghanda na kami, lunch palang magkasama na kami ni Hiro na napakatahimik parin simula kahapon ng meeting. Di naman na bago yon kaya lang kakaiba yung ngayon, para kasi siyang natatae na ewan at bigla nalang naiiling kapag tumitingin sa akin, weird right?
Nahuli ko nanamang nakatingin sa akin yung isa, napapakunot na ang noo kong tinignan siya
"Hey what's wrong with you?" I ask at bigla naman siyang nag-iwas ng tingin
seriously?ayos lang ba talaga to?
"nothing" walang syang reaksyon nung sumagot at saka tumayo na "let's go, the class will start soon" inilahad niya ang kamay para tulungan akong tumayo. Nasa field kasi kami, may mga puno dito kaya doon kami umupo. Natitigilan man ako pero tinanggap ko nalang rin ang kamay niya, hinila nya lang ako patayo bago nauna nang lumakad paalis
parang may electric shock yun ah!
Nakangiti akong humabol sa kanya at saka nakisabay hanggang sa makarating kami sa room, may ilan pang kulang sa klase pero maya-maya rin ay nakumpleto na, dumating na si Sir Chua na masama nanaman ang muka
as usual!
"Ok ready your project and recite it here in front, alpabetically!" malakas na sigaw nito saka nagtawag,nagsimula na yung naunang mga kaklase namin at nasundan pa ng nasundan
"De Guzman, bring your partner!" tawag niya sa akin at agad naman kong tumayo, parang ayaw pa sumama ni Hiro pero wala naman siyang magagawa nahila ko na siya bago pa makapagreklamo
I recite the facts while Hiro is in opinion
"Love can make a person selfless" he started, binasa niya pa ang mga sumunod "And lastly Love can be found in an unexpected person, time and situation" he said while looking at me
geez!that gives me chills
Nang magtama ang mga mata namin ang dami kong nahukay na emosyon sa berde niyang mga mata kaya lang panandalian lang dahil sa pag-iwas niya, nauna narin siyang maupo
Sunod-sunod lang ang tawag ni sir matapos non. Agad rin niyang inanounce yung mga grade namin and I smiled when mine and Hiro is the highest, we got 97
Nung umalis si panot ay agad rin namang dumating ang sunod na teacher kaya hindi kona nakausap itong isa. Nang matapos ang klase sa court agad ang deretso ko dahil may practice kami ng Volleyball
"hello ate Yumi" nakangiting bati ko rito at tinanguan naman ako nito bago ginantihan ng ngiti "hi Riza!" bati ko sa kanya ng makita ko siyang naglalagay ng gamit sa may locker room namin dito sa court. yep!we have that
"Hello" mahinhing bati niya at saka ako nginitian. Sabay na kaming lumabas sa locker room matapos kong makapagpalit ng practice jersey namin
"Ana!" sigaw ng kung sino "Tatiana Shane!!" sigaw muli kaya napalingon nako. kelan pa kasi naging Ana ang name ko?
"Tawag tayo ni Ma'am Yumi" Xavier said, at saka ako hinila. Nagpatianod nalang ako kahit na kumukulo ang dugo ko sa lalaking to
Nang matanaw kong kausap ni ate Yumi si Hiro ay agad akong napangiti
"ngiting-ngiti ah!ampanget mo!" pangaasar pa nung may hila sa akin, I just rolled my eyes at him. panira!
Nakarating na kami sa pwesto nila hindi parin niya binibitawan yung kamay ko, nakita kong napatingin doon si Hiro kaya agad kong hinila ang kamay ko. Ewan biglang pumasok sa sistema kong hilahin nung mapatingin doon si Hiro.
YOU ARE READING
MY THISTLE ✓
Romance[COMPLETED] Tati is the unica hija of De Guzman family she's stubborn and hardheaded woman lalo na pagdating kay Hiro. Hindi siya naniniwala sa love at first sight but that man prove it to her, she chases him like a madman and when finally Hiroishi...