Chapter 20

425 16 1
                                    

"Aray naman!" sigaw ni Xavier dahil sa kaltok ni Riza

"Yung kalat nyo doon linisin niyo!" sigaw pabalik nitong isa,habang kami ay busy sa paghahanda ng agahan sila nagbabangayan

"Lilinisin naman eh!di mo na kailanga----Isa!" ambang kakaltukan niya sana uli si Xav nang magsalita na ako

"Tumigil na nga kayo para kayong mga bata dyaan,tumulong kana rito Riza at Xavier magligpit kana sa labas" para naman silang mga bata na nagsisunod sa utos ko

Nakaupo na kami at balak na sanang magsimulang kumain ng biglang nagtatatakbo papasok si Xav sa loob ng bahay

"Guys may mga bagong dating!" tila ay batang tuwang-tuwa at may bago nanamang kalaro,isip bata talaga

"di mo kailangang sumigaw bakla!" si Riza agad ang bumara sa kanya kaya napasimangot siya

"whatever,andyan yung pinsan ni Tatiana tapos yung baklang lagi niyang kasama" nagulat ako sa sinabi nito at sakto namang pagpasok ng dalawang tao na parehas may bitbit na bag

"Tatiii" masayang bati agad sa akin ni Nica at nakipag-beso beso

"Anong ginagawa niyo rito?" nagtatakang tanong ko

"Ay parang ayaw kami rito girl ah" natatawang sabi ni Matty at sa kanya naman ako nakipag-beso beso "Nung afterparty pa kasi ito napagplanuhan,dance troupe kasi kami niyang pinsan mong hilaw---"

"Oy anong hilaw!gago ka!" nakanguso na ngayon si Nica,inismidan lang siya nung bakla

"So ayun nga sumayaw kasi kami before the awarding which is wala kana ata non!Tapos sa afterparty sa table nila kami sumama dahil wala naman kaming ibang tropa kundi ikaw at classmate naman namin sila Riza,edi ayun naaya ang mga bakla here we are!" pagpapatuloy niya,andaldal niya pala

"Oo nga nung awarding wala kana Tati" sabi ni Jayden at natigilan naman ako

"ha?ahh ehh napagod na kasi a-ako nun" naiilang akong napatingin kay Hiro na nakangisi na ngayon,pati si ate Yumi parang may alam,si Tyron naman kunot ang noo pero tahimik lang

"Sayang you won pa naman" si Clare isa sa mga ka-team ko

"Talaga?" naexcite naman ako

"Oo kaya lang yung price money mo yung pinanggastos sa gala nato" napasimagot agad ako at nagtawanan naman sila

"bahay at resort lang ang libre dito no,sa atin ang foods" Riza said while giggling

"ok lang yan Tati at least nageenjoy tayo ngayon diba?" ginatungan pa ni Xavier

"Nageenjoy nga pano puro alak kayo!" sagot naman ni Riza at nagsimula nanaman silang magbangayan,naupo na sa tabi ko si Nica at sumunod naman sa kanya si Matty

Natigil din yung dalawa sa pagbabangayan at nakapagsimula na kaming mag-agahan

Napagpasiyahan naming magsesailing kami at pagligsahan iyon,kung sino ang matalo sila ang maghuhugas at magliligpit mamayang tanghalian

Ako at si Hiro,Nica and Matty,Riza and Xavier and the rest by pair na

"Marunong kaba?" tanong ni Hiro

"Hindi" I lied,sailing is my hobby though

"tss" iyon nalang ang sinabi niya bago ako hilahin sa isang sailing boat

"Ready,set...go!" kasabay non ang pagbaba ng green flag

Agad kaming nagsikilos at hinila sa medyo malalim ang bangka bago nagsisakay

MY THISTLE ✓Where stories live. Discover now