Kagigising kolang at balak ko sanang simulan ang araw ko ng tahimik at payapa kaya lang paano ko iyon magagawa kung bubungad sa akin ang pagmumuka ng lalaking to
"What are you doing here!?" inis kong tanong at naupo sa upuang kaharap ng pwesto nya,ang aga-agang salubong ng magaganda kong kilay dahil sa presensya ng kinamumuhian kong lalake
"Masama bang maki-almusal sa bahay ng mapapangasawa ko?" tanong nito na may pagka-sarkastiko
"What?sino namang aasawahin mo dito?si Tyron o Theo?" sarkastiko rin ang sagot ko dito
"Tigilan niyo na iyan para kayong mga bata,siya ang napili kong mapapangasawa mo Tatiana" maotoridad na suway sa amin ni dad ngunit nakuha ng huli niyang binanggit ang atensyon ko
"Ano!?bat ang lalake pa na ito?nakakapag-isip kapaba ng matino dad?"
"Tatiana" nanunuway na ang tono ni Theo
"No,sa dinami-dami ng ipapakasal niyo sa akin bat iyan pa?ipakasal niyo na ako sa aso wag lang diyan jusko!" nagpatuloy ako sa pagsubo kahit ramdam kona ang talim ng tingin ni daddy,sumusobra na sya!
"That's my decision at wala kanang magagawa kahit maglupasay kapa dyan,kung nagpakatino ka edi sana wala ka sa sitwasyon na ito ngayon" seryoso na si dad kaya medyo pinakalma ko ang sarili ko,mahirap na baka magka-gyera pa
"Seriously?alam nyo naman ang...ang nakaraan namin ng lalaking yan!" nagiinit parin talaga ang ulo ko
"Hindi kona kasalanan iyon,nakipag-relasyon ka ng walang pahintulot namin at nasaktan ka,pinili mo iyon" balewalang sagot ni dad at napunta naman ang masamang tingin ko dito sa kaharap ko
"Lumayas kana nga dito!" pagtataboy ko rito at prente parin itong sumubo ng kinakain na sinangag
"Ako ang nag-luto tapos paaalisin molang ako?asan ang manners mo?" suplado nitong sagot at napasalubong lalo ang mga kilay ko kulang nalang ay mag dugtong
Agad akong tumayo at naglakad paalis doon,ang sarap sana kaya lang luto daw niya,nawalan ako ng gana kainin
Buong maghapon akong irita dahil bantay sarado na nga ako sa bahay papansin pa yung lalaking yon!
Buong araw rin siya sa bahay at hindi tumitigil hanggat hindi ako napapapayag ni dad na magtrabaho narin sa kumpanya as sekretarya nitong ugok nato
Napapayag lang ako nang sinabi niyang ika-cut niya ang mga credit cards ko at babawiin ang kotse ko,andami pa namang parating na inorder ko online kaya no choice talaga!
Kakatapos kolang mag-ayos ng sarili at pababa na nang mamataan ko nanaman si Hiro sa sala,prente itong nakaupo na animoy bahay niya
"Ano nanamang ginagawa mo dito!?diba papasok na nga ako sa lintek na trabahong yan?" may inis agad sa tono ng boses ko
YOU ARE READING
MY THISTLE ✓
Romance[COMPLETED] Tati is the unica hija of De Guzman family she's stubborn and hardheaded woman lalo na pagdating kay Hiro. Hindi siya naniniwala sa love at first sight but that man prove it to her, she chases him like a madman and when finally Hiroishi...