Prologue

112 14 0
                                    

Her eyelids are tweaking and she's trying so hard not to open them. If sleepwalking is possible for her to do the things she has to do today, she would've done that and won't mind all the transitional phase she will have to suffer along the way.

That's what she hopes for, but that's just a mere fantasy she has whenever she sleeps, because every time she opens up her eyes, she knows she has to deal with another sorrowful day. Every single day.

Suffer and then tolerate the consequences. That's what she feels every single day and she has no choice, but to live with it. Nakasasawa pero kailangan niyang kayanin. Parte na 'yon ng buhay niya. Hindi niya ginusto pero kailangan niyang tanggapin. It's a cycle she couldn't avoid. Parte na ito ng buhay niya.

Kumuyom ang kanyang kamao, pinipigilang imulat ang mata at bumangon sa pagkahihiga. She believe in herself na ang panibangong umaga ay hindi isang bago kung hindi isang magdaraang araw lang na dapat niyang lagpasan. It is not a challenge to survive, waking up every day is a total burden for her. But is she really surviving it all?

She doesn't even want to wake up. Ayaw niyang makilala kung sino siya ngayon. Tila pinipigilan niya bang alamin ang bawat posibilidad na mangyari ngayon. Sa pagtulog, kaya niyang takasan ang lahat pero hindi niya iyon magagawa sa buong araw.

Therrie cannot sleep all day—well, she's not in the place to do it.

Kahit nakapikit pa si Therrie, her mind is already awake. Para bang kung saan-saan na ito naglalakbay at sa paraang iyon, mas gugustuhin pa niyang manatili sa gano'ng sitwasyon. Pero hindi iyon isang permanenteng bagay. Therrie doesn't even believe in permanent things. Change is constant and change is ever lasting. Nagbabago ang mundo kaya pati bawat araw na dumaraan, ayaw niyang tanggapin ang bawat pagbabago.

But she can't move forward by not accepting it, so she suffers and then tolerates it.

Isang cycle na para kay Therrie ang bawat araw at kanyang ginagalawan pero sa tingin niya ay sa ikabubuti naman niya 'yon pero sa ibang pagkatataon, hindi iyon ang namumuo sa kanyang utak.

Pa'no niya nga ba tatakasan ang mundong kinagisnan kung ang numero unong problema niya ay ang sarili niya? Hindi ang mundong kinagalalawan, at ang mga tao sa paligid niya.

Si Therrie... ang problema niya mismo ay ang sarili niya. Therrie laban kay Therrie. Isang sitwasyong paulit-ulit niyang nilalabanan.

She tried falling back asleep... baka posibleng makabalik siya sa mahimbing na pagkatutulog pero hindi na niya nagawa iyon nang may kumatok sa pinto. Kung pwede lang niyang isabuhay si Sleeping Beauty, she wouldn't even dare to wait for her prince to kiss her. She likes that. Sleeping forever.

"T. Tenorio, gising ka na ba?! May bisita ka sa labas!"

Marahas niyang iminulat ang mata at napatitig sa kisame. Tuwing gigising siya, iyon ang unang bubungad sa kanya—minsan ay iniisip niyang sana'y kalangitan na lang iyon na kukunin siya nang walang kahirap-hirap. Isang blankong magpaiisip sa kanya kung anong tatahakin niya ngayong araw.

Napabitaw na lamang nang malalim na buntonghininga si Therrie.

"Puta. Ito na naman tayo," usal nito.

"Therrie Tenorio," muling pagtawag sa kanyang pangalan. "Bangon na!"

"Ito na nga babangon na," walang gana nitong sagot sa staff.

Tawa naman ang isinagot sa kanya ng isang staff. "Sino ka na naman ba ngayon, Therrie?" panunuri pa nito.

Hindi siya sumagot at hinayaang umalis ang staff na 'yon saka niya pinapalipas ang nangyari. Dahan-dahan siyang bumangon sa kanyang kinahihigaan at tumungo sa harap ng salamin. Iniangat ang ulo at tinitigan ang sarili. Magulo ang buhok. Lubog ang mga mata at halos walang enerhiyang mapupukaw sa kanya. Pero normal lamang iyon.

"Sino ka nga ba ngayon, Therrie?" tanong nito sa sarili. "Tama... you just lost one of your emotions today so... who am I today?"

She questioned herself and that will linger for the rest of the day until she figured out what she had just lost today. On the top of her head, who she is today would depend on what she lost today.

And the question is, who is Therrie Tenorio?

Therrie's Thirty Days of Temperamental CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon