Chapter 1: Excitement

64 11 0
                                    

She walked out of her room, but not through all the way out. She just stood on the doorstep, looking left and right checking down the hallway. Her eyes are dull, seems like she has no interest in doing anything today. She just felt like it was not a day for her to be happy or do something funny.

The hallway was eerie. The hallway is maintained to be cleaned every day, but it seems like yesterday's mess hasn't been cleaned. Rats can be found running around sometimes. But she noticed nothing's weird going on and that made her feel fine somehow. Nakahinga siya nang maluwag, but then people living next to her all walked out of their room and the noise just filled the hallway immediately. Like what happened when each class ended when the bell rang. Tila mga nakalaya sa selda.

What chaos.

Napabitaw ng isang malalim na hininga si Therrie. This is like her usual morning—every single day, but almost like a routine na rin para sa kanya. Wala naman siyang kawala ro'n. She still can do whatever she wants to do, mas pinipili nga lang niyang maging mapag-isa since what she was dealing with could only be answered by herself—or may not. Hindi niya rin sigurado. Walang may alam even those people who she sought for help outside the premises couldn't do a thing to resolve the underlying problem.

May makatutulong nga ba sa kanya? Or she was hopeful that someone would be?

"Therrie!" isang boses ng babae ang tumawag sa kanya. Kinawayan pa siya nito kasama ang matatamis na ngiti.

Hindi niya ito nilingon kung hindi ay dumiretsyo lamang siya sa pasilyo kung saan kikitain ang taong bumisita sa kanya ngayon. Kilala naman niya 'yon, mas may kailangan lang siyang puntahan bago ang ibang tao.

She tried to put a smile on her face when she reached the visiting lounge. Bago siya tuluyang makapasok sa loob ng kwarto ay dumaan muna siya sa security checking. Isa sa proseso na pinakamahalaga sa bawat isa at maging sa mga taong bumibisita. Itinaas niya ang kamay at braso sa ere at hinayaan ang security staff na kapain ang ilang parte ng katawan niya mula sa itaas patungo sa ibaba.

"Patingin ng notebook mo," utos ng staff sa kanya nang matapos itong kapkapan.

Umiling naman si Therrie. Mas hinigpitan niya ang pagkahahawak sa notebook.

"Parte 'yon ng protocol, Therrie. Alam mo 'yan."

Napabuntonghininga na lamang ito at saka inabot ang hawak na notebook sa staff at chineck ang bawat pahina nito. Sinisigurado lamang ng staff na walang dalang delikadong bagay na isinuksok si Therrie. Posibleng mga bagay na puwedeng makapanakit o kaya naman mga gamot na hindi ininom. Nang masiguradong walang dalang patalim o kung ano man si Therrie ay pinalusot na nila ito patungo sa visitor's area.

"Sino ngang bisita ko?" tanong ni Therrie.

"As usual, 'yong jowa mo," sagot ng staff sa kanya saka ito napangisi. "Mukhang sabik na sabik nga 'yon. Dami pang dala."

"Ah, okay..." tipid nitong sagot, wala man lang bahid ng kung ano mang excitement.

"Hindi ka man lang ba excited?!" taka nitong tanong sa kanya. Tinitigan lang siya ni Therrie. Walang bakas nang kung ano mang excitement sa mukha nito. Hindi niya magawang ipamalas iyon. "Basta, alam mo na kung saan pupunta. Naghihintay na 'yon don sa 'yo ngayon. Makasasama mo rin 'yan sa susunod kapag nakalabas ka na. Enjoy mo lang, Therrie."

"Sige... salamat."

Tumungo si Therrie sa usual table kung saan laging nag-aabang ang boyfriend nito. Hindi naman siya nahirapang hanapin ang boyfriend niya. He's already there waiting for her.

He's very formal and get-up about meeting her. The seemingly perfect guy that everyone wanted to be with. With his chunky sets of eyes, pointed nose, kissable lips, always on his clean cut hair, and a dimple on his left cheek that's a huge impact for his image. Kinaiinggitan ang naturang kagwapuhan nito, sino bang hindi gustong maging katulad ng boyfriend ni Therrie? Maski si Therrie ay kinaiinggitan dahil sa boyfriend nito.

Therrie's Thirty Days of Temperamental CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon