Arkin accompanied Therrie while he was at work. She was just sitting at the end of the bar counter so people might not notice how bad her state is. This is a fun environment and all people are doing everything they want as much spending a lot of money together with meeting new people which became a highlight of the night for most party-goers.
Nakaiilang baso na rin ng alak si Therrie and it doesn't seem to make her feel numb, the sadness in her chest keeps tearing her apart. Why would she have to lose her feeling to be happy after all that happened?
She knows that she just can't be happy, but she didn't expect that this will be the turning point of losing it. It's not like it did before, but what she's feeling now is worst. Worse than not just being happy.
She can be sad all day and not to feel happiness, but all the emotions seems like coming at her like a car that's running at four hundred kilometers speed per hour. Kulang na lang ay banggain siya mismo nito at mawalan ng interes sa lahat ng bagay.
"Here's your drink, boss!" Inabot ni Arkin ang alak na ginawa niya at saka tumapon ang tingin nito kay Therrie na nasa isang tabi. She's not entertaining everyone and her big companion are her alcoholic drinks.
Nagsalin si Arkin ng orange juice sa baso at dali-dali itong inabot kay Therrie upang pang-balanse lamang sa mga iniinom nito, though he thinks it won't work anymore.
Inabot nito ang kamay ng dalaga pero agad na binawi ni Therrie ang kamay niya. Napahugot na lamang nang malalim na hininga si Arkin.
"Hey... are you okay? I know that's dumb to ask, but will you be okay?"
Therrie didn't answer, but just grabbed the glass of orange juice and took a sip. Unang tikim pa lang nito ay agad niyang dinura pabalik sa baso ang nainom nito at inilayo sa kanya.
"I need something... something harder. I wanna forget..."
"I know, Therrie, but I can't let you have anymore. You're not even paying for your drink. This will be deducted to my salary, so yeah... maybe you should go home now. I can give you the keys to the apartment and take a rest there. You might not want to spend the rest of your night in here."
Pero matigas ang ulo ni Therrie at umiling sa suhestiyon ni Arkin. "Dito lang ako... mas gusto ko rito. Masaya rito, 'di ba?!" Tumaas ang tono ng boses ni Therrie at doon na nakuha ang atensyon ng ilang tao sa paligid nila. Nakakuha naman iyon ng samu't saring reaksyon kaya naman agad na ipinaalam ni Arkin na wala dapat silang ipag-aalala kay Therrie.
Iniwan niya ito panandalian nang tawagin siya ng customer para sa order nito. He couldn't seem to focus on his job while Therrie's on the side. While keeping himself busy taking orders from his customer, he was so bothered by the fact that Therrie's already affecting him. He wants to help her. He has no other intention, but to make her feel fine. But it's not good for him either. It's not helping him anymore. It's like he will lose it all if he keeps helping her.
He pours a drink on a small glass and he just drink it up all at once. Humugot muli ito nang malalim na hininga at nang balikan niya ng tingin si Therrie ay wala na ito sa kinauupuan niya. Agad naman itong nataranta at agad na tinanong sa mga kalapit nito kung nakita nila kung saan nagpunta si Therrie, but they didn't notice her, not even single one of them.
Madilim ang ilang parte ng club at halos hindi matanaw kung saan pwedeng pumunta si Therrie. Arkin doesn't know if she has already gone home, but he hasn't given her the keys yet so it's impossible for her to leave without even saying a word. Not until he heard some men who were talking about a lady who kisses every man she passed by and somehow turned them on.
Nang tanungin ni Arkin ang mga kalalakihan ay pinagtawanan pa siya ng mga ito dahil parang iniisip nila ay sabik ito sa halik gayong hindi naman iyon ang pakay niya. Nang makuha ng mga lalaki na seryoso ang pakiusap ni Arkin ay itinuro nila kung saan ito nanggaling.
Agad na tinunton ni Arkin ang dance floor kung saan mabilis niyang natanaw si Therrie na kayakap ang isang lalaki habang sumasayaw. Tinitigan pa ito ni Arkin upang siguraduhin lang na tama ang nakikita niya. Nang halikan ng babae ang lalaki ay agad na tumakbo papunta si Arkin doon para pigilan ang dalawa. Hinila ni Arkin palayo si Therrie sa lalaki dahilan para magkaroon ng komosyon sa dance floor.
"Anong problema mo?" tanong ng lalaki kay Arkin.
"Man! This just a misunderstanding. I'm with her and she shouldn't be kissing anybody," pagpapaliwanag pa nito.
But the man didn't listen to his explanation and so he received a heavy punch on his face. Napasalampak na lamang ito sa sahig at babalikin pa sana nitong gumanti pero inaalala niya ang trabaho niya na maaaring magdala sa pagkantanggal niya kaya naman pinili niyang hindi na lamang lumaban. Bago pa lumayo ang lalaki ay sinipa pa siya nito sa tagiliran dahilan para mamilipit ito. Ininda niya ang sakit at tiniis niyang 'wag tuluyang bumigay rito. Tinanaw niya si Therrie at tiningnan lang siya nito hangga't sa sumiksik muli sa mga tao at tuluyang nawala sa paningin niya.
"Webb." Inangat ni Arkin ang ulo niya nang marinig niya ang pangalan niya. Kaharap niya ang boss niya ngayon at halos malugmok sa Arkin sa sitwasyon niya ngayon.
Tinulangan naman siya nitong tumayo at isinama patungo sa office nito. Binigyan siya ng first aid nito at ginamot na lamang ni Arkin ang natamo niyang sugat lalo na sa pisngi at ang pag-nose bleed nito mula sa malakas na pagkasusuntok ng lalaki. Agad namang pinaliwanag ni Arkin kung bakit nangyari 'yon.
Ayaw niyang maalis sa kanyang trabaho kaya kailangan niyang ipaliwanag ang mga totoong nangyari kaya binanggit niya si Therrie at ang kondisyon nito. Tinawanan lamang siya nito nang sabihin niyang may gano'ng klaseng kondisyon ang dalaga. Hindi ito naniniwala dahil sa ngayon, walang gano'ng klaseng kondisyon. Pinanindigan ni Arkin ang paliwanag nito kahit ang iniisip ng boss niya ay gawa-gawa lamang niya ito.
Dahil hindi titigil si Arkin na patunayan iyon ay ipinagpaliban na lang din ng kanyang boss ang diskusyon at babawasan na lamang ang kanyang salary sa nangyaring kaguluhan. Isang customer ang nadamay sa gulo kaya kargado niya ang parusa ro'n kahit wala siyang ginawa at ipinagtanggol lamang niya ang dalaga.
He continued working even though he doesn't know where would be Therrie now. Inalis na lamang muna niya sa kanyang isipan ang dalaga at sineryoso ang trabaho na muntik nang mawala sa kanya.
Nang unti-unting maubos ang tao sa club at lumiliwanag na ang paligid ay mas maayos na sana niyang makikita kung nasaan si Therrie pero hindi niya natanaw ito sa mga natitirang tao sa paligid. Hangga't sa matapos ang kanyang shift, hindi na niya nakita si Therrie at ang pinangangambahan na lamang nito ay kung sumama ito sa ibang lalaki at ang kinatatakutan niya ay kung anong maging resulta ng mga posibilidad na mangyari.
Hangga't sa pag-uwi ay hindi naalis sa isip at dibdib nito ang takot kaya nang makarating siya sa unit niya ay ang ikipinagtataka niya ang taong nakahiga sa tapat ng pinto ng unit niya. Nagtaka ito kaya agad na dinaluhan ito para tingnan kung sino ang taong ito. Nang makompirma niyang si Therrie iyon ay agad niyang binuksan ang pinto at binuhat papasok ang dalaga.
Sinara niya ang pinto at hinatid sa kwarto at inihiga ro'n. Sinubukan niyang kausapin ito pero masyadong mahimbing ang tulog nito at hindi siya sinasagot.
Sa pagkatataong ito ay nakahinga nang maluwag si Arkin pero hindi niya alam kung anong sunod na mangyayari dito kay Therrie. Napahiga na lamang ito sa tabi ng dalaga at humugot nang malalim na hininga.
"I'm trying to understand your situation, Therrie... but this is becoming too much for me... but I'm still gonna try..."
There's too much sadness in her emotion since she loses her happiness... that's the hardest part when you want to live and have to suffer on the opposite. She suffered from losing her emotions, but tolerating it seems not to work anymore. So, how long will Therrie realize that there's no way out of her condition? Or will she ever be?
BINABASA MO ANG
Therrie's Thirty Days of Temperamental Cycle
Tajemnica / ThrillerTherrie suffers from an unknown mental disorder--every single day in the span of 30 days, she wakes up losing an emotion that affects her in every way in the effect of changing into something who she is not. Therrie then started losing her true self...