It's been a few days since Benji's birthday and she knew something else was going on, but haven't seen Bianca again. Kapag kasama ni Therrie ang mga kasamahan niya sa loob ng iisang lugar, she would ask about Bianca and where is she and where she could be now if they haven't seen her in a few days already. Nakababahala na kasi. Hindi na maipaliwanag ni Therrie kung bakit, but she knew in her guts that something's wrong.
There's always something wrong in this health facility. They just thought there was nothing... but there is, suspiciously.
Sa pagbabalik ni Therrie, she was expecting to be questioned every day since they've been observing her. Her personality and attitude are the case they are looking for—in other terms, investigating her because this isn't just a usual thing they've got to encounter.
Therrie's unique. Therrie's none like the others.
But she hasn't been questioned up until this day. It's making her uncomfortable—or maybe because comfortability isn't her best friend today.
She's seeing Doctor Carmona and the new doctor around, but they're not noticing Therrie's presence or simply, they are ignoring her. She got no clue why they were acting like that, but that only started when she started asking about Bianca. Gusto niya lang naman ito makita at makausap.
Nasa garden ang karamihan at may dalawang oras lang sila bawat araw para makalabas-pasok ng garden. May mga guwardiya pa rin naman sa paligid. Hindi na iyon nawala. Noon naman ay hindi gano'n kahigpit ang seguridad ng pasilidad at ngayong bumalik lamang siya ay napansin niya ang mga pagbabagong ito.
"Chona," tawag ni Therrie sa kasamahan. Nilingon naman siya nito at umupo sa tabi. They just finished putting flower seeds on the soil and said that it would be a good help for them. "May gagawin ka pa ba? Baka naman nakai-istorbo na ako, a?"
Umiling ang kasamahang babae na may apple bob cut na buhok. "Hindi naman... katatapos lang din naman namin magtanim. Ang sabi sa pakete no'ng buto na itinanim namin, in four months ay tutubo raw ang bulaklak nito."
Napakunot ng noo ang dalawa. Hindi nito pinansin kung anong sinabi nito patungkol sa bulaklak. "Okay... sa tingin mo ba nandito ka pa rin after four months?"
"Huh?"
Ilang segundo pang natigilan si Therrie nang ma-realize niya iyong tinanong kay Chona. Agad itong umiling at isinalba ang sarili mula sa pagtatanong ng masyadong sensitibong usapan. "Sorry, sorry. 'Wag mo na lang pansinin iyong tanong ko. Masyadong marami lang akong iniisip."
"Hindi, okay lang naman," aniya at inabot ang kamay ni Therrie. Napatitig pa ng ilang segundo ro'n si Therrie at saka inilipat niya ito sa mukha ni Chona. "Hindi ko rin naman alam kung kailan ako makalalabas dito. Alam mo, wala namang bumibisita sa akin dito kaya para saan pa ang pag-look forward na makalalabas ako rito? Okay lang sa akin na after four months ay hindi pa ako makalalabas. This is my home now... masaya ako rito dahil nakauusap ko kayo at kasama ko kayo buong oras at araw. Ikaw ba, Therrie?"
"Anong ako?" taka pa nitong tanong.
"'Di ba nabanggit mo no'n na six months ka lang dito? Malapit ka na mag-three months at three months na lang din at makalalabas ka na... anong nilo-look forward mo paglabas mo?"
Tila ba natanga si Therrie sa tanong ni Chona. Kung noon ay ang dami niyang plano pagkalabas niya. Kung ano-anong mga bagay ang dapat niyang gawin pero sa pagkatataong iyon, tila iyong mga pinapangarap niyang mangyari ay nakulong sa isang kwadradong lugar at hindi niya alam kung magpakakawalan niya muli ang mga pangarap na 'yon kasi sa puntong ito, walang kasiguraduhan ang mga bagay-bagay para sa kanya.
"Okay lang 'yan kung wala ka pang plano," ani Chona habang hinihimas ang braso ng kaibigan. "Masaya naman tayo rito, 'di ba? Saka dinadalaw ka naman ng boyfriend mo. Happy ka pa rin."
BINABASA MO ANG
Therrie's Thirty Days of Temperamental Cycle
Gizem / GerilimTherrie suffers from an unknown mental disorder--every single day in the span of 30 days, she wakes up losing an emotion that affects her in every way in the effect of changing into something who she is not. Therrie then started losing her true self...