PROLOGUE

10.9K 78 7
                                    

Itinatanong nyo siguro kung bakit kami humantong sa ganitong posisyon?

Namatay ang magulang ko sa isang car accident. 16 yrs old lang ako at 4 yrs old lang ang kapatid ko ng maulila kami. Meron naman kaming mga kamaganak, pero mukhang ayaw din nila kami alagaan dahil pinagpapasa-pasahan nila kami na para bang ayaw nilang may dagdag pa silang kinukupkop. Kaya tumakas kami ng kapatid ko at doon na humantong ang suliranin na iniinda ko.

Nasa park kami ni bunso dahil mukhang pagod na sya kakalakad. Inabot narin kami ng dilim sa daan kaya huminto muna kami. Problema ko din kung saan kami ngayon matutulog.

"Gusto mo ng 300?" Napa angat ang ulo ko doon sa nagsalita na iyon?O___O Mukhang lasing iyong lalaki na nasa harap namin ngayon. Pasuray suray pa na nakatayo ito sa harap namin. Anong sinasabi nya na 300? Niyakap ko papalapit sa akin ang kapatid ko, dahil natatakot ako para sa kapatid ko.

"Ayaw mo? Gusto mo 500 nalang?" Anung tingin nya sa akin prosti? Sana umalis naman na itong lalaki na ito. Wala pa namang tao dito sa parte namin.

*Hits*

"Kanina pa kita hinahanap, Saan ba kayo nagpupupunta?!" hingal na hingal na sabi sa amin ni sir Yule, ang teacher ko. Tulog na ngayon iyong lalaki dahil sa pagsapak ni sir yule sa kanya. "Tara na!" aya nya sa amin.

"At saan mo naman kami dadalhin?"

"Sumama kayo sa akin sa tinitirahan ko. Doon na kayo tu-----"

"HUWAG MO NGA KAMING KAAWAAN!! HINDI KO KAILANGAN NG AWA!! KAYA PWEDE BANG UMALIS KA NA!!" galit na galit na talaga ako sa kanya >...

"Hindi ako naaawa sayo! Gusto ko kayong tulungan!Huwag ng matigas ang ulo mo!" Hinablot nya iyong isa kong braso at kinaladkad kami sa kung saang direksyon. Nakasunod lang sa akin si bunso. Inagaw ko sa kanya iyong braso ko na hawak nya.

"Oh... TALAGA!!!??" sabi ko na sa tonong hindi naniniwala.Sa sobrang init na ng ulo ko at sa sobrang pressure narin sa sitwasyon namin ng kapatid ko ay nagawa ko pang magbiro.

"SIGE NGA!! KUNG HINDI KA NA-AAWA SA AMIN NG KAPATID KO. PWES KAYA MO BA AKONG PAKASALAN AT ALAGAAN KAMI!!! TSK... SA TINGIN KO HINDI!!!" bulway ko sa harap ng mukha nya.

Nilapit nya rin iyong mukha nya sa akin na 2 inch nalang ata ang pagitan ng mukha namin.

"OO, GAGAWIN KO IYAN!!"

.............................

........................

..........

O____O

Anu raw?

"Tara na, gabi na dito."

Nasa in-state of shock parin ako nung makarating kami sa apartment nya.Pinakain nya kami atpinagamit ang bathroom nya.

Habang kumakain si bunso ay nilapitan sya ni sir Yule.

"Hello ^__^ Dahil sa pagiging matapang mo at prinotektahan mo ang ate mo.Eto ang reward mo, dahil naging mabait kang bata." Binigyan nya ng candy si bunso.

Nakita kong sumilay ang magandang ngiti ng kapatid ko at tuwang tuwa sya sa binigay sa kanya ni sir Yule. Matagal ko ng hindi nakikita iyong ganyang klase ng ngiti ni bunso, simula ng mawala sila mama at papa.

Dahil narin siguro sa ngiti ng kapatid ko kaya nawala sa isip ko ang mga sinabi ni sir Yule sa akin at tinanggap ko kung ano nalang ang ibinigay sa akin ng kapalaran...

My Teacher/HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon