Love 21~Feelings~

528 12 2
                                    

*blue

Fylia's POV

"Fylia...."

"Hmm..."

"Humarap ka sakin."

"Ah..."

Dikit na dikit na ako sa salamin dahil sa nakadikit ang katawan ni sir Yule sa akin. Nakatayo kami sa harap ng floor to ceiling na glass window. Napahawak na tuloy ako sa salmin dahil sa dumidikit sya sa akin.

Badump badump badump

Inangat nya iyong dalawa nyang kamay at pinatong sa kamay ko na nakatukod sa salamin.

"Tignan mo... Mula rito sa pwesto natin, kita mo iyong river sa baba."

"Nakatingin ako! Ikaw kaya iyong hindi nakatingin sa labas." Nararamdam ko kasi sa akin sya nakatingin dahil nakayuko sya sa akin. Ayoko lang syang tignan dahil sa sobrang lapit ng mukha nya sa akin ay baka magdikit na ang labi namin. >////< Ayoko pa...

"Paano naman kasi ako titingin sa labas eh ang cute cute mo kasi sa suot mong bathrobe. Hmmm... Ang cute." Lalo akong namula sa sinabi nya. Pinanggigigilan nya pa ata ako.

Nandito kasi kami ngayon sa isang hotspring hotel sa malayong probinsya. Pagpasok namin ay binigyan kami ng bathrobe na susuotin namin dito sa loob ng hotel. Hindi sya iyong alam nating klase ng bathrobe na ginagamit sa c.r. Ang tawag lang talaga dito ay bathrobe dahil nga hotspring ito at mas madaling gamitin ito kaysa naman magdamit kami ng kung ano ano. Pwede rin kasi kaming magpabalik balik sa hotspring at magrelax kaya mas preferred narin ng mga taong pumupunta dito na ganito ang suotin.

Dinikit nya lalo iyong ulo sya sa gilid ng mukha ko, kaya naman ramdam ko iyong hininga nya na tumatama sa balikat ko na kinataas ng balahibo ko sa batok."Hindi lang bathrobe mo ang gusto kong makita." Ang sexy ng pagkakasabi nya doon. Ramdam kong sinasadya nyang sumayad iyong labi ng sa tenga ko,

"T-teka lang" Nilingon ko na sya pero may bumato sa kanyang unan mula sa likod nya.

"Tara! Mag pillow fight tayo at kumain rin tayo ng lobster sa baba ng hotel!"Excired na bukas ni meg ng pinto ng silid namin.

"Oi gab!! Huwag mong ikalat iyang mg unan at kumot! " Bigla syang binato ni gab ng unan sa mukha at ang lakas pa ng impact.

"Ang jolly nila..."

"Lobster! Lobster! Gusto ko nun!" sigaw ni bunso na tumatakbong pumasok sa kwarto.

"Bunso! Dahan dahan lang... Mapatid ka sa bathrobe na iyan." Nakasunod si tyler sa kanya.

Patuloy parin itong nagpapaikot ikot sa loob ng kwarto habang hinahabol ni tyler. Malaki at mahaba kasi kay bunso iyong pang kids na bathrobe nila kaya nakasayad na iyong laylayan sa sahig. Yung dalawa naman ay patuloy sa paghaharutan. Nililigpit ni blue iyong mga unan na binabato ni meg sa kanya.

Syempre hindi lang kami ang nandito sa lugar na ito. Naalala ko tuloy iyong pinagplanuhan namin noong nakaraang araw kaya kami nandito ngayon.

5 days ago.

"Yule! Nabobored na ako! Lumabas naman tayo!" deklara ni gab na bumibisita ngayon sa bahay namin. Sakto pa naman at nagluluto palang kami ni sir Yule ng gabihan namin, kaya naisipan nya na ding dito na kumain ng gabbihan.

"Ano bang sinasabi mo?! Doon ka kay blue magutos! Doon ka naman nakatira eh!" sigaw ko sa kanya dahil ang arte arte nya talaga."At pwede bang huwag kang pumupunta dito kung kalian mo gusto!" Nilapag ko na sa lamesa iyong sinaing namin. Nakaupo sya sa tabi ni bunso at nakikipaglaro dito.

My Teacher/HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon