Love 1~Living with him~(part 1)

4.9K 61 4
                                    

Hello po mga Readers ko ^___^

Sana po magustuhan nyo itong Story ko na ito.

Fylia's POV

"Hindi ba kayo titigil!! Bakit ba nananakit kayo ng mga babae?! SINABI NG TIGILAN NYO DI BA?"

Pabalya kong binitawan iyong lalaki sa hawak hawak ko kanina sa kwelyo. Mga wala namang pakinabang sa mundo! Ewan ko ba kung bakit nakakapasok pa itong mga lalaki na ito sa school sa dami ng records nito sa guidance. =____=

Alam ko naman sa sarili ko na puro gulo din naman ang inaabot ko dito sa school pero sa mabuting paraan din, kaya may katwiran parin ako. Hindi naman talaga ako war freak. Ayoko lang talaga ng nakikitang ang mga maling gawain, lalong lalo na ang pang-bubully sa mga babae.

Ako nga pala si Fylia Santos, 16 yrs old 2nd yr High school student. Simple lang ang pananamit ko. Hindi ako sexy, hindi rin chubby. Long hair na blondie. May kapatid nga pala ako, ang pangalan nya ay chase or bunso. 4 yrs old na sya at ang pinaka cute at pinakagwapo na bata sa buong mundo..hahaha.

Dumating na iyong teacher sa student council at binitbit na iyong mga lalaki. Lumapit sa akin iyong isang lalaki na kanina pa nakatayo sa gilid ng building.

"Di ba sabi ko sayo huwag ka ng sasali sa gulo?" seryosong sabi nya sa akin.

"Eh anong magagawa mo? Eh sa gusto ko eh. Palibhasa, nanonood ka lang kanina."pabulong nalang iyong huling sinabi ko.

"Anung binubulong bulong mo dyan?"

"Wala, imagination mo lang yun. Sige na lumayas ka na." taboy ko sa kanya.

Sya ang adviser ng 2nd yr Class-C na syempre ang class section na kinabibilangan ko. Si Sir Yule Montello ang binansagang plain glass-wearing japanese teacher ng school. Sa tingin ng mga tao hindi kami nagkakasundo parati, kahit nga teacher ko sya. Lagi nalang kasi kaming nagaaway at nagbabangayan Pero ang totoo nyan...............

Kasal na kami.

"Nandito na ako!" narinig kong sigaw mula sa harapang pinto ng bahay namin. Dali dali kaming tumakbo ng kasama ko sa pinto para salubungin sya.

"Welcome home darling ^__^." Sabay naming bati dalawa sa kanya.

"Ohhh... Bravo! ^__^ Nakakawala ng stress ang suot nyo ngayon.*claps*claps*. Lalong lalo ka na bunso. Ang cute cute mo sa suot mo. >...< "

>////<

"Sira ulo ka talaga."

"Hindi kaya... Mas lalo pa akong ginanahan. Ipagluluto ko kayo ng Chicken Curry!"

Ito ang buhay namin sa loob ng bahay. Uuwi sya galing sa school at dapat kami ay nakacosplay na sasalubong sa kanya >//////<. Kapag hindi daw kami naka cosplay ay hindi sya magluluto ng gabihan namin.

Hindi ko nga alam kung saan nya nakukuha ang mga damit na pinapasuot nya sa amin ni bunso. My pagkamanyak ata itong lalaki na ito >//////<

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"HEY...HEY...HEY... Young wife? 16 yrs old? At Studyante mo pa? GRUUAAHHBBEEHH KA!!" Binatukan tuloy iyong lalaki ni sir Yule.

"Sya nga pala si Tyler. Nakatira sya sa tabi ng apartment natin. Nagtatrabaho sya ngayon sa malapit na kindergarten bilang teacher, kaya pwedeng sya nalang ang magbantay kay bunso habang wala pa tayo sa bahay."

Biglang hinawak nitong si tyler iyong isa kong kamay at yumuko sa harap ko para halikan ang likod ng palad ko. O//////O

"Maitanong ko lang, Ginawa nyo na ba iyon? Kung hindi pa, gusto mo bang gawin nalang natin iyon?" mapang akit na mga titig ang pagkakatingin nya sa akin ngayon.O///O May salitik rin ata ang isang ito?!

My Teacher/HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon