Love 19~Lesson~

508 13 0
                                    

AN: may konting pagbabago po. Sa mga unang chapter ay sinabi kong math teacher si Yule. Gagawin ko na syang japanese teacher. Sa dulo ko nalang sasabihin kung bakit.

Enjoy reading

Fylia's POV

Isang malaking problema...

Isang napakalaking problema...

Talagang problema ito...

"Fylia, huwag mo namang magsyadong damdamin yan... Wala tayong magagawa kung hindi talaga kaya pero at least nagimprove naman ng kahit konti iyong test mo."

Nilingon ko sya bigla at binato ko sa kanya iyong headband ko na tumama ngayon sa ulo.

"HUWAG MO AKONG TIGNAN NG GANYAN!" Tsk. Porket sya mas magaling sa akin.

Pinoproblema ko iyong japanese test ko, dahil ang baba ng nakuha ko sa mid term exam namin kaya naman pinayagan nya akong magre-test pero kaunti lang ang natama ko. Ibigsabihin bagsak parin.

Kahit anong pagpupursigi ko ay ganito parin ang nakukuha ko. Hindi naman kasi akong magaling mag salita ng hapon.

Nagmamadali akong pumasok sa kwarto ko at umupo ako sa tapat ng lamesa at nagsimulang magaral.

Simula ngayon, bago iyong test ko ay magaaral na ako ng maiigi sa japanese. Kailangang galingan ko dahil para ito sa asawa ko. Gusto kong maipagmalaki nya ako at malaman ko kung anong mga sinasabi nya sa akin. Malay mo may sinasabi na syang pervert word sa salitang japanese, porket hindi ko sya naiintindihan. Kaya kailangan ko talagang matuto.

" Anata wa watashi no saisho no shokuji anata o tabemasu" kainin mo muna yung pagkain mo. Sigaw nya mula sa pinto ng kwarto ko. Agad ko syang nilingon at nilapitan. Hinawakan ko iyong kwelyo nya at niyugyog sya.

"Arrgghh... Huwag mo akong jina-japanese!" Sigaw ko sa kanya pagkatapos ay tinulak ko na sya palabas at sinarado ko ng pabalag iyong pinto. Nagngingit-ngit ako sa galit habang nagaaral.

Kinabukasan, pagkatapos kong kumain at pumunta na ako sa library para mag-aral pero wala pa ako sa limang page ng notes ko ay parang ayoko na.

Bakit ba kasi hindi ako pinanganak na matalino? Problema ko pa tuloy ito.

Bakit ba kasi hindi ko matapos ang dapat tapos na?!

Yumukod ako sa notebook ko at pinapakalma ang sarili ko dahil problemadong problemado na ako. Ni hindi nga matino itong notes ko. puro doodle nalang ang nakalagay sa ibang page, onti lang din ang sulat ko.

Narinig kong may tumikhim sa gilid ko kaya medyo inangat ko iyong ulo ko at nakita kong may nagpatong nga notebook sa tapat ko kaya tinignan ko kung sino iyong taong nasa gilid ko.

"Sir yule."

Tinapat nya iyong hintuturo nya sa tapat ng labi nya na parang pinapatahimik ako.

Umalis na agad sya at hindi na nagsalita. Binalingan ko nalang ang notebook na binigay nya sa akin. Ano namang meron dito? Binuklat ko ito para tignan kung ano iyon.

"Kung gusto mong matuto ng maigi sa japanese. Kailangang i-enjoy mo muna ito. Kung may mga katanong ka pa, puntahan mo lang ako."

Dahil sa binigay ni sir yule ay ginanahan na uli ako sa sa pagaaral. Tama nga naman sya. Buti naisipan nya akong sulatan ng notes.

Noong first year kasi ako, parati akong nagkacutting classes at nadadamay sa mga gulo. Kaya sabi noong iba, wala na daw akong pagasa makagraduate pa, dahil di naman daw ako nagsisipag magaral.

Kaya ngayon ay isasama ko na sa mga dapat kong matupad sa buhay ito. Para naman maibalik ko kay sir yule lahat ng mga ginagawa nya para sa akin.

Habang nagaaral ako ay nakita kong kanina pa hindi mapakali iyong dalawang babae sa harap ng lamesa na kinauupuan ko. Nakita kong tumayo iyong isa para silipin kung ano iyong nasa labas pagkatapos ay bumalik ito sa upuan.

My Teacher/HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon