Love 17~Lonely Hearts~

1K 20 8
                                    

Fylia’s POV

“Maghiwalay na tayo.”

Yan ang bungad sa akin ni sir Yule pagkabukas nya palang ng pinto.Hindi ko talaga inaasahan iyong sinabi nya.

~~~~~~~~~~

*dingdong*

“Hello guys! Pasok kayo.” Pinasok ko na iyong maleta ko sa apartment ni tyler. Tumakbo naman kaagad si bunso kay tyler at nikayap iyong binti nito.

“Huwag kayong mahiya dito sa bahay ko. Feel at home.”

“Sorry sa problema tyler.” Hingi ko ng pasensya sa kanya.

“Ok lang iyon. Pero teka, bakit parang biglaan naman ata ang paghihiwalay nyo?”

“Nagiingat lang kami.” Sabi ni sir Yule na pumasok sa may pinto na may daladala na unan at kumot namin ni bunso.”Nalaman ng mga taga school na nanggaling kami sa hotel. So my possibility na obserbahan kami ng guidance counsellor at baka bumisita pa sya sa bahay. Kanina kasi sa faculty ay nilapitan nya ako at tinanong kung nakatira ba si fylia sa tabing bahay. Sa tono ng pagsasalita nya ay parang pupunta sya dito.” Pumasok sya sa kwarto at nilagay doon iyong  kumot at unan.

Lumabas na sya ng kwarto at lumapit sa amin.

“Sa tingin ko mga 4-5 days syang dadalaw. So pansamantala lang naman ito. Kaya salamat pare sa pagpapatira nila dito.”

“No problem yun bro.” Nilingon ako ni tyler.”Naiinis ka kay Yule noh? Kaya mo sya sinuntok?”

“Sino ba namang tao ang magagalit ng bigla nyang sabihin na ‘Maghiwalay na tayo’ ng hindi manlang nagpapaliwanag muna!” nilakihan ko pa iyong boses ko nung sinabi ko iyong sinabi nya na parang ginagaya ko si sir Yule.

Kaya ayan! Pula iyong pisngi nya dahil sa lakas ng pagkakasuntok ko. Eh sa Nabigla ako eh!

Noong pinaliwanag nya na sa akin iyong ibig nyang sabihin ay doon ko lang naintindihan na maghihiwalay lang pala muna kami ng tirahan. Dahil nga sa sitwuasyon namin ngayon.

“Hindi ka parin maka-move on sa bagay na iyan?” Sabi ni sir Yule sabay hatak sa akin, kaya nakayakap sya ngayon sa bewang ko at iyong kamay nya naman ay nasa ilalim ng baba ko at pilit na pinapatingala ako sa mukha nya na sa tingin ko ay pagtumingala ako ay magkakalapit na iyong ilong namin.

“Sa tingin mo ba, basta basta nalang kitang iiwanan?”

“Sorry…” Sabi ko habang inaalis iyong pagkakayakap sa akin. Binitawan naman nya agad ako.

Tinulak ko na sya palabas ng pinto para naman makapagpahinga na sya.

Bago pa sya umalis ay hinarap nya muna ako.“ Gagawan nalang kita ng favourite mong ulam. Sorry nga pala sa plano. Hindi rin naman ako kasi sigurado kung pupunta nga sa o hindi.”

Napabuntong hininga nalang ako. “Huwag kang magsorry. Mabuti narin itong ginawa natin. Maganda na iyong nagiingat.”

“Oo nga naman pare. So good night na!” Sumulpot si tyler sa gilid ko at buhat buhat nya si bunso. Pinalibot nya sa balikat ko iyong isa nyang braso.

Nauna na kaming pumasok ni bunso sa kwarto ni tyler. Sabi ni tyler sa kama nalang daw kami at sya na ang matutulog sa lapag. Nauna ko munang pinatulog si bunso bago ako pumunta ng banyo.

Ng maapos ako sa paliligo ay umupo na ako sa kama at pina tuyo iyong buhok ko.

Mas maganda sana kung pumunta na agad ang  guidance counsellor dito para naman matapos na ito. Naninibago kasi ako sa kwarto. Ngayun ko lang napasok ang kwarto ni tyler. Ibang iba ang amoy at mga kagamitan dito. Hindi ako sanay na wala si sir Yule dito.

My Teacher/HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon