Love 20~Who's that girl~

476 16 3
                                    

Fylia's POV

"I miss you yule!" Sabi ng babae.

O___O

Sino ang babae na ito na ngayon ay nakayapos sa asawa ko?!

Maganda pero makapal ang make up, blonde na hangganh balikat ang buhok, matangkad, long legs at malaki ang hinaharap. Matambok ang likuran at ang balakang... Makurba. Kinulang ata sa tela iyong damit nya dahil naka top lang sya na pinatungan ng chaleco. Micro skirt nga ata iyong palda nya na konting galaw nalang ay makikitaan na sya ng kaluluwa!

Oo, nagkaroon pa ako ng time para tignan sya mula ulo hangang paa, kahit nagngingit-ngit na ako sa galit at gusto ko na syang sabunutan.

"Welcome home." Biglang bumukas iyong pinto sa gilid ko at bumungad si tyler na karga si bunso. Tinignan ko lang sya ng masama at tinuon uli ng pansin yung babae na maharot.

Nakalingkis ang mga braso nya sa leeg ni sir yule, halata ko rin dinidikit nya pa lalo iyong boobs nya sa dibdib ni sir yule.

"Ako ito... Si Gabriella. Nilalamig ako, dali na yakapin mo ako para mainitan ako. Hmm..."

Grrhhh... Nilalandi nya si sir yule. Lalo nya pa itong hinigpitan ng pagkakayakap. At ang loko, gustong gusto pa na nilalandi ng haliparot!

Nagagalit ako dahil may dumating na naman na asungot sa buhay namin. Ok na eh... Biglang may sisingit na naman.

Paano kung may nakaraan sila ng babae na iyon... Tapos ako lang pala iyong singit sa buhay nila? Ano nalang ang gagawin ko?

Mabilis kong nilapitan silang dalawa ng makita kong lumalapit na iyong mukha ng babae kay sir yule at hinawakan ko iyong likod ng kwelyo ng babae at itinaas ko. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ko ng mabuhat ko sya. Basta tinaas ko lang sya at hiniwalay ko kay sir yule.

Ngayon nya lang ata ako napansin. "Ikaw ba si fylia santos? Yung babaeng nakatira sa bahay ni yule kasama ang kapatid nya?" Nabitawan ko agad sya.

O__O Pano nya nalaman?

Nilingon ko din si sir yule, mukhang gulat din sya sa binabi nito.

"Opps... Sikreto ba ito? Hmm... Kung ayaw nyong malaman ito ng iba—-" Biglang sumulpot si blue sa harap nung babae at pinisil iyong pisngi nito.

"Tumigil ka na engot!"

"Blue?!" Hindi rin ata nito inaasahan ang pagdating ni blue.

"Doon ka sa bahay ko titira, engot! Sa totoo lang, bakit hindi ka nalang bumlik sa america!! Bumalik ka na doon!!" Pinisil pisil pa uli nito ang pisngi ng babae.

"AYOKO!! Aww... Masakit!! Ouch!! Ouch!! Bitawan mo ako!!" Nagsasakita na silang dalawa.

"Tumigil na kayo!" Sigaw ni sir yule. Woah.. Ang serious naman nya ngayon. "Pumasok na nga kayo sa bahay." Sabay talikod nito doon sa dalawa.

Tinignan ko uli ng masama iyong babae at pumasok narin sa loob. Nagtimpla ako ng kape at tsaa at pagkatapos ay dinala sa sala. Hindi na nagstay si tyler at nagpaalam na dahil maygagawin pa sya.

Nakaupo kami ngayon sa lamesa. kalong ko si bunso habang katabi ko naman si sir yule. Nasa harap ko si blue at katabi nya si gab.

"Sorry kuya sa ginawang abala ng babaeng ito." Hawak parin nito ang pisngi at nakapisil parin. "Sya nga pala si Gabriella Monteiro, 17 yrs. old. Anak sya ng landlord na tinitirahan ko sa america." Nakahinga ako ng maluwag ng malaman kong wala naman pala silang nakaraan ni sir yule. Akala ko kasi, eto iyong eksena na biglang susulpot iyong ex girlfriend at guguluhin ang buhay namin. Buti nalang talaga.

My Teacher/HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon