Love 11~Unexpected Visitor~

1K 16 0
                                    

Fylia's POV

Ang pinaka inaantay naming lahat ay dumating na.. SCHOOL FESTIVAL ^___^

Syempre, ibig sabihin nito ay ito na ang unang araw namin para magtanghal sa harap ng mga tao.

"Pasok, prince at ang kanyang kabayo" Sumampa na agad ako sa likod ni Darwin, dahil kami na ang eeksena.

Nasa parte na kami ng mamatay iyong prinsesa at dadating ako para makita sya na nakahiga sa mga bulaklak. Pumunta na kami kung saan nakapwesto ang prinsesa.

"Stop!" Huminto naman sya noong nasa tabi na namin iyong kinahihigaan ng prinsesa. "Ah... what a beautiful princess" tinitigan ko ang prinsesa at um-acting na nagagandahan ako sa kanya.

"hahaha... Si Darwin parang tanga!" Narinig kong sabi ng isang estudyante sa harapan...

"Tumahimik kayo dyan!" sigaw nya doon sa mga lalaki, mga kaibigan nya ata.

Tsk.. Panira pa itong lalaki na ito. Hindi ko nalang pinansin iyong sinabi ni Darwin at lumapit sa mukha ni meg. Nakita ko pang namumula iyong pisngi nya.. hihihi... Nagagwapuhan kasi sa akin si meg sa suot ko ngayon. Mukha daw talaga akong lalaki....hahaha.

"Wait, prince!"

"Hmm?" nilingon ko sya sa likod ko.

"Mwwuuhahahaha!!! *dark aura* I WILL NOT ALLOW YOU TO AWAKEN SNOW WHITE! ONLY I MAY BE THE MOST BEAUTIFUL WOMAN"

"You're.... You're the queen!"Grabe natakot talaga ako kay sir yule. Muntikan ko pang makalimutan ang linya ko. Para talaga syang masamang step mother ngayon sa suot at acting nya tapos ang tinis pa naman ng pagsasalita nya na parang mangkukulam. Talagang bigay todo sya sa role nya ngayon. May hawak si sir yule na hand mirror at tumatawa sya ng pangmangkukulam.

"Mwwwuuuhahaha... Let us do battle, prince! The victory shall determine the fate of snow white!" Nilagay nya iyong lamesa sa gitna ng stage na may nakasulat na snow white sa unahan.

"At ngayon mga manonood, Uumpisahan na natin ang Arm Wrestling Tournament!!" sigaw noong isag dwaf sa harap ng mga manonood. Iibahin talaga namin iyong ending ng snow white, para naman hindi boring ang stage play namin na ito. Kaya mas lalong gaganda iyong palabas namin.

"Sa mga malalakas dyan na gusting lumaban, pwede kayong umakyat dito at makipaglaban. Ang audience na mananalo dito ay tatangap ng grand price na 30 minute date with Snow White ^___^"

May mga umakyat na na galing sa audience, nakita ko pang sumali iyong may crush kay meg ng 2nd yr din. Ngiting-ngiti sya, tsk Akala mo naman papayagan ko syang manalo, hindi no hinding hindi ko hahayaang mapunta sa kanya si snow white ko+___+.

In the end... tenenenennn..... Ako ang nanalo.. hohohohoho... syempre magaling ako noh. Tinalo ko pa si sir Yule at Darwin, eh iyong si dariwn iyon ang pinaka-malakas ang braso sa amin dahil volleyball player nga sya di ba?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Hooh... Grabe nakakapagod" kasama ko si mega at sir Yule dito sa room namin. Kumakain na iyong iba naming mga classmate. Naghubad lang muna ako ng costume ko dahil ang init dito sa room kaya may hawak akong pamaypay.

"Ang galing mo kanina fylia ^___^, muntikan ng manalo iyong audience kanina. Akala ko nga hindi ka mananalo. ^3^"

"Syempre ako pa. Eh dapat ako talaga ang manalo dahil iyon naman talaga ang ending natin."

"Sus, pagbigyan mo naman iyong mga audience na manalo. Para naman makadate nila si meg." Umupo sa harap namin si sir Yule. Nakasuot parin sya ng costume nya hanggang ngayon, mukhang hindi ata na-iinitan ang isang ito.. Nakuu.. >....< kung matuyuan sya ng pawis nya sa likod, magkasakit pa sya.

My Teacher/HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon