Love 27~Always Hug me~

222 3 0
                                    


Fylias' POV

Tapos nang malunasan iyong sugat ni sir yule. May tatlong tahi sya sa bangdang likod ng ulo nya. Kya naman nakabandage iyong ulo nya.

May bumato ng hollow block mula sa labas at sa akin daw dapat tatama iyon kaso sinalag ni sir yule iyon.

"Blackmail?!!" Sigaw ko.

"Oo. Nakuha ko ito doon sa locker ko." Nasa labas kami ngayon ng gym dahil nga may nakuha si tito.

Blackmail,

Kung mahalaga sayo ang pamangkin, humingi ka ng tawad sa akin ng nakaluhod.

Iyong mga siga ang may kagagawa nito. Iyong pasimuno ay iyong binugbog ni tito noong una syang pumasok dito. Grabe naman sila.

"Sorry sa inyong dalawa." Kanina pa sorry ng sorry itong si tito.

"Hindi... Ako dapat ang magsorry sayo kasi mga studyante ko rin iyong mga yun. Binibigyan ka nila ng problema. Pero anong gagawin mo ngayon? Kailangan mo paring magsorry sa kanila..." Agap naman ni sir yule.

*dark aura*

"SINONG MAY SABING MANGHIHINGI AKO NG SORRY?!!!!"

"SINONG MAY SABING MANGHIHINGI SI TITO NG SORRY?!!!"

Sabay naming sabi ni tito kay sir yule na mukhang natakot naman sa sinabi namin.

HINDI KO SILA MAPAPATAWAD!!!


Yule's POV

"Hindi ko hahayaan iyon!! Nakasakit sya ng teacher!!" Sigaw ni fylia. May sarili na silang mundo ng tito nya ngayon. Parehas sila ng pinaplano.

"Oo nga, nakadisappoint lang..."

First time ko lang silang nakita na magkapareho sa lahat ng bagay. Mag-tito nga sila. Parehas maikli ang pasensya...hahaha

"Argh!! Kapag nakita ko talaga iyon, yari sa akin iyon!! Bubugbugin ko sya!!" Nagsisisigaw na naman si fylia. Di ko nalang inawat iyong dalawa, bahala sila dyan..hahaha

May nahulog na dahon sa ulo ko. Wala namang hangin bakit may nahulog. Kaya napatingin ako sa taas kung saan may malaking puno sa taas namin.

O____O

"Fynn!!! Sa taas mo!!" Sigaw ko agad ng makita ko na mula sa puno ay may tumalon doon na babae. Buti nalang naagapan naman ito ni fynn kaya pinabagsak nya agad iyong babae sa sahig

Huhh?

Maliit na babae?

Anong ginagawa nya at bakit ginawa nya iyon? Mukhang outsider sya base sa suot nyang elementary uniform.

Sino ito? at paano sya nakapasok rito sa school.

"Eliza?" Natigilan din si fynn.

Bigla naman syang sinampal nung babae.

"Hala ka!" Sigaw ni fylia. Pinigilan ko sya nang balakin nya na awatin ito.

"Aray!"

"Chance ko na ito!! Matatalo na kita!!" Tumayo agad iyong babae at kinuha iyong isang braso ni fynn. Katulad ng ginawa sa akin ni fynn noon sa corridor ng binalak nya akong patumbahin. Iyon din ang ginawa ng babaeng maliit.

"Papakasalan mo na ako dahil promise mo sakin iyon!!"

Lahat kami nagulat sa sinabi nung bata.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Teacher/HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon