Love 9~ Vacation or Not?~

1.2K 13 0
                                    

Fylia's POV

"Tara, punta tayo sa malayong lugar, sa susunod ah?"- sir Yule

Iyan ang sinabi sa akin ni sir Yule noong gabi ng festival. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na mag-kakaroon kami ng date o magagalit sa sarili ko dahil ako lang ang nagiisip na date lang naming dalawa ito. =____=.

Ang inaasahan ko kasing date ay naging isang group picnic day, dahil may mga kasama kami..... Pero okey lang, kasama naming kasi si tyler at chase. Nagpunta kasi kami sa probinsya at nandito kami ngayon sa tabing ilog. Buti na nga lang may kotse si tyler kaya iyon ang ginamit naming. Hindi naman kasi kami pwedeng lumabas nalang kaming dalawa ni sir Yule doon sa lugar naming, baka may makakita pa sa sikreto naming, mahirap na.

"Wow.... Bunso tignan mo oh... Ang linaw ng tubig!(*o*)"- tyler

"WOW (OoO)!"-chase

"Hahaha.... Buti nalang ang galing mo fylia, madali mong natapos iyong mga summer homework mo! Kaya nakapag-bakasyon na tayo ng maaga! ^___^"-sir Yule

"Tsk.... PAANO AKO HINDI MATATAPOS AGAD, EH BUONG ARAW MO BA NAMAN AKONG BINANATAYAN AT SINERMONAN PARA LANG MATAPOS KO IYONG MGA HOMEWORK KO!!! KASALANAN MO ITO!! HINDI TULOY AKO NAKATULOG NG MAAYOS!!!"

"Fyfy!!" Napalingon ako kay chase.

"Fyfy... Ang lamig ng tubig oh...! Madaming fish ^o^!" masiglang sabi nito sa akin.

Nawala na agad ang pagkainis ko dahil kay sir Yule. Nakita ko na tuwang tuwang na naglalaro sa ilog sila tyler at bunso...

"Salamat sir Yule, ngayon ko lang uwi nakitang nakapag-enjoy si chase ng ganito... Simula ng mawala sila mama, hindi ko na naipapasyal si chase sa mga ganitong lugar... Salamat talaga sir Yule. ^___^"

Masigla nya akong nginitian.Makatabi kami ngayon ni sir Yule na nakaupo habang tinitignan naming silang dalawa.

"Alam mo fylia, dapat mag-enjoy ka rin ngayon." Hindi ko parin sya tinitignan, dahil busy ako sa pagtingin kaya chase na ngayon ay tinutulungan sya ni tyler na manghuli ng talangka.

"Hmmm...." Yun nalang ang naisagot ko sa kanya.

*kiss*

O_____O

"Huwag kang mag-alala, gagawa rin tayo ng first date memories natin ^___^" Nagulat ako sa ginawa nya. Hindi ko ina-asahang gagawin nya iyon! Kaya naman bigla ko syang nasipa, palayo sa akin, katulad ng nangyari sa beach noon, na sinipa ko rin sya..

"ENGOT KA!!! HUWAG SA TENGA!!"

Panu ba naman hinalikan nya po ako sa tenga ko, dahil nga nasa tabi ko sya.... Hindi nya ako sa lips hinalikan, kaya huwag kayong mag-expect, hindi katulad ni author. Sadyang hindi pa daw ito ang time para magkaroon kami ng scene na ganun. Pakikiligin daw muna nya kayo..hahaha...

"Fylia? Anung ginagawa mo dito?"

O___O Naku patay tayo dyan!!! BAKIT????!!!!

"DA-DARWIN!! A-ANUNG GINAGAWA MO DITO!!"

"Dito ang Training camp naming ng Volleyball Club. Malapit lang dito ang camp ground namin."

Naku, patay!! Baka makita nya si sir Yule!!

Mabilis na nilingon ko iyong likod ko, kung saan ko huling nakita si sir Yule... Pero wala na sya sa pwesto nya!! Saan na nagpunta iyon??!! Pero okey lang!! Buti nalang at nasipa ako sya kanina, kaya nakapagtago agad sya...>.....<.

Binalik ko ang tingin ko kay Darwin.

"Nasaan si sir Yule?" Madilim ang mga mukha nya habang sinasabi iyon? Anung problema nya? At tsaka bakit si sir Yule agad ang hinahanap nya eh...... Teka..... Nakita nya kaya kami kanina??? O___O

My Teacher/HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon