Love 24~Visit~

235 8 1
                                    

Yule's POV

"Bunso...bunso..." Nandito ako ngayon sa sala at nanonood ng TV ng makita kong dumaan si bunso, kaya tinwag ko. Lumingon ito sa akin.

"Tara dito... May paguusapan lang tayong mga big boy, di ba big boy ka na?" Tumango naman ito at lumapit sa akin.

"Ano po iyon yuyu?"

"Anong problema ng ate fyfy mo? Napansin ko kasi na lagi syang depressed nitong mga nakaraang araw... May nangyari ba na hindi ko alam?" Hindi ko magawang tanungin si fylia dahil alam kong hindi nya naman sasabihin ang totoo sa akin, kaya itong si bunso nalang ang tinanong ko, baka sakaling may alam sya...

"Umm... " Biglang nalungkot ang mukha nito. "Parang dati po, naging ganyan din po sya... Gusto po ni fyfy na makita sila mama at papa pero kasi malayo po iyong lugar kung saan sila natutulog eh..."

Kung ganon... Gusto nyang bisitahin iyong puntod ng magulang nya... oo nga pala death anniversary nila ngayong araw...

Fylia's POV

Ilang oras na akong nakatunganga dito sa kwarto at wala akong maisip na gawin. Weekends kasi ngayon kaya walang pasok.

Naiisip ko lang ang parents ko...

Ma, Pa, kamusta na kayo dyan... Nakikita nyo ba kami ni bunso dyan sa taas...

Nakadungaw lang ako sa binta at nakatingin sa langit... Death Anniversary nila ngayon. Gusto ko sana silang bisitahin, kaso hindi pwede...

Narinig kong bumukas ang pinto kaya naman nilingon ko kung sino iyon...

"Bakit sir Yule?" Lumapit ito sa cabinet ko at nakita kong kinuha nya iyong jacket ko at ang jacket rin ni bunso, sabay hagis nito sa mukha ko...

"Ano ba naman iyan sir Yule!!"

"Lalabas tayo, magayos ka.." Tinanggal ko sa mukha ko iyong jacket at nakita kong ready na si bunso at nakapang-alis narin pala si sir Yule..

"Oy sir Yule! Saan ba tayo pupunta?! Basta basta ka nalang nangaaya dyan eh..."

"Sa Parents mo..." Ngumiti ito at lumabas na ng kwarto ko. "Kuhanin ko lang iyong kotse kay tyler, magbihis ka na..." Pahabol nitong sabi.

Nang makabalik sya, sumakay na kami sa kotse. Nasa passenger seat ako habang nasa backseat naman si bunso.

Hindi ko alam kung anong nasa isip ni sir Yule. Gusto ko rin naman silang bisitahin kaya lang may problema eh...

"Tara na at maglakbay papunta sa libingan!!" Sigaw ni sir Yule sa loob ng sasakyan.

"Yehey!!!" Hiyaw din ni bunso.

Para silang baliw ngayon... Kumakanta pa sila sa tono ng dora the explorer. Iyong 'where are we going, to the grave' Habang namamaneho si sir Yule...

Arrghh... Hindi ko lama kung maiinis ako o matatawa sa dalawang ito eh..

Ng matapos ang kanta nila ay nagtanong sa akin sir Yule. "Oo nga pala fylia, paano ba pumunta doon sa inyo? Di ko kasi alam ang probinsya nyo. Malayo ba iyon? Kailangan ba nating mageroplano para makapunta doon?"

Napatunganga akong nakatingin sa kanya habang sya naman ay patuloy sa pagdadrive ng kotse. "Seryoso ka... Kanina ka pa nagdadrive, tapos sasabihin mo sa akin kung saan ang papunta, akala ko naman alam mo!! Paano pala kung mageeroplano tayo!!"

"Haha... Pasensya na, nakalimutan ko eh... So saan nga iyon?" Haayy... Mauubusan ako ng dugo sa lalaking ito...

"Nilibing silang sa probinsya ng papa ko. Sa *****. Ang problema kasi nyan... Nagtanan dati ang mga magulang namin, kaya hindi maganda iyong relasyon namin sa mga kamag-anak namin doon. Noong araw kasi ng libing, nagkaroon kami ng malaking away ni lolo, sya iyong nagbabantay ng libingan nila mama at papa. Pinutol nya na lahat ng ugnayan nya sa amin."

My Teacher/HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon