Love 22~Exchange Partners~

420 7 4
                                    

*blue & yule

Fylia's POV

"KASAL!!!"

O__O

Napalingon ako doon sa nagsabi.

PATAY!!! Paanong nalaman??!!!!

"Oo. Meron akong fiance sa america." Kausap ni meg iyong mga babae.

Hoohh.... Si meg lang pala! Kinabahan ako doon ah... Akala ko ako na talaga.

Umalis na ako sa room para ibigay sa isang teacher namin iyong mga papers na pinahahabol nya. Ng bumalik ako sa room ay niyaya ko si gab na pumunta kami sa rooftop.

Pagdating namin doon ay kinuha nya sa akin ng sapilitan iyong jacket ko na pinatong ko sa uniform ko.

"Fylia, nilalamig ako. Pahiram muna nito ah?" Hindi ko inaasahan na malakas iyong hangin ngayon dito sa rooftop. Bakit ba kasi hindi nya nalang suotin iyong jacket nya na nakabuhol lang sa bewang nya. Bratinela talaga itong babae na ito!

"Kaya mo ba ako niyaya dito sa rooftop dahil i-bablackmail mo ako?"

"Hindi no. Totoo bang ikakasal ka na?" Grabe nilalamig na ako pero tiniis ko nalang.

"Oo naman. Ako lang naman kasi agbng nagiisang anak na babae ng monteiro group. Kaya kapag bumalik ako sa america kailangang magpakasal ako para maipamana sa akin iyong kumpanya."

"Pero si blue pa----" Hindi ko na natapos iyong sasabihin ko ng nilapitan nya ako at kinurot iyong magkabilang pisngi ko.

"Walang kinalaman dito si blue!" Binanat nya pa lalo iyong pisngi ko at binitawan narin.

AaaWww...

Ang sakit nun ah. Sa tingin ko ay mamumula na iyong pisngi ko.

"Sya nya pala fylia, Niloloko ko lang talaga si yule kaya wala kang dapat ikabahala." Ngumiti sya sa akin at umalis na.

Bago pa sya tuluyang makapasok sa pinto ay nakita kong nagbago iyong expression ng mukha nya. Puno ng pagaalala ang makikita mo sa mukha nya.

Gab's POV

Tinalikuran ko na si fylia at pumunta na sa pinto pababa sa roof top.

Hindi ko maiwasang isip iyong sinabi ni fylia. Bakit parang nahihirapan ako sa desisyon ko.

"Ikakasal na ako." Napatigil sya sa paginom nya ng kape.

"Kanino?"

Kinuyom ko iyong palad ko na nakapatong sa hita ko. "Hindi ko pa alam eh." Yumoko nalang ako ng maaabi ko iyon.

"Meg... Ok lang ba sa iyo?" Nanlaki iyong mga mata ko.

Hindi ko alam...

Sinusunod ko lang ang daan na gusto ni daddy para sa akin. Yang ang ginagawa ko mula ng bata pa ako. Pero ngayon na pumunta ako dito. Parang lumabo na iyong daan na dapat ay tatahakin ko.

Fylia's POV

"So yun pala iyong arrange marriage na naririnig ko sa school." Nagluluto kami ni sir yule ng gabihan. tinutulungan ko sya at ako ang maghihiwa ng mga gulay.

"Napaka bata nya pa para magpakasal." Tsk... kung makapagcomment naman itong si sir yule parang hindi rin ganon ang sitwuasyon namin ngayon.

"Uy fylia, ayos ka lang ba? Parang nagluluha na iyang mata mo?" Naghihiwa kasi ako ng sibuyas. Nakakaiyak naman talaga eh... Tapos sinabayan pa yung tungkol kay gab.

My Teacher/HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon