Love 25~Uncle~

163 8 2
                                    


Fylia's POV

Simula ng magkaayos kami ni lolo, nagiba na mula nun ang mga araw ko.

"HINDI PA AKO PUMAPAYAG! ANG PAYAG LANG AKO AY IYONG PAGSTAY NYO DYAN DAHIL NAGAARAL KA PA PERO ANG HINDI KO PINAPAYAGAN IYON KASAL NYO!" Nilayo ko iyong cellphone sa tenga ko at hinawakan iyong tenga ko. Nabibingi ako kay lolo!

"WAG KA NGANG MAINGAY LOLO, UMAGANG UMAGA EH!!" Sigaw ko rin sa kanya.

"Fylia, akin na iyong cellphone." Binigay ko naman kay sir yule iyong cellphone ko.

"Good morning po sa inyo lolo! Si yule po ito." Paalis na sana ako para makapagusap sila ng maayos ng akbayan ako ni sir yule. Kaya dinig ko iyong pinaguusapan nila ni lolo.

"Oy YULE!! Alam kong maraming beses ko na itong naitanong sayo pero wala ka talagang ibang ginagawa sa apo ko?!"

"Maniwala po kayo sa akin, " Nilapit nya ako lalo sa kanya kaya yakap yakap na nya ako. Muntikan na ako mapatili buti nalang tinakpan ko iyong bibig ko. "Hindi po ako lumalagpas sa linya."

Namula ako sa sinabi nya.

Baliw ka talaga Sir yule!!

Anong hindi lumalagpas sa linya! Baka umaaligid kami sa linya! Iyong tipong konti nalang lalagpas na kami sa linya!!

Naalala ko tuloy iyong huli..

Muntik na kaming magkiss!!

Ramdam na ramdam ko iyong hininga nya sa bibig ko nung time na iyon.

"Alis na po ako!" Narinig kong paalam ni bunso sa amin. 

"Teka!! Sir yule!! Lagpas 7:30 na!!"

"Ano?! Aisshh!! Babye na po lolo, next time na po namin kayo kausapin! Mukhang may importante po kayong sasabihin pero next time nalang po! Nagmamadali na po kami! Bye!"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sir yule's POV 

Nauna na akong tumakbo kayla fylia papuntang school.

Pagkadating ko ay nakita ko agad si Sir Ramos sa gate ng school.

"Bakit ka late? Ikaw pa naman ang taga check dito sa gate tapos late ka!"

"Sorry, may emergency lang kasi." Ganito ang gawain namin kapag kami ang monitor para sa guidance. Nakabantay kami sa gate para pagsabihan iyong mga student kung ano ang bawal. Para guidance.

"Ano bang sinasabi mo!!"

"Tulad ng sinabi ko, nagtapon ka ng upos ng sigarilyo dito sa school ground di ba? Kaysa magsigarilyo ka at sayangin ang oras mo dyan, bakita di ka nalang magexercise ngayong!"

Napalingon kami  sa dalawang maingay na iyon.

Nasa may bandang field na sila, hawak ng matangkad na student iyong collar ng isang lalaki at mukhang mananapak na ito kaya lalapitan na namin ni sir ramos.

"Wala kang karapatan para pagsabihan ako!" Malapit na kami sa pwesto nila ng umamba na ang studyante na sasapakin na iyong lalaki.

Hahablutin ko na sana para di magkasakitan ng makita ko ang ginawa ng lalaki.

Nasalag nya iyong suntok at hinatak nya iynog kuwelyo sabay balibag pahiga doon sa student na matangkad.

Lahat ng nakakita ay nagulat, maski ako, nagulat din. 

Mas malaki iyong tao na binagsak nya kaysa sa kanya.

~~~~~~~~~~~~~~

Fylia's POV

My Teacher/HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon