Love 14~Date~

1K 21 4
                                    


Fylia's POV

"Date?"

"Oo, date nga."

Nandito kami sa kusina at gumagawa ng rice ball. Napagtripan lang namin dahil gusto din gumawa ni bunso.

Habang gumagawa kami. Tinanong ako ni sir Yule kung gusto ko daw bang magdate kami. Sempre nagulat ako noh? Date ba naman. Eh first time naming magdadate hindi counted iyong sa vacation namin=____=.

"Binigyan kasi ako ni tyler ng 2 ticket sa Ocean Park, since Saturday naman naman bukas, bakit hindi tayo pumunta?"

"Ocean Park? Maraming tao ang pumupunta doon, ano nalang ang gagawin natin kung may makakita sa atin?" Ni Hindi nga kami makalabas sa mga mataong lugar dito sa amin, yun pa kayang maraming tao edi siguradong lagot na.

"Malayo naman iyon eh.. Tsaka huwag kang mag-aalala, magdidisguise naman ako kaya ok lang. Bunso sama ka rin sa amin, gusto mo?"

"Yehey! Gusto ko kita penguins!"

Nagdadalawang isip parin ako, mula kasi nung mangyari iyong pagkalock namin sa warehouse ni blue ay hindi ko na magawang kalmahin iyong sarili ko. Lalong lumala iyong pagkailang ko kay sir Yule.

"Huy, meron kang kanin sa gilid ng bibig mo." Lumapit sa akin si sir Yule at nilapit iyong mukha nya sa akin, agad naman akong napapikit dahil kinabahan ako sa gagawin nya.

"Oh tignan mo sa salamin" Napadilat ako at nasa harap ng mukha ko iyong salamin at inabot ko naman iyon para tignan nga iyong dawalang butil ng kanin"

Bilisan nyo ng dyan at kumain na kayo para hindi ka malate sa school, Alis na ako. " Tumalikod na sya.

May pinagbago si sir Yule nung mga nakaraang araw. Hindi nya manlang ako magawang hawakan, kasi sa kamay manlang. Parang ilag narin sya sa akin. Yung ang kinapoproblema ko ngayon. Desperadang deperada na talaga ako.. kung ano ano na ang iniisip ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sinundo ko na sa kindergarten school si bunso. Tapos na iyong klase namin kaya nandito ako ngayon.

"Fyfy ko, laro muna kami, saglit lang. please po.." paalam nya sa akin.

Pinayagan ko narin dahil maaga palang naman. Tsaka nandito pa iyong ibang kalaro nya.

Nilapitan ako ni tyler.

"Fylia, may tanong ako sayo?"

"Anu yun?" Nakatayo kami ngayon sa gilid ng pinto habang pinapanood ko iyong mga bata na naglalaro.

"Hindi nyo pa ba nagagawa Iyon?" Nainis ako sa sinabi nya kaya nasipa ko sya sa likod nya at ngayon ay nakadikit na nag mukha nya sa pinto ng room.

"HINDI PA!! Nakakainis ka!! Ni hindi pa nga kami na-kikiss eh!!" Tinulak ko uli sya sa pinto.

"Aray!! Teka lang!! Seryoso ka?? Bakit hindi nyo pa ginagawa?" Tinangal nya sa pagkakasipa iyong paa ko sa likod nya at ngayon ay nakaharap na sya sa akin at nang-aasar dahil sa ngiti nya.

Hindi ko nalang pinasin iyong mapang asap nyang ngiti.

"Kasalanan ko kasi ito. Sa tuwing lalapit sya sa akin, nahihiya ako at umiiwas sa kanya. Kaya ganito parin ang situasyon namin."

"Hey, Huwag ka nga malungkot dyan.. Ayos lang iyon." Pinatong nya iyong kamay nya sa balikat ko at kinomform ako.

"Siguro masyado lang talagang mabilis iyong nangyayari ngayon sa relasyon nyo. Bakit hindi nyo gamitin itong pagkakataon na ito para maging malapit kayo sa isat-isa lalo. At ito ang maging hakbang nyo bilang Lovers. Di ba?"

My Teacher/HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon