Love 16~Secret Discover~

997 21 3
                                    

Fylia’s POV

Sisilipin ko kung maayos na ang lagay ni sir Yule. Papasok pa kasi kami sa school kaya kailangan ko na syang gisingin dahil wala pa kaming almusal.

“Good morning sir Yule. Maayos na ba ang pakiramdam mo?” Nilapitan ko sya sa higaan nya. Nakatalukbong parin sya ng kumot.

“H-hindi ako makakilos…” Nagpanic agad ako.

“Ano?! Patay! Lumala ata ang sakit mo!” Tatanggalin ko sana iyong kumot ng hinatak nya ako at natumba ako sa tabi nya habang sya naman ay nakayakap sa akin.

“Hahaha… Nagsisinungaling lang ako! Maayos na kaya ang pakiramdam ko. Good morning sayo fylia.”

“ANO?!! Pinaglololoko mo lang ako?!”

Tatayo na sana ako sa pagkahiga ng hatakin nya ako pabalik uli sa pagkakayakap sa kanya.

“Bitawan mo nga ako.” Nagkukulitan lang kami dito sa higaan nya. Ayaw nya akong bitawan ako naman ay palag ng palag para makalayo na sa kanya.

Bigla nalang pumasok sa isip ko iyong nangyari kahapon. Malinaw na malinaw parin sa alaala ko ang pangyayari na iyon. Dahil kahit my suot akong mask ay nagk-kiss parin k-kami.

Bumibilis na naman iyong tibok ng puso ko kada maaalala ko iyong.

“Hindi ka ba nahawa sa sakit ko?” Nakangiti pa sya sa akin habang hinihimas iyong ulo ko.

“Huh? H-hindi noh.k-kahapon, doon sa mask na pa-pangyayari…” Nakangiti lang sya na para bang walang major na nangyari kagabi.

Biglang niyakap ni bunso si sir Yule at niyakap naman sya nito pero nakatingin parin sya sa akin dahil sa narinig nya.

“Anu iyon? Ano ba iyong ginawa ko kahapon?”

“……………………….” Hinintay ko paring maalala nya iyong kahapon.

“Ah… Nahihilo pa kasi ako kahapon dahil sa taas ng lagnat ko, kaya hindi ko maalala iyong nangyari pagkatapos noong humiga ako sa lap mo.”

ANO!!! IYONG PARTE PA NA IYON ANG NAKALIMUTAN NYA!!!

“Fylia?”

“Fyfy ko?” sabi ni bunso

“H-huwag” Nanginginig na ako sa galit dahil sa sinabi nya. “HUWAG MONG  PINAGLALARUAN ANG DAMDAMIN KO!!!” Sigaw ko sa kanya sabay suntok ng malakas sa pisngi nya.

~~~~~~~~~~~

Papunta na ako ngayon sa room dahil malapi naring magring ang bell para sa first class.

Naku...! Ayoko ng isipin pa lalo iyong nangyari kahapon. Wala na akong pake! Hindi ko ikacount na first kiss ko iyon! Nakasuot ako ng mask kaya hindi counted iyon! Isang pagkakamali na masabing kiss naming dalawa iyon.

Binuksan ko na iyong pinto ng room at binati sila ng magandang umaga.

Huh? Bakit lahat sila nakatingin sa akin. Ano kayang problema?

May narinig akong komusyon sa hallway na nasa likod ko lang kaya napalingon ako, pati iyong mga classmate ko at dumungaw din sa pinto at bintana.

Nakita kong hawak hawak ni Darwin sa kwelyo si sir Yule at tinulak nya si sir Yule sa pader. Nagpanic agad ako.

“Whoa, Whoa. Teka anong  ginagawa mo Darwin?!” Hindi nya ako pinansin at nakatingin parin kay sir Yule.

“G*G* KA PALANG TEACHER KA! BAKIT KASAMA MONG LUMABAS NG HOTEL SI FYLIA? HA! SUMAGOT KANG G*G* KA!” Nakita kong nagulat si sir Yule at maging ako ay nagulat sa sinaba nya.

My Teacher/HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon