Love 13~Jealousy~

1.5K 18 7
                                    


Fylia's POV

".........Pwede bang..... dito ka lang sa tabi ko hangang bukas?"

Ano na ngayon? Ano bang gagawin ko sa sitwasyon namin ngayon?

Wa-wala naman sigurong problema... Mahal ko naman si sir Yule at tsaka kasal na naman kami..

Nakayakap parin ako ng mahigpit sa kanya at naka baon iyong much ko sa leeg nya. Ganun parin iyong posisyon namin. Hindi ko mapigilang mamula dahil sa kung anong mga iniisip ko. Arrrhhh... Anu ba?

"F-fylia...."

Kinakabahan ako!! Eto na ba iyong tamang panahon? Hinigpitan ko lalo iyong yakap ko sa leeg nya

"Fylia...."

Anu bang isasagot ko sa kanya? Ayoko naman masira itong moment na ito.

"Fylia.... Hindi na ako makahinga.... Pwede bang magrelax ka lang...." bulong ni sir Yule sa tenga ko.

"S-sorry..."Hingi ko agad ng pasensya sa kanya, narinig ko pa syang mahinang tumawa. Niluwagan ko iyong pagkakapalibot ng mga braso ko sa leeg nya kaya kita ko na ngayon ang mukha nya. Nakangiti sya sa akin sabay dampi ng halik sa nood ko.

Sa gulat ko at sa kaba narin siguro. O mas tamang sabihin na mabilis lang talaga ang reflex action ko kapag nagugululat ako. Parang nung mga nakaraang araw lang.

Bigla ko syang nasipa ng tuhod ko sa sikmura. Kaya napalayo ang katawan nya sa akin.

"Aray!" Sigaw nya sabay layo sa akin at nakaluhod sa sahig habang sapo sapo iyong sikmura nya na tinamaan ko.

"Sorry sir yule! Sorry! Hindi ko sinasadya!" Nilapitan ko sya at hinagod hagod ko iyong likod nya dahil ubo sya ng ubo. Mukhang napalakas nga siguro iyong sipa ko.

Mukhang ok na sya dahil hinarap na nya ako at pinatong nya iyong kamay nya sa ulo ko. "Ako nga dapat ang magsorry sayo.. Hindi talaga magandang binibiro ka."

>///////

Ano? Biro lang pala sa kanya iyong kanina?

Pinitik nya iyong noo ko sabay tayo at pumunta na sya sa hagdan. Ng makatatlong hakbang na ay lumingon sya sa akin.

"Magpahinga ka narin. Alam kong pagod ka na dahil sa festival. Tulog na. Good night"

=|||||||||= ako na ang pinaka worst...

Alam ko namang hindi nya ako binibiro.. halata naman kasi sa mga mata nya. Nasira ko lang talaga iyong moment at dahil sa panirang moment na ginawa ko alam kong iiwasan na nya ako ngayon...

So akward...

~~~~~~~~~~~~~

Ang tanga tanga ko talaga!! Ni hindi ko man lang matitigan sya kaninang umaga. Nahihiya kasi ako sa ginawa ko sa kanya kahapon... Grabe naiilang na nga ako kapag kasama ko sya ewan ko ba sa sarili ko!!>____

"GOOD MORNING BLUE!" Nagulat ako sa mga sigaw ng mga babaeng student sa hallway. Hala ang iingay naman ng mga babae dito. At tsaka Sino daw? Si Blue?! As in Blue na kapatid ni sir Yule.

Nakita kong pinagkukumpulan na sya ng mga babae at kilig na kilig na nagpapaganda sa harap nya.

"Ang ganda naman ng hair mo! Natural ba iyan?"

"Di ba blue. Galing ka ng America?"

"Meron ka na bang Girlfriend?"

Yan iyong mga narinig ko sa kanila. Grabe naman. First day nya palang dito sa School, sikat na agad sya. Ang bilis nga naman kumalat ng balita. Balita ko sa Class B sya napunta kaya katabi lang namin ang classroom nila.

My Teacher/HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon