Isa

1.3K 44 0
                                    

"Mommy." Mahinang tawag ni Victoria kay Irene upang magising ito.

"Hmmm."

"Halika na mommy, kakain na daw tayo." Sabi ni Victoria kay Irene ng naka-ngiti.

Dahan-dahan namang tumayo si Irene at inayos ang buhok.

"Kanina pa kayo?" Tanong ni Irene.

"Hindi naman mom, kadadating lang din halos."

"Ang daddy mo?"

"Andun po sa kitchen, tinutulungan mag-hain sila lola." Kwento ni Victoria.

"Oh, let's go na para maka-tulong din tayo." Sabi naman ni Irene.

Agad namang lumabas ang dalawa upang tulungang mag-hain sina Imee. Pag-pasok ng kusina ay unang bumungad sa kanila si Greggy na naglalapag ng pagkain sa lamesa. Lumapit si Irene dito at binigyan ng beso. Nagulat man ang lahat lalo na si Greggy dahi sa ginnawa ni Irene ay minabuti nalang nila itong blewalain muna at baka mag-bago ang mood ni Irene.

"Victoria, tawagin mo na muna ang mga kuya mo at ng maka-kain na." Utos ni Imee dito.

Agad namang tinungo ni Vicoria angg dating kwarto ni Bong kung saan ginawang tambayan ng kanilang mga anak na lalaki sa tuwing tutungo sila sa bahay nina Imelda.

"Maupo na kayo." Utos ni Ferdinand na naka-upo na sa hapag.

Ipinag-hila naman ni Greggy si Irene ng upuan upang maka-upo ito. Ginaggawa talaga ito ni Greggy at ni Irene sa tuwing nasa harap nila ang magulang ni Irene o mga kaptid ngunit alam at ramdam nilang lahat na iba ang mood ni Irene na para bang hindi na ito cold kay Greggy.

"Sana laging ganon." Mahinang sabi ni Imee na sapat lang para arinig nila.

"Ano yon manang?" Tanong ni Bong.

"Sabi ko s-sana..... lagi nalang tayo kumpleto." Pag-iiba ni Imee.

"Parang iba ata narinig ko." Pag-singit naman ni Liza.

"Oh, magsi-upo na kayo at ng maka-kain na." Sabi ni Aimee sa mga pamangkin nito na isa-isa nang nagdadatingan sa kusina.

Nanag maka-upo na ang lahat ay agad na silang nag-dasl at nagsi-kain.

"Tita, I heard nahanap na si Maria?" Tanong ni Borgy.

Agad namang natahimik sina Irene at nagulat sina Bong, Liza, Greggy at ang iba pang mga di nakaka-alam. Napa-tingin naman si Greggy kay Irene na parang nag-hihintay ng isasagot nito.

"San mo naman nalaman yan anak?" Tanong ni Imee.

"Eh diba mom, classmate ko yung anak nung PI ni tita. So ayon, sinabi niya sakin kanina." Kwento ni Borgy sabay subo ng kanin.

"Nahanap mo na si Maria?" Tanong ni Greggy.

"Kanina ko lang din naman nalaman." Sagot ni Irene ngunit hind nilingon si Greggy.

The Araneta FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon