Jail

852 25 2
                                    


Initay lang ni Irene na maka-alis si Bong at tsaka na niya tinungo ang kulungan ni Isabel kasama ang kanilang abogada.

(Again, wala kong alam sa law.)

Palapit palang si Isabel kay Irene ay naka-ngiti na ito sa kanya.

"Kamusta a na?" Naka-ngitingbati ni Irene.

"Eto, kinakaya pa naman." Sagot ni Isabel. "Bakit ka nga pala napadalaw?"

"Nasabi na sakin lahat ng kapatid mo." Sabi ni Irene.

"Tsss, si ate talaga." Naiinis na sabi niya.

"Nandito ko para iurong ang kaso laban sayo." Naka-ngiting sabi ni Irene.

"huh? Bakit?" Tanong nito.

Ngumiti muna si Irene tsaka nito hinawakan ang kamay ni Isabel. "Hindi ko gugustuhin na magkaron si Greggy ng anak na isisilang sa blangguan."

"Alam na ba ni Greggy?" Naka-yukong tanong ni Iabel.

"Hindi niya alam. Kaya kasama ko si Atty. Marcelo para maayos na ang kaso mo at makalaya ka na, ngayon mismo."

"S-sigurado ka?" Tanong ni Isabel.

"Oo. Gusto ko, pagka-laya mo dito, puntahan mo agad si Greggy."

"Huh? Hindi ba binalikan ka niya?"

Umiling lamang ng naka-ngiti si Irene. "Huli na ata ang lahat ng yon. Lalo na ngayon at magiging ama na ulit siya."

"P-pero-----"

"Huwag mo niyo nang alalahanin ang mga bata. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanila. Ang mahalaga ngayon, maligtas kayo ng dinadala mo at mabigyan muli ng pagkakataon si Greggy bilang maging ama ng isang bata." Nakangiting sabi ni Irene. "Magpa-kasal kayo kung kinakailangan. Ayokong lumaki ang batang yan ng walang ama at mas lalong hindi ko gugustuhing habang buhay siyang maiipit sa mga pag-kakamali natin."

Nang masabi ito ni Irene ay agad na siyang tumayo at dali-dali nang lumabas dahil hindi na rin niya kaya pang pigilan ang kanyang mga emosyon. Umuwi na rin naman siya kaagad sa bahay nina Bong at sa halip na mag-sayang pa ulit siya ng mga luha ay inayos na niya ang kanyang mga dapat ayusin at tsaka siya namahinga.

"Ate." Tawag ni Aimee mula sa pinto ng kanyag kwarto.

"Sandali lang." sabi niya at agad na isinara ang kanyang laptop.

"Tara na, kain na tayo." Aya ni Aimee sa kanya.

"Kanina ka pa dito?" Tanng ni Irene sa kanya.

"Hindi naman, ngayon-ngayon ang din."

"Si Julian ba kasama mo?" Tanong ni Irene.

"Hindi ate, may business meeting sila ni kuya Rodrigo."

"Talaga?"

"Oo ate, tinuloy nila yung plano nila nuon."

"Ahhh, so si manang lang din ang nandiyan?"

The Araneta FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon