Tanghali na halos nagising si irene dahil hindi din naman siya agad natulog kagabi at nanood muna siya ng ilan pang mga movie at nag-linis ng kanyang kwarto. Agad na siyang tumayo at tinungo ang kanyang maliit na coffee station sa kaniyang kwarto upang mag-timpla ng kape. Lumabas naman siya sa veranda nila upang dito inumin ang kape at bumungad naman sa kanya sina Greggy at ang mga bata na nag-lilinis ng kanilang garden.
"Gising na pala si mom eh." Sabi ni Tine ng mapansin ito.
Tiningala lang naman siya ni Greggy at muli itong bumalik sa kanyang winawalis.
"Tara dito mom." Aya naman ni Luis sa kanya.
"Uubusin ko lang to."
"Dad, saan po to?" Tanong ni Maria habang dala-dala ang isang halaman.
"Sige, ibaba mo lang diyan sa may gilid. Iatatanim ko yan dito mamaya."
"Alfonso, yung gate!" Tawag ni Irene dito ng matanaw na may tao sa gate.
"Ano daw yon?" Tanong ni Greggy kay Alfonso.
"Hinahanap daw po si mom." Sagot nito.
"Ako? Sino daw ba yan?" Tanong naman ni Irene.
"Kailangan ka daw maka-usap eh tsaka daw po si dad." Alfonso.
"Sige papasukin mo." Sabi naman ni Irene tsaka ito bumaba.
"Tara po, dun po tayo sa loob." Sabi ni Greggy dito at pinapasok sa loob. "Tuloy niyo lang yan, babalik ako." Bilin nito sa mga bata.
"Sino po sila?" Tanong ni Irene na na kakababa lang ng hagdan.
"Goodmorning po, ako po si Esther." Sabi nito.
"Bakit niyo po kami gustong maka-usap?" Tanong ni Greggy.
"Ah-hmmmm, dati po akong katulong nila sir Albert at ma'am Corazon."
"Ahh, bakit po?" Tanong ni Irene.
"Alam ko po ang lahat ng nangyare."
Naguguluhan naman ang dalwa dahil sa sinasabi nito.
"A-ano pong ibig niyong sabihin?" Tanong ni Greggy.
"Hindi po nurse ang talagang dapat papatayin nuon. Nadamay lang po ito dahil sa anak niyong si Maria."
Nagulat naman ang dalawa dahil sa sinasabi nitong matanda.
"A-ano pong ibig niyong sabihin??" Tanong ni Greggy.
"Ang matanda po na nag-ligtas sa bata at nag-iwan sa pintuan ng mga Laude ay ang kapatid ko po. Dati siyang katulong ng mga magulang ni ma'am Corazon."
"Hindi ba patay na siya?" Irene.
"Opo, at ganun din po ang mga magulang ni ma'am Corazon kaya ngayon lang po ako nagkaron ng lakas ng loob upang masabi sa inyo ang lahat ng nalalaman ko na ikinwento sakin ng ate Myrna bago siya maagutan ng hininga."
BINABASA MO ANG
The Araneta Family
FanfictionSabay-sabay nating alamin kung anong pag-subok sa pagiging magulang ang tatahakin ng mag-asawang Irene at Greggy. A/n: lahat ng ito ay fanfiction lang kaya lahat ng ito ay gawa-gawa ko lang. kung may bad side ditong maipakita sa ugali ng karakter ay...