Ngayong araw ay ang kaarawan ni Luis kaya naman nang magising siya ay agad na bumungad sa kanya ang mga regalo ng kanyang mga lolo at lola pati na rin ang mga regalo nina Elvira.
"Saan gling tong mga to?" Natatawang tanong niya habang binubuksan ang mga regalo.
"Minsan kasi, gigising ka din ng umaga. Naka-alis na kami't lahat tulog ka pa rin eh." Natatawang sabi naman ni Irene.
"Aalis ba kayo?" Tanong ni George sa kanila.
Tumingin lang naman ang mag-asawa kay Luis dahil siya naman ang mag-dedesisyon.
"Tita may play po ba mamaya?" Tanong ni Luis kay Elvira.
"Meron ata pero lam ko kasi ngayong tanghali na yon." Sagot nito.
"Anong team po?" Tanong ni Alfonso.
"Chicago and Red Bulls." Sagot ni Patricia.
Nanlaki naman ang mga mata ni Luis nang malaman niya kung sino ang mag-lalaro.
"Mom, dad dun nalang tayo." Aya ni Luis sa dalawa.
"Aabot ba tayo?" Tanong ni Greggy.
"Aabot kayo kung tatayo na kayo diyan at mag-bihis." Sabi naman ni George.
"Oh tara na dali." Sabi ni Alfonso dahil isa din siya sa may gustong manood ng football.
Mabilis lamang silang nag-bihis at dali-daling tinungo ang arena. Ngunit nang marating nia ito ay sarado na at hindi na nag-papapasok dahil nag-uumpisa na ang laro.
"Eh tara dad sa Belmont nalang tayo." Luis.
Halos pumalakpak ang mga tenga ni Maria ng marinig ang sinabi ni Luis dahil isa ito sa paborito niyang puntahan noon.
"Walang KJ ha!" Sabi ni Alfonso na lalo nitong inilakas upang iparinig kay Irene.
"Bakit kuya may KJ ba?" Tanong ni Maria kay Alfonso.
"Nako, yang si mom! Last time na pumunta kami don siya lang yung hindi sumasama samin." Sabi ni Victoria.
"Eh kasi non, wala pa si Maria kaya hindi siya suma-sakay sa rides." Sabi naman ni Tine.
"But since, kasama na natin siya ngayon. Siguro naman sasama ka na mom?" Luis.
Nag-labas lamang ng buntong hininga si Irene bago sinagot si Luis. "May magagawa ba ako?"
"Yes!" Masayang sabi ni Tine.
Nang marating ang Belmont. Ay hindi sila magkanda-ugaga sa sobrang dami ng rides na gustong sakyan ng mga bata. Halos magkanda-suka na si Irene dahil sa sobrang dami na ng kanilang mga nasakyan. Mahaba man ang pila sa mga rides ngunit mabilis lang silang nakaka-saay dito dahil naka VIP pass silang mag-anak. Halos maubusan na ng lakas ang mag-asawa sa sobrang pagod kaya nang pauwi sila ay si Alfonso na ang nag-maneho para sa kanila.
"Gising pa ba sila mom?" Tanong ni Luis sa kambal.
"Ayon sa likod mga tulog." Natatawang sagot ni Victoria.
BINABASA MO ANG
The Araneta Family
FanfictionSabay-sabay nating alamin kung anong pag-subok sa pagiging magulang ang tatahakin ng mag-asawang Irene at Greggy. A/n: lahat ng ito ay fanfiction lang kaya lahat ng ito ay gawa-gawa ko lang. kung may bad side ditong maipakita sa ugali ng karakter ay...