Sa wakas ay pumayag na si Chloe na tanggapin ang alok ng mag-asawa sa kanya. Sa tantya nila ay baka sa isang buwan pa rin ito maka-lipat dahil marami pa rin itong kailangang ayusin. Nitong mga sumunod na linggo matapos ipakilala ni Alfonso ang kanyang nobya sa kanyang pamilya ay hindi na muna ulit nababalik sa kanila ang ama dahil gusto rin naman nito na kapag dinalaw nila ang mga magulang niya sa San Francisco ay wala na syang dala-dalang mga trabaho dito. Hinayaan lang naman ito ni Irene att nang mga bata dahil naiintindihan din naman nila ang sitwasyon ni Greggy. Ilang araw nalang ang bibilangin bago sila magpa-tuloy sa kanilang bakasyon patungong ibang bansa. Nag-kataon naman na kakatapos lang ng school year ng mga bata kaya naman hindi na rn nila problema ang pag-aaral ng mga ito. Isang linggo lang naman silang mag-baakasyon dito at uuwi na rin agad sila ng pinas dahil hindi rin naman sila pwedeng mag-tagal sa ibang bansa.
"Diba kuya yan yung malakas?" Tanong ni Maria habang nag-lalaro ng video games.
"Siya ata yung main character." Sabi naman ni Tine.
"Oo nga, ayaw mamatay eh." Natatawang sabi naman ni Victoria.
"Bias naman yan." Sabi naman ni Luis.
Ilan lang yan sa mga kwentuhan ng mga anak ni Irene na nasa mahabang sofa habang nag-lalaro. Siya naman ay kakatapos lang mag-sasagot ng kanyang mga e-mails tungkol sa kanyang umpisa. Matagal-tagal na rin siyang hindi active sa social media kaya naman naisipan niyang buksan muli ito dahil sa pagkaka-tanda niya ay kasama pa niya si Albert nang huli niyang buksan ito.
Pag-bukas niya ay agad na bumungad sa kanya ay ang picture ni Greggy at ni Isabel na halos kaka-post lang.
"My date for tonight."
Pupunta sana si Irene sa comments ngunit nakita niya na nakaturn-off ang comments nito.
"Ay ayaw ma-bash." Tanging nasabi ni Irene.
Muli siyang nag-scroll pababa upang makita naman niya angiba pang mga post. Ang susunod niya namang nakita ay ang litrato nila nuong birthday ni Chloe. Hindi sila friends nito ngunit dahil naka-tag ang mga bata ay visble ito sa kanya. Hindi na rin siya nag-dalawang isip na i-add friend ito dahil alam naman niya na mabuting bata ito.
"In my 16 years of existence, I would probably say that this is my most unforgettable birthday. Thank you so much Araneta siblings for the surprise, and to Mr. & Mrs. Araneta who also celebrated with me on my birthday. Thank you for being my second family even though we only met once."
Na-touch naman si Irene sa message nito sa kanyang caption kasama ang kanilang family pic, dahil hindi naman niya inexpect na kahit pala tahimik ito ay naging masaya din naman pala ito sa kanilang supresang palpak. Naagaw naman ang atensyon ni Irene dahil kanina pa pala siya tinatanong ni Victoria.
"Mom, nakapag-empake na po kayo?" Tanong ni Victoria sa kanya.
"Hindi pa nge eh, kayo ba?"
"Hindi pa din po." Natatawang sabi naman ni Tine.
"Oh, basta make sure na kumpleto ang dadalin niyo. Sabi naman ng lola niyo, hindi naman daw ganong kalamig dun ngayon. Pero dahil nga daw sanay tayo sa klima ng Pinas na hindi ganong kaamig, baa daw ginawin pa tayo kaya mas mainam na daw na dag-dagan natin yung dalang mga winter clothes." Paliwanag ni Irene. "And one more thing, you know naman na siguro yung rules natin about your baggages."
BINABASA MO ANG
The Araneta Family
FanfictionSabay-sabay nating alamin kung anong pag-subok sa pagiging magulang ang tatahakin ng mag-asawang Irene at Greggy. A/n: lahat ng ito ay fanfiction lang kaya lahat ng ito ay gawa-gawa ko lang. kung may bad side ditong maipakita sa ugali ng karakter ay...