Labing-anim

697 22 0
                                    

Ang balak ni Albert ay sa Ilocos na muna mamalagi at ditoo na ubusin ang kanyang panahon sa bakasyon ngunit halos isang linggo lang siyag nagtagal dito at muli na siang nag-balik Maynila. Sa pag-babalik niya ng Maynila ay nadalas ang kanyang pag-dalaw sa opisina ni Irene upang mag-dala dto ng pagkain o di kaya naman ay para ayain itong mag-dinner o mananghalian. Pumapayag naman si Irene dito na sumama kapag tanghalian dahil break naman niya yun sa opisina. Lumalabas din naman sila tuwing gabi ngunit di ksing dalas ng kanilang pag-labas sa tanghalian dahil mas gusto pa rn namna ni Irene na maka-samang kumain ng hapunan ang mga bata kaysa kay Albert.

Ngayon ay patungo sila sa isang restaurant na kanilang kakainang dalawa dahil naka-break si Irene.

"Albert Diaz." Sabi ni Albert sa staff ng restaurant na naka-tayo sa may entrance nito.

"Ahh, able for two po ano?"

"Oo."

"This way po tayo, ma'am, sir." Sabi nito tsaka sinmahan ang dalawa sa naka-reserve na upuan para sa kanila.

Gaya nang dati, nuong mga bata pa sila ay hindi taaga sila nauubusan ng kwento sa isa't isa kaya buong tanghalian ng dalawa ay halos nag-tawanan lang sila.

"Dito po tayo Mr. Araneta."

Nagulat naman ang dalawa nang marinig ang sinabi ng waiter kaya naman napatingin sila. Hindi sila nag-kamali dahil nakita nila si Greggy na kasunod ng waiter at naka-tutok sa telepono kaya hindi pa rin sila nito napapnsin hanggang sa maka-upo ito sa table na katabi nila.

"Uy, kanina pa kayo dito?" Gulat na tanong ni Greggy ng matanaw ang dalawa.

"Medyo." Naka-ngiting sagotni Irene.

"Ikaw lang?" Tanong ni Albert dito.

"Oo."

"Si Isabel?" Tanong ni Irene.

"Nasa trabaho pa eh."

"Irene." Tawag ni Albert dito sabay turo ng orasan kay Irene.

Natingin naman si Greggy sa dalawa dahil halata ang pagka-taranta ng dalawa.

"Hala."

"Tara na dali!" Sabi ni Albert sabay hawak sa kamay ni Irene.

"Mauuna na kami ha." Paalam ni Irene kay Greggy bago siya itakbo palayo ni Albert.

Habang tumatakbo ang dalawa ay sa kamay nilang dalawa naka-tingin si Greggy dahi hawak ni Albert ngayon ang braso ni Irene habang tumatakbo sila.

"Enjoy sir!" Naka-ngiting sabi ng waiter ng iserve kay Greggy ang kanyang pagkain.

"Salamat." Naka-ngiting sagot naman nito.

Habang kumakain ay naisipan niyang buksan ang kanyang telepono upang tingnan ang kanyang social media. Bumungad naman sa kanya ang post ni Irene na kakapost lang ngayon mismo na kasama si Albert.

"The only one who stood by my side at all times. Thank you my best buddy, kahit na ayaw mo ng movie."

Bigla namna niyang naalala ang mga panahon na sila ni Irene ang nanonood ng paborito nilang palabas. Ngayon ay ibang lalaki na ang kasama nito at ibang buddy na din ang tinatawag nito. Sa pag-kakaalam niya ay siya ang number 1 buddy ni Irene nuon bago pa sila nagka-anak, ngunit ngayon ay iba na ito. Nang buksan niya pa ang account ni Irene ay nakita niya na madalas na pala talagang lumbas ang dalawa nung mga nakakaraan pa dahil kung hindi naman siya ang may post ay si Albert naman ang ng-popost ng kanilang picture. Nakita din niya na nadadalas din itong pumupunta sa bahay nila Irene dahil nakikita niyang pamilyar ang mga tasa ng kape sa picture at ang lames na sigurado siyang sa lumang bahay yun nila Irene kuha. Naagaw naman ang kanyang pansin nang makita niya ang isang picture na inupload nito dahil picture ito kasama ang kanilang mga anak ni Irene habang nakaakbay ito kay Irene.

"Glad to celebrate my birthday with my love ones." Ang caption na inilagay ni Albert dito.

binuksan naman ni Greggy ang comment section dahil nakita niya na madami itong comments.

"Awww, I'm glad na nagustuhan mo ang surprise namin ng mga bata." -Irene Marcos

"Happy Birthday ulit tito, and thank you sa masasayang kwento mo kagabi." -Celestine Araneta

"Happy Birthday, bro! Such a beautiful family." -Unknown

"Wow! Happy family my nephew." -unknown

"Happy Birthday ulit tita, and sana bumalik ka na ulit lol!" -Luis Araneta

"Happy family" -unkown

"Ur wife is beautiful, why don't you guys visit us here at Melbourn." -unknown

"Ur lucky to have a wife and a family like that." -unknown.

"Aba, nagkaron pa talaga to ng instant famiy." Tanging nasabi nalang ni Greggy dahil sa inis.

Tinigilan na rin naman ni Greggy ang pag-tingin nito sa mga litrato ng dalawa dahil sumasama lang ang kanyang loob.

_______________________________
Nanag matapos manood ang dalawa ay ibinaba na ni Albert si Irene sa opisina nito dahil dito naka-parada ang sasakyan ni Irene. Nang maka-uwi ito ay sakto rin namang kararating lang ng mga baa galing iskwela.

"Naka-usap niyo ba ang daddy niyo?" Tanong ni Irene.

"Opo, pupunta nalang daw po sya dito bukas." Sabi naman ni Alfonso.

Nito kasing naka-raang iang linggo ay hindi nakakadalaw si Greggy sa mga bata dahil sa sobrang dai nitong inaasikaso.

"Ahhh dito nalang kayo bukas?" Tanong ni Irene.

"Opo, bumili daw po siya ng mga bagong disc ng video game." Kwento naman ni Luis.

"Ahh, sige. May pagkain diyan sa ref. Mag-luto nalang kayo kapag nagutom kayo at mamahinga na ko." Sabi ni Irene tsaka na ito umayat ng kanyang kwarto.

Maraming-maraming salamat sa inyong patuloy na pag-suporta at pag-tangkilik sa aking mga istorya. Nawa'y nandiyan patuloy niy pa rin akon suportahan hanggang ngayon saking bagong istoryang ito. Feel Free to comment ur thoughts! Again, tysm! And mag-iingat kayo lagi!

The Araneta FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon