Mabilis na lumipas ang mga araw at linggo at ngayon ay halos dalawang buwan na sila sa kanilang lumang bahay. Gaya ng hiling ng mga bata ay lumilipat nalang si Grreggy dito tuwing sabado at linggo at muli itong bumabalik sa bahay nila ni isabel tuing bagi para dito matulog. Tinanggap nalang din ni Irene na talagang masaya na si Greggy kay Isabeldahil naikita niya naman ito sa mga mata niya. Ang mga bata naman ay gusto paring magka-balikan ang dalawa ngunit dahil sa nakikita nila kay Greggy na talaang masaya na ito ay naging masaya nalang din sila para sa ama dahil matagal din naman itong kinain ng lungkot dahil sa pagka-muhi ni Irene nuon sa kanya ng mahabang panahon.
"Mom, nag-invite si tita Isabel... dun daw tayoo mag-dinner." Sabi ni Luis.
"Gusto niyo ba?" Tanong naman ni Irene.
"Pwede naman po." Sabi naman ni Tine.
"Sige ihahatid ko nalang kayo tapos susunduin ko nalang ulit kayo."
"Hindi po kayo sasama?" Tanong ni Maria sa kanya.
"Baka hindi na, pagod na ko eh." Sabi ni Irene.
"Eh mag-pahinga na po kayo, ako nalang po ang mag-drive ng sasakyan." Alfonso.
"Hindi, ihahatid ko kayo. Tawagan niyo lang ako kapag susunduin na kayo." Irene.
"eh tara na at mag-bihis. Para hindi na rin gabihin si mom." Victoria.
Nang makapag-bihis ay agad na silang hinatid ni Irene sa bahay nina Greggy. Habang inaalalayan ni Alfonso sa pag-baba ang kanyang mga kapatid ay tinungo naman ni Irene ang gate nina Greggy dahil naka-bukas na ito. Mula sa harapan ng bahay ay natanaw na agad niya si Greggy at Isabel na nag-sasayaw at tuwang-tuwa sa isa't isa. Dahil sa pagmamasid niya sa dalawa ay hindi na niya namalayan na nasa tabi na niya ang mga bata at naka-tingin lang sa kanya na nag-gigilid na ang luha. Napansin lang ni Irene ang mga bata dahil natanaw niya na tinuro ni Isabel kay Greggy na nandon na sila. Agad naman siyang nag-pahid ng luha bago pa maka-labas ang dalawa.
"Kanina pa kayo?" Tanong ni isabel sa kanila.
"Hindi po, kadadating langdin po." Sabi naman ni Tine.
"Oh, pasok na kayo." Greggy.
"Ah, mauuna na ko." Sabi naman ni Irene.
"Huh? Bakit naman? Hindi ka ba muna kakain?" Tanong ni Isabel.
"Hindi na, pagod na rin kasi ko eh." Sabi naman ni Irene.
"Ahh ganon ba?" Isabel.
"Oo, pakitawagan nalang ako kapag uuwi na ang mga bata para masundo ko." Sabi naman ni Irene.
"Hindi na, ihahatid ko nalang sila." Greggy.
"Hindi okay lang. sige, mauuna na ko." Huling sabi ni Irene bao siya umalis.
Hindi pa siya nakaka-labs ng village nina Greggy ay itinabi na niya ang sasakyan sa isang bakanteng lote at dito na siyang muling umiyak ng umiyak hanggang sa hampasin na niya ang manibela ng kanyang sasakyan. Natigilan ang si Irene dahil tumunog ang kanyang telepono. Hindi na niya mabasa ang pangalan ng tumatawag dahil punong-puno na ng luha ang kanyang mga mata kaya naman pinakalma muna niya ang saarili niya bago sagutin ang tawag.
BINABASA MO ANG
The Araneta Family
FanficSabay-sabay nating alamin kung anong pag-subok sa pagiging magulang ang tatahakin ng mag-asawang Irene at Greggy. A/n: lahat ng ito ay fanfiction lang kaya lahat ng ito ay gawa-gawa ko lang. kung may bad side ditong maipakita sa ugali ng karakter ay...