Siyam

805 33 1
                                    

Ngayon ay ika-23 ng disyembre, lunes. Ang araw na naka-takda sa kanilang pag-kuha ng DNA test na isinagawa sa kanila kama-kailan lang.

"Sasama ba kayo?" Tanong ni Greggy sa dalawang bata.

"Pwede ba dad?" Tanong ni Tine.

"Sige, mag-bihis na kayo at tatawagan ko na ang mom niyo para isama na din ang mga kapatid niyo." Utos ni Greggy dito.

Nilingon naman ni Greggy si Isabel na nasa kabilang banda ng sala. "Ikaw ba? Gusto mo sumama?" Tanong niya.

Nagdadalawang isip si Isabel sa kanyang isasagot kay Greggy dahil hindi pa din niya alam kung paano niya pakiki-samahan si Irene kung sakaling makita niya ito na hindi naman imposible.

"Don't worry, akong bahala sayo."

Tiningnan naman ni Isabel si Greggy sa mata at nakita ni Greggy na halata sa mata nito na gusto nitong sumama.

"Sige na, mag-bihis ka na din. Ako na ang mag-iligpit dito." Sabi ni Greggy habang iniipon ang kanilang mga pinag-inuman ng juice at pinag-kainan.

"Hindi na, mauna ka na mag-bihis. Ako na bahala diyan." Sabi naman ni Isabel at agad na tinulungan si Greggy.

"Mauna ka na." Greggy.

Wala nang nagawa si Isabel kundi ang mag-ayos na dahil inunahan na siya ni Greggy na dalin ang mga ito sa kusina. Bago magpa-tuloy si Greggy sa pag-huhugas at mag-basa ng kamay ay tinawagan niya muna si Irene. Inilagay niya ito sa speaker phone upangmakapag-hugas siya ng mga plato habang kausap ito.

"Naka-ready ka na?" Tanong ni Greggy.

"Oo." Maikling sagot ni Irene. "Isang sasakyan nalang ba ang dadalin natin?" Tanong ni Irene na ngayon ay nag-bibihis din.

"Sige yung van nalang ang dalin natin, sinama ko din kasi yung dalawang bata eh." Sabi ni Greggy.

"Ah edi sasama ko na den yung dalawa?" Tanong ni Irene.

"Oo, pag-bihisin mo na din. Dadaanan nalang namin kayo."

"Sige, sige."

"Siya nga pala, sinama ko din si Isabel."  Sabi ni Greggy.

Natigilan si Irene sa knyang ginagawa at natahimik.

"Hello, andiyan ka pa?" Tanong ni Greggy.

"A-ahhhhh oo, sige." Sabi ni Irene.

"Okay sige, kita nalang tayo mamaya." Sabi ni Greggy sabay baba ng telepono.

Hindi naman manhid si Greggy para hindi maramdaman na naapektuhan si Irene nung sinabi niyang isasama niya si Isabel. Nang matapos siya ay umakyat na din siya upang makapag-bihis. Mabilis langsiyang nag-bihis dahil tapos na din naman ang dalawang bata at si Isabel at siya nalang ang iniintay sa sala.

___________________________________________

"Mag-bihis kayong dalawa. Sasama daw sila Alfonso samin ng dad niyo, sumama na din kayo." Sabi ni Irene sa dalawa na ngayon ay nanonood din sa sala.

The Araneta FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon