Wala pang trenta minutos ay narating na ng apat ang kanilang bahay at agad na ding pumunta ang kambal sa kanilang mga kwarto.
"Kelan ang alis mo?" Tanong ni Irene habang nag-bibihis ng kanyang pang-tulog.
"Kelan mo ba ko gustong umalis?"
Natahimik naman si Irene dahil hindi niya alam ang isasagot dito.
"Malapit lang naman ang nakuha kong bahay. Maliit lang din pero kung tutuusin, kasya naman kami ng mga bata kung sakali mang bibisitahin nila ko."
Nag-patuloy lamang si Irene sa pag-aayos na para bang hindi naririnig ang sinasabi ni Greggy.
"Sana, kapag wala na ko sa bahay nato....maging masaya ka na at wala ka nang asawang sisisihin sa tuwing makikita mo ako. Inaayos na rin ni Janice yung papers natin na ipapasa kay attorney para pirma nalang din nating dalawa ang kailangan." Sabi ni Greggy bago pumasok sa banyo.
Ito ang gusto ni Iren simula nung nawala si Maria. Matagal niyang hiniling kay Greggy na iwanan na siya ngunit ngayon na unti-unti na itong ginagaw ni Greggy ay para bang biglang nag-bago ang isip niya. Habang siya'y naka-higa at naka-titig muli sa kisame ay bigla nalang ulit tumulo ang mga luha niya na sa palagay niya ay nasaktan siya sa mga sinabi ni Greggy. Nang matapos maligo si Greggy ay bumungad sa kanya si Irene na tulog na tulog na. Gaya ng ginagawa niya dito mag-mula noon, hanggang ngayon ay hinalikan niya muna ito sa noo bago siya nahiga a kabilang parte ng kama.
_______________________________________________________
Nagising ang mag-asawa dahil sa sunod-sunod na katok sa kanilang pintuan. Halos muntik na ding matamaan sa muka si Greggy dahil sa dere-derechong pagkatok ni Aimee sa kanilang pintuan ng buksan niya ito.
"Ano ba yan? Ang aga-aga eh." Tanong ni Irene na naka-pikit pa ang isang mata habang naka-higa pa sa kama.
Agad namang pumasok si Aimee at dali-daling tinungo si Irene at nilagpasan lamang si Greggy.
"Ateee!!!" Mainagy na sabi ni Aimee kay Irene.
"Ano ba yon?" Naiinis na na sabi ni Irene.
"Ate!!! Kakatawag lang ni William kay Julian kanina. Nandito na sila sa Pinas!" Masayang sbai ni Aimee.
Kahit na inaantok pa si Irene ay napabango ito nang marinig ang balita. Agad siyang natingin kay Greggy at naiyak. Agad namang lumapit si Greggy dito at niyakap si Irene na halata sa mukang masaya.
"Makikita na natin si Maria." Masayang sabi ni Irene sa tenga ni Greggy.
"Sinabi ko na kay William na pupunta tayo mamaya." Sabi ni Julian na kaakyat lang.
"Salamat, maraming salamat sa inyo." Masayang sbai ni Irene habang nag-pupunas ng luha.
"Mom, dad, naka-ready na yung breakfast. Tito, tita, dito na din kayo kumain para matikamn niyo yung luto namin ni Victoria." Pagmamayabang ni Celestina.
"Hmmm, masarrap ba yan?" Tanong ni Julian.
"Aba, oo naman po tito. Si Gregorio kaya nag-turo saming mag-luto." Pag-mamayabang muli ni Celestina.

BINABASA MO ANG
The Araneta Family
FanfictionSabay-sabay nating alamin kung anong pag-subok sa pagiging magulang ang tatahakin ng mag-asawang Irene at Greggy. A/n: lahat ng ito ay fanfiction lang kaya lahat ng ito ay gawa-gawa ko lang. kung may bad side ditong maipakita sa ugali ng karakter ay...