"Ayan na si daddy!" Sigaw ni Maria ng matanaw ang sasakyan ni Greggy na pumarada na sa tapat.
Agad din namang nagsi-labasan ang limang bata upang salubungin ito. Nang maka-pasok ay isa-isa nang binulatlat ng mga bata ang kanyang uwing mga pasalubong para sa kanila.
"Mamaya na yan, mag-bihis na ayo at baka iniintay na tayo ng mama Meldy niyo." Sabi ni Irene na kagagaling lang ng kusina.
"Kamusta?" Tanong ni Irene.
"Okay naman, masaya." Nak-ngiting sabi ni Greggy na ngayon ay nakaupo sa sofa.
"Kape?"
"Hindi na, nakapag-kape na kami ni Isabel bago ako umalis eh."
"Siya nga pala, Greg. Tungkol dito sa bahay, balak ko sanang ibenta."
"Huh? Bakit?"
"Balak ko kasing lumipat ulit dun sa lumang bahay."
"Ano? B-bakit? Pumayag ba ang mga bata?" Tanong ni Greggy.
"Opo, daddy." Sagot naman ni Luis na pababa na ng hagdan.
"Tsaka dad, kay mommy na muna ulit kami titra para may kasama siya." Alfonso.
"Tsaka para buo na po ulit kaming magka-kapatid. Mas masaya po kasi pag kumpleto kami eh." Sabi naman ni Tine.
"Gaya po nung unang napag-usapan niyo ni mommy, puntahan niyo nalang po kami sa bahay every weekend." Victoria.
"T-teka nga muna, kelan ba kayo lilipat?" Tanong ni Greggy.
"Maka New Year na siguro." Irene.
"Bakit ba kasi kayo lilipat pa?"
"Eh dad, mas masaya din kasi dun sa dati nating bahay. Mas maganda yung mga naiwang memories dun." Tine.
"Tsaka duon dad, kahit na maliit atleast puro masasayang memories ang naalala namin." Luis.
"Tsaka yung kumpleto at buo pa tayo hahahahaha." Sabi naman ni Victoria at tumawa ito upang hindi mahalata ng dalawa na nalulungkot siya.
"Sige kayo bahala, pero hindi ako papayag na ibenta itong bahay."
"Hello?" Sagot ni Irene sa kanyang telepono ng mag-ring ito.
"Oo eto na, paalis na." Sabi naman ni Irene habang tinatawag na ang mga bata upang maka-alis na sila.
Halos isang oras nalang bago mag-palit ng taon nang dumating sila sa bahay nina Imelda. Nag-kwentuhan muna sila habang nag-papalipas ng oras at nang malapit nang mag-alas dose ay nagsi-labas na sila ng hardin upang sabay-sabay manuod ng fireworks.
"3....2.....1.... Happy New Year!" Sabay-sabay na bati nila sa sa't isa habang ang iba naman ay panay ang patunog ng torotot.
Agad din namang nagsi-lundagan ang mga bata.
"Ay respeto naman sa wala." Sabi ni Imee kay Bong Bong at Aimee na may naka-halikan sa bagong taon.
BINABASA MO ANG
The Araneta Family
FanfictionSabay-sabay nating alamin kung anong pag-subok sa pagiging magulang ang tatahakin ng mag-asawang Irene at Greggy. A/n: lahat ng ito ay fanfiction lang kaya lahat ng ito ay gawa-gawa ko lang. kung may bad side ditong maipakita sa ugali ng karakter ay...