Invading California pt.1

838 37 0
                                    

A/N: for now, isang chapter lang muna ang upload ko kasi pagod na me dahil natambakan nanaman ako ng schoolworks at inuna ko pa ang panonood ng proclamation nung isang araw kaya hanggang kahapon ay naka-tunganga lang ako sa sobrang kilig sa dalawa :3
___________________________________________________________

"Tine, bilisan mo!" Tawag ni Irene dito dahil siya nalang ang iniintay sa lahat.

"Maiiwan na tayo ng eroplano jusko!" Sabi naman ni Luis.

"Eto na, eto na!" Sigaw nito habang tumatakbo palabas.

"Ano ba kasing naka-limutan mo?" Tanong ni Irene dito nang maka-sakay si Tine sa loob.

"Yung regalo ko po kasi kay lola, naka-limutan ko kaya kinuha ko pa po sa taas."

Nang dumating sila sa airport ay agad na inasikaso ni Irene ang kanilang mga papeles gaya ng dati. Habang boarding ay naka-upo lang sila at mga inaantok na rin ang mga bata dahil madaling araw ang kanilang lipad. Kasama nila ngayon ang mga ordinaryong pasahero kung saan kasama nila ito sa economy class lamang. Maliit palang ang mga bata ay sinanay na talaga nila ang mga ito na kahit gaano pa sila kayaman ay mananatili parin sila sa economy class tuwing sila'y babyahe.

"Iyan ang may kasalanan kung bakit nawalan ng bahay ang mga tita sa Bulacan." Bulong ng isang babae sa kasama nito na nasa likod lang nila.

"Si Greggy ba iyan?" Tanong ng kanyang kausap.

"Oo siya yan! Yung may kabit!" Sabi naman ng isa pa nilang kasama.

"Pero kasama ngayon ang pamilya, tingnan mo naman kung aong klaseng tao. Hindi man lang mahiya!" Natatawang sabi pa ng isang babae.

Laking pasasalamat ng mag-asawa na naidlip ang mga bata dahil ayaw din naman nila na masangkot pa ang mga ito sa ganitong mga pambabatikos.

"Eh hindi ba mayaman yan? Bakit wala sil sa lounge?"

"Baka nag-hirap na." Natatawang sabi ng isang babae.

Nilingon lang naman sila ni Irene at nginitian na ikinagulat ng ilang mag-babakada na mag-kakausap dahil buong akala nila ay hindi sila nito naririnig. Nang tawagin na sila ay agad na nilang ginising ang mga bata at hawak ngayon ni Greggy si Maria dahil antok na antok pa ito. Si Maria ang nasa gitna ni Greggy at Irene habang nasa harap naman nilang tatlo si Tine at Victoria na may katbi pang isang babae at nasa likod naman nila ang dalawang lalaki na may katabi ring isa pang pasahero. Halos buong byahe ay natulog lang ang mga bata habang si Irene at Gregg naman ay nagku-kwentuhan lang tungkol sa kanilang mga nakaraang experience sa kanilang pagalis-alis ng bansa.

"Parang dati, tayong dalawa lang." natatawang sabi ni Greggy kay Irene na ngayon ay naka-tanaw lang sa bintana.

"Tapos nag-karon ng Alfonso." Dugtong niya.

"Na sinundan ng Luis." Natatawang sabi ni Greggy.

"Hanggang sa mag-karon ng kambal..... at ngayon, kasama na si Maria." Masayang sabi ni Irene.

"Eto na yong iniintay natin, matagal na." Naka-ngiing sabi ni Greggy habang naka-tingin lang sa mga mata ni Irene.

Sa sobrang haba ng byahe ay naubusan din sila ng kwentuhan sa isa't isa kaya naman naka-tulog na rin sila. Ginising nalamang ni Greggy si Irene at ang mga bata nang maka-lapag na ang kanilang eroplano sa California.

The Araneta FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon