Nang magising si Irene ay agad niyang hinanap si Greggy dahil wala na ito sa tabi niya.
"Sinundo lang ang mga bata." Sabi ni Patricia nang mapansin nito na hinahanap ni Irene ang kanyang asawa.
"Kanina pa umalis?" Tanong ni Irene.
"Halos kaalis lang din, pinapunta kasi siya ni dad kanina sa farm eh." Kwento naman ni Elvira na nag-titimpla ng kape.
"Kape?" Tanong ni Patricia.
"Hindi na, intayin ko nalang si Greggy." Naka-ngiting sabi naman ni Irene.
Maya-maya ay dumating na rin ang mag-aama at agad nang tinawag ni Maria si Irene na katatapos lang maligo.
"Mom, let's eat dinner na. Sabi po kasi ni dad hindi ka pa rin nag-lunch." Aya niya dito.
Pag-labas nilang dalawa ay naka-hain na ang pagkaing binili ni Greggy at nang mga bata at nandito na rin si Mary at George na kauuwi lang din mula sa farm. Nakita niya si Greggy na nasa lababo pa kaya nilapitan niya ito upang halikan sana sa pisngi ngunit lumayo si Greggy sa kanya. Hindi na lamang nag-salita ang magulang at mga kapatid ni Greggy dahil sa nakitang pag-iwas ni Greggy kay Irene.
"Bakit hindi ka pa maupo?" Tanong ni Mary kay Irene na naka-tayo lang sa likuran ni Maria.
"Eh kaka-kain ko lang po eh." Sabi ni Irene.
"Bakit sabi ni Greggy kanina hindi ka pa din nananghalian?" Tanong ni Mary.
"Po?" Irene.
"Hindi mom, ginising nga pala namin si Irene kanina. Nakalimutan ko lang sabihin kay kuya." Elvira.
"Oo nga, mom." Sabi ni Patricia.
"Tsaka lalabas po muna ko, may pupuntahan lang po ako sandali." Sabi ni Irene.
Hindi na nag-dalawang isip si Mary at George na payagan it dahil ang itsura ni Irene ay alam nila na kailangan nitong huminga at wala na ring ganang kumain.
"Ahh ganun ba? Mag-iingat ka." Sabi ni George dito.
"Ikaw lang ba?" Tanong naman ni Patricia na nag-aakalang sasamahan ito ni Greggy.
"O-oo ako lang." sagot niya bago umalis.
Habang nag-lalakad siya sa gilid ng kalsada sa loob ng kanilang village ay alam niyang tumutulo na ang kanyang luha kaya naupo siya sa isang sulok upang dito mag-labas ng sama ng loob. Sa itsura ni Irene na yon ay hindi mo aakalaing mayaman dahil muka siyang pulubi na nag-iiiyak sa gilid ng kalsada. Nakayuko lang siya at walang tigil sa kanyang pag-iyak na tila ba hindi siya nauubusan ng luha.
"Susmaryosep, Irene? Irene!" Tawag ng isang pamilyar na boses sa kanya.
Ngnit dahil wala nga siyang pake-alam sa kanyang paligid ay hindi niya ito nilingon. Hanggang sa maramdaman niya nalang na may naka-yakap na sa kanya. Nang makita niya ito ay laking gulat nia nang bumungad sa kanya ang mua ni Dawn.
"Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ni Dawn na naluluha na din.
Agad siyang niyakap ni Irene at mui nanamang umiyak ng umiyak.
BINABASA MO ANG
The Araneta Family
FanfictionSabay-sabay nating alamin kung anong pag-subok sa pagiging magulang ang tatahakin ng mag-asawang Irene at Greggy. A/n: lahat ng ito ay fanfiction lang kaya lahat ng ito ay gawa-gawa ko lang. kung may bad side ditong maipakita sa ugali ng karakter ay...