Pag-balik ng mag-ama sa bahay ay bumungad sa kanilang pag-pasok ang lima na may kanya-kanya ng pwesto habang kumakain naman ng popcorn sina Luis, Victoria, at Tine. Habang si Veronica naman ay natutulog na at ngayon ay naka-unan sa la ni Irene.
"Hindi niyo naman kami inintay." Sabi ni Greggy nang makitang nasa kalahati na ang palabas.
"Eh dad, napanood naman na to ni kuya." Sabi naman ni Luis.
"Tsaka dad, alam ko din namang napanood mo na to. Diba kayo pa nga ni tita Isabel ang mag-kasaang nanood." Tine.
Natatawa nalamang si Irene sa sinasabi ng mga bata kay Greggy.
"Kape?" Pag-senyas ni Greggy kay Irene.
Agad naang tumango si Irene dito at nginitian. Ang mga ngiting ito ay alam na agad ni Greggy ang ibig-sabihin kaya agad na niyang tinungo ang kusina upang mag-timpla ng kape. Maa-maya pa ay may dala na ding dalawang tasa ng kape si Greggy at isang tub ng vanilla ice cream galing sa kanilang ref.
"Eto nanaman po kami sa another series of affogato with the Araneta parents." Natatawang sabi ni ictoria nang makita ang laman ng dala-dalang tray ni Greggy.
Ibinaba muna ni Greggy ang kanyang dala sa center table na ngayon ay nasa kaliwang parte na muna ng kanilang mahabang sofa dahil nga naka-latag ang kanilang hihigaan sa gitna ng kanilang mga sofa.
"Eh ano naman ngayon?" Sabi ni Greggy sabay piga sa ilong ni Victoria.
"Dad! Stop it!" Pag-pigil ni Victoria dito.
"Ay mom oh nag-tataray nanaman." Luis.
"Shhhh! Magigising ang kapatid niyo!" Pag-saway naman ni Irene dito.
"Ito kasing si dad eh." Sabi ni Victoria habang naka-hawak sa kanyang nmumulang ilong.
Natawa lang naman si Greggy dahil sa kanyang ginawa ka Victoria at agd na ring isinandok ng ice cream si Irene at inabot ito sa kanya.
"Hawakan mo muna." Sabi ni Irene tsaka nito ibinalik ang tasa ng kape at Ice cream. "Tine, akina nga yang isang unan." Utos ni Irene.
Nang maiabot ang unan sa kanya ay dahan-dahan niyang inangat ang ulo ni Maria at tsaka niya inilagay ang unan.
"May stock ka pa pala ng ice cream sa ref?" Sabi ni Greggy habang sumusubo ng ice cream.
"Nag-grocery kasi kami kanina, nagkataon na napadaan ako sa bilihan, kaya bumili na ko."
"Ahhh."
Sa loob ng gabing iyon ay dalawang pelikula ang kanilang natapos bago sila tuluyang natulog. Nasa mag-kabilang dulo ng dalawang bata si Greggy at Irene habang si Luis, Alfonso, at Maria naman ay sa sofa na naka-higa. Sa pag-dilat ng mga mata ni irene ay agad na bumungad sa kanya ang limang bata na naka-upo sa gilid niya habang nanonood.
"Kumain na kayo?" Tanong niya ng siya'y tumayo.
"Hindi pa po, iniintay ka namin eh." Luis.
"Tsaka hindi pa rin naman po kami gutom eh." Tine.
"Bakit ang dad niyo?" Tanong niya.

BINABASA MO ANG
The Araneta Family
FanfictionSabay-sabay nating alamin kung anong pag-subok sa pagiging magulang ang tatahakin ng mag-asawang Irene at Greggy. A/n: lahat ng ito ay fanfiction lang kaya lahat ng ito ay gawa-gawa ko lang. kung may bad side ditong maipakita sa ugali ng karakter ay...