Gaya ng inaasahan nila ay marami ulit ang mga naka-rating gaya ng ilang mga nakaraang taon. Taon-taon ay lagi itong nag-hahanda sa kanyang kaarawan. Depende ang kanyang selebrasyon kung saang bansa siya nandon sa tuwing sasapit ang kanyang kaarawan.
"Mom." Sabi ni Luis kay Irene at itinuro sina Jacobo na nasa loob na ng mansyon.
Tumango lang naman si Irene dahil alam na niya ang ibig-sabihin ni Luis.
"Maria, tawag ka ni Paco." Sabi ni Elvira kay Maria habang kinakawayan ito ni Paco.
"Eh tita, ang sungit naman niyan." Sabi nito habang naka-hawak kay Irene.
"Tara na." Sabi ni Paco nang lapitan nito si Maria.
"Eh, ang sungit mo naman kasi." Sabi ni Maria.
"Hindi na ko mag-susungit, promise." Sabi nito kaya napa-payag si Maria.
"Mukang may future yung dalawa." Sabi ni Patricia kay Irene at Greggy.
"Mag-tigil ka nga ate, mag-lalaro lang, kung ano-ano na iniisip mo." Greggy.
"Eh ayon ang tingnan niyo, yun ang siguradong may future." Turo ni Elvira kay Luis na naka-akbay kay Celine habang kausap ang iba pa nilang mga pinsan.
"Manang-mana sa ama." Sabi ni Patricia.
Natawa lang naman si Irene sa sinabi ni Patricia dahil ganong-ganon nga si Greggy sa kanya nuon.
"Si Maria nakay Paco, si Celine naman nakay Luis." Natatawang sabi ni Elvira.
"Okay na yon, para lang naman kayong nag-exchange ng last names." Patricia.
"Ang babata pa niyang mga yan, ano ba naman kayo." Greggy.
"So you mean, walang something kay Luis at Celine?" Tanong ni Elvira.
"Eh wala naman kasing kinekwento si Luis samin eh." Irene.
"Hi!" Masayang bati ni Dawn sa kanila at naupo sa tapat ni Irene.
"Kanina pa kayo?" Tanong ni Anton.
"Hindi naman, kararating lang din." Greggy.
"Mom, dad, si Celine." Naka-ngiting sabi ni Luis habang nag-pipigil ng tawa ng luumapit ito sa kanila.
"Oh, alam ko." Kungwareng mataray na sabi ni Irene.
"G-girlfriend ko po." Sabi nito.
"Hahhahhahahaha! Sabi ko sa inyo." Pag-mamayabang ni Elvira.
"Kelan pa?" Tanong ni Greggy.
"Kanina lang po." Sagot naman ni Luis.
Nang maka-alis ang dalawa ay agad silang natawa.
"Parang kelan lang ano? Parang kelan lang eh iniisip pa ni Greggy kung pano ka itatakas, pero ngayon sila Luis na ang nag-papakilala ng kasintahan sa inyo." Natatawang sabi ni Anton.
BINABASA MO ANG
The Araneta Family
FanfictionSabay-sabay nating alamin kung anong pag-subok sa pagiging magulang ang tatahakin ng mag-asawang Irene at Greggy. A/n: lahat ng ito ay fanfiction lang kaya lahat ng ito ay gawa-gawa ko lang. kung may bad side ditong maipakita sa ugali ng karakter ay...