CHAPTER 19 B-BAKIT?

20 4 0
                                    

kasalukuyan akong naglalakad sa hallway nang ma isip kung humingi ng tulong kay Cyrus, si rianna ang close friend ko pero iba yung pakiramdam pag si Cyrus Ang kausap ko kaya na isipan ko pagkatapos ng klase pupunta ako kela cy, pumasok na ako ng classroom at sakto ding pumasok yung Professor at si rianna nag turo na si sir sa harap

***

Nag ring narin ang bell Kaya niligpit ko ang mga gamit ko

"Ano Tara!" Aya saakin ni rianna

"Sige una ka muna may kakausapin lang muna ako"

"Sino?"

"Si.....si...basta"

"Si Ravi ba? Andon sya kanina sa gym"

"Hindi noh"

"Hmm.. pagkatapos punta ka ng gym mag re touch ka muna ha dahil Ang dogyut mo" gusto ko syang batukan ngunit madali pa itong tumakbo at nakipag siksikan sa iba pa naming kaklase sa pinto

"Baboshhhh!!" na pingiti nalang ako at lumakad papunta sa classroom nila Cyrus tumingin tingin muna ako sa bintana pero walang tao sa kanyang upuan hanggang sa lumabas ang isa nyang kaklase

"Ah pwedeng bang magtanong kung asan si Cyrus?"tanong ko sa lalake

"Dre Diba wala dito si Cyrus kanina?"tanong nya sa kasama nya

"Pasensya kana miss di namin sya nakita di nga sya sumulpot sa klase"Sabi ng lalake at umalis

'hindi sya sumulpot? Parehas din pala sila ni kath di Rin Yun sumulpot kanina sa klase kaya maganda ang mood ko'

Umalis na ako sa classroom nila hinanap ko sila sa ibang sulok ng building pero wala talaga Kaya naisipan kong pumunta nalang sa gym, hanggang sa na-daanan ko ang stock room nang may narinig akong usapan sumilip ako para makita ko ang tao sa loob

"You're really going to give me a second chance?"tanong ng isang babae

'teka si kathryna yan ah'

"Yes just promise me mag babago kana" sagot ng isang lalake

'C-cyrus?'

"I will Cyrus I promise that" bigla nalang ako naluha ng hinalikan ni cyrus si Kathryna sa noo at yinakap sinarado ko ng dahan ang pinto

'Ibig sabihin nagbalikan na sila...shit Kung saan na hulog ang loob ko sakanya aaminin ko nagkagusto ako kay cyrus simula pagkabata namin hindi ko sinabi sakanya dahil takot akong masaktan'

Pinunasan ko ang mga umaagos kong luha at pumasok sa gym nagulat nalang ako nang ay nahulog mga balloons at dahil ang dilim di ko alam kung sino ang mga tao dito, nagkaroon ng isang spot light sa gitna ng stage tiningnan ko ng mabuti kung sino ito may bitbit pa syang gitara

"R-Ravi?"

JAMIANAH 315

TWO MAN FALLINLOVE WITH A GIRL WITH NO FEARS [COMPLETE] #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon