Chapter. 1 The beginning

431 9 0
                                    

“Anak, Aliyah! Bumangon ka na! Anong oras na tanghali na? Pero nand'yan ka pa din sa kinahihigaan mo! May problema ka ba, Aliyah?” wika nito sa kaniya.

“Maaga pa naman po Papa!” bulalas nito sa kaniyang ama.

“Tanghali na at wala ka bang balak na bumangon sa kinahihigaan mo! Oh, baka ang gusto mo ay hilahin pa kita papuntang banyo!” galit na untag ni Tatay Randy sa kaniyang anak.

“Papa, minsan lang naman ako tanghaliin nang bangon. Ah!”

“Sige na! Bumangon ka na d'yan, at maaga pa akong pupunta kay Ninong Patrick mo. Marami pa kaming dapat bilhin na materyales na gagawin sa bagong bahay doon sa kabilang baryo,” wika ng kaniyang ama.

“Sa kabilang baryo! Papa, bakit ang layo naman nang gagawin ninyong bahay ni Ninong Patrick? Alam niyo naman na masama sa inyo ang napapagod, pero tumutuloy pa din kayo sa trabaho niyo,” gulat na bulaslas ni Aliyah sa kaniyang ama, habang tinitiklop niya ang kumot na kaniyang kinahigaan sa kama.

“Bakit, Aliyah? May dapat ba tayong asahan, kung ganito ang sitwasyon natin. Hindi mo ba nakikita na kaya ako nagtatrabaho para sa atin. Mabuti nga at na iskolar ka sa pribadong eskwelahan na iyon, dahil kung hindi saan ko naman hahagilapin ang pagpapaaral sa'yo,” tinig ni Tatay Randy sa kaniyang harapan.

“Kayo naman Papa! Ang dami niyo naman nasabi para sa akin lang naman ay nag-aalala lamang po ako sa inyong kalagayan. Alam niyo naman na sinusumpong kayo ng hika,” wika ni Aliyah, kasunod nang pagyakap nito sa kaniyang ama.

“Ginagawa ko ito dahil iyon ang ipinangako ko sa mahal mong ina. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din malimutan, ang kaniyang pagkawala. Kaya naman Aliyah, pagbutihin mo pa ang pagaaral mo nang sa gano'n, makaahon tayo sa hirap ng buhay,” malungkot na untag ni Tatay Randy at mabilis nitong pinahid ang mga luhang nagbabadyang pumatak mula sa kaniyang mga mata.

“Pangako, Papa! Pagbubutihin ko ang pagaaral ko nang sa gano'n, matupad ko ang pangarap kong maging abogado.”

“Iyan ang gusto ko sa'yo anak! Ang matupad ang mga pangarap mo, wala man ang Mama mo ay alam kong matutuwa siya kapag nakapagtapos ka.”

“Papa, na mi-miss, ko na si Mama. Kung siguro nabubuhay siya, baka mas masaya tayo at hindi ka niya hahayaan mahirapan pa,” wika ni Aliyah.

“Anak, wala man ang Mama mo, ay gagawin ko ang lahat para sa'yo at isa pa, ako ang Padre de pamilya. Ako ang may mas karapatan maitaguyod ko kayo, gano'n pa man kahit tayong dalawa lang ay masaya na ako. Basta ang mahalaga lang para sa akin ay ikaw Aliyah at walang iba,” untag  ni Tatay Randy na hindi nito maalis-alis ang pagkakayakap nito kay Aliyah.

“Siguro nga ay s'werte ako sa aking ama, dahil simula nang mamatay ang aking ina ay si Papa na ang nag-alaga sa akin. Masakit isipin, sa murang edad ko ay mauulila na ako. Subalit, gano'n pa man ay pinalaki naman ako ni Papa sa magandang asal at may kasamang katapangan. Sa panahon kasi ngayon ay hindi ka dapat nagpapatinag lang kung kanino man dahil minsan nga ay  naaabuso ka pa,” wika nito sa kaniyang isipan.
_________

Halos takbuhin ni Aliyah ang esk'welahan sa Doña Fatima Memorial School na kahit man sumasakit na ang kaniyang mga paa sa katatakbo ay tinitiis na lamang niya ito. Dala-dala nito ang tatlong libro na malimit niyang binabasa, habang ang pawisan niyang noo ay hindi man lang nito alintana. Kinuha niya ang panyo sa loob ng kaniyang bulsa, at kaagad din nitong ipinunas sa pinagpapawisan niyang noo. Narinig na lamang niya ang sigaw ng kaniyang kaibigan si Anny.

“Aliyah! Aliyah!” pagsigaw nito sa 'di kalayuan sa kaniya.

“Anny!” tanging wika ni Aliyah.

“Bakit late ka ngayon? Huwag mong sabihin, tinanghali ka na naman nang bangon,” untag ni Anny.

“Oo, gano'n na nga, kaya si Papa na ang gumising sa akin kanina,” wika ni Aliyah, kasunod nang pagpasok nila sa loob ng esk'welahan.

“Bakit ba kailangan mo pang tumakbo? Eh, mamaya pa ang ating pagsusulit.”

“Anny, alam mo naman na malayo ito sa bahay namin. Kung hindi nga lang dahil kay Papa, baka wala pa akong baon ngayon,” tanging wika ni Aliyah sa malungkot nitong mukha.

“Aliyah, tinatanong lang naman kita. Basta kapag naging abogado na tayo, magagawa na natin ang lahat ng ating mga ninanais sa buhay,” malambing na wika ni Anny.

“Tama ka! Subalit mahaba-haba pa ang kailangan nating tiisin para mangyari 'yon,” ngiting untag ni Aliyah.

“Naku, ikaw pa! Samantalang, mas matalino ka nga sa akin,” bulaslas ni Anny, habang isa-isang kinukuha ang ilang notebooks nito sa kaniyang bag.

“Hindi ba ikaw pa nga ang nagtuturo sa akin minsan! Hahahaha.”

“Oo, tinuturuan kita, pero para sa akin matalino ka lang talaga. Hindi ka naman mabibigyan ng scholarship sa school na ito kung hindi ka matalino Aliyah,” wika ni Anny.

“Bakit ikaw din naman?  Ah!” ani ni Aliyah at walang himpis na ngiti ang dumadaloy sa mga magaganda nitong mga labi. Kasunod nang pagtayo nila sa kanilang kinauupuan.

“Sige, Aliyah. Mamaya na lang tayo magkita, mayroon pa akong dapat tapusin sa library,” wika ni Anny, habang papalayong kumakaway ito sa kaniya.

“Oo, magkita na lamang tayo mamaya,” untag ni Aliyah.

Subalit sa 'di kalayuan niya ay isang lalaki ang natatangi niyang natatanaw dahil sa tuwing makikita niya ito ay parang lumulundag ang puso niya sa kaba. Halo-halong pagnanais na hindi man lang niya maintindihan at kahit anong iwas ng kaniyang mga mata ay hindi man lang niya magawa.

“Paano na! Saan ako dadaan? Kung hanggang ngayon ay naroon pa din siya sa aking daraanan.” tanging wika na kaba ni Aliyah.

Mabilis siya nagtungo sa bandang gawi nito, habang nakatungo ang kaniyang ulo at natatakpan ng ilang pirasong libro. Subalit ang hinahangad niyang pag-iwas ay mas lalong nagbigay nang kaba sa kaniyang dibdib. Isang tibok ng puso ang tangi niyang naririnig, hindi niya alam kung saan nanggagaling iyon, basta ang alam niya ay sumasabay ang kaba niya sa kabog ng dibdib na kaniyang nadarama.

“Are you ok?” wika nito sa kaniya, habang nakaalalay ang mga matipunong braso nito sa kaniyang katawan.

Halos, mabalot si Aliyah ng hiya nang mapagtanto niya ang pagyakap nito sa kaniyang baywang. Isang pagyakap na kakaibang kuryente ang dumadaloy sa kaniyang katawan at mga katagang salita na lumalabas sa kaniyang isipan.

“Bakit tila naririnig ko ang magandang musika sa kaniyang puso? Isang musikang bumabalot sa akin nang takot at kaba,” wika ni Aliyah sa kaniyang isipan.

Marahan niya  pinakiramdaman ang kaniyang sarili, kasunod nang pag-alis niya sa mga brasong nakayakap sa kaniyang baywang at ang hindi inaasahang pagtitig nito, ay ang pagbaling niya sa mga matang unti-unting gumuguhit sa kaniyang puso. Walang ibang namumutawi na kahit, anong salita sa kaniyang bibig? Kung hindi ang magandang musikang kabog na kaniyang naririnig.

“Miss, are you ok?” untag muli nito sa kaniya.

“I'm sorry, hindi ko sinasadya,” wika ni Aliyah sa mabilis niyang pagtugon sa lalaki.

“It's ok, ang importante ay maayos ka. Napansin ko kasi na parang may iniiwasan ka, kaya siguro hindi mo ako nakita,” tanging wika nito.

“I'm sorry talaga, sige salamat,” ani ni Aliyah, ngunit akmang aalis na siya nang biglang hawakan nito ang kamay niya.

“Your welcome, Miss. By the way, I'm Adrian Casanova. Honestly, graduating na ako this year,” wika na ngiti ni Adrian sa kaniya at ang mga titig nito ay hindi maalis-alis sa kaniyang mga mata.

“Ah, ok, congratulation in advance sa'yo, kung gano'n.”

“ Thank you, pero maari ko bang malaman ang pangalan mo?” tanong ni Adrian sa mga ngiti nitong lumalabas sa kaniyang mga labi.

“I'm Aliyah Belle Gomez,” tanging wika ni Aliyah, habang pag-iwas nang tingin ang kaniyang iginawad kay Adrian. Patakbo nitong nilisan ang kaniyang kinaroroonan at kasabay nang pagdama niya sa lakas ng kabog sa kaniyang dibdib.

“Sana lang hindi na kita muling makita pa hindi ko alam kung bakit? Pero pakiramdam ko ay sinusundan ako ng musikang naririnig ko mula sa puso mo, na magpahanggang ngayon ay paulit-ulit ko pa din naririnig,” wika ni Aliyah sa hindi maalis niyang kaba.

When Hate and Love Collide (tagalog) R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon