Chapter. 7

212 9 0
                                    

Chapter. 7

NAPATULALA na lang siya dahil sa kaniyang nakikita. Dinala siya ng kaniyang kaibigan sa isang dressing room na halos malula siya sa mga naggagandahang long dress sa kaniyang harapan. Makukulay ito katulad ng mga nakikita niya sa mga sikat na magazine. Eksperto ang kaibigan niya pagdating sa mga Fashion dress lalo na kung kilala at sikat ang mga ito. Isa-isa niya itong hinawakan habang abala naman ang kaniyang kaibigan sa pagpili nang isusuot nito sa Event. Ngunit sa dami nang napili niya ay umagaw pansin sa kaniya ang natatanging dress na nakasabit sa 'di kalayuan lang nito. Subalit bago pa man niya ito kuhanin ay minabuti niyang pagmasdan ang kaniyang sarili sa salamin. Nagpaikot-ikot siya sa harapan nito na tila ba na i-imagine niya ang magandang dress sa kaniyang isipan. Huminga siya ng malalim at marahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Sa isip niya kung nabubuhay lang ang dati niyang nobyo ay siya na ang pinaka-s'werteng babae sa buong mundo. Abala man ang kaniyang kaibigan ay naupo siya sa couch nakalapit lang nang kinatatayuan niya. Nangalay na din ang mga paa niya sa mahabang pagbaba ng hagdan. Inalis niya ang High heels shoes na kanina pa niyang suot. Malamig man ang dampi ng sahig sa kaniyang talampakan ay nagbibigay naman ito ng ginhawa sa kaniyang mga paa.

Napansin niya ang pagtitig ng kaniyang kaibigan na tila ba isa siyang bata sa kaniyang ginagawa. Kasunod nang pag-upo nito sa kaniyang tabihan.

“Ano may napili ka na ba, dress na isusuot para mamaya?” tanging tanong nito kay Aliyah.

“May napili na ako pero wala sa mga ibinigay mo na dress sa akin,” ani nito sa kaibigan habang dinadama niya ang malamig na sahig sa kaniyang mga paa.

“Ha! Kung wala ka napili sa mga ibinigay ko sa'yo! Anong napili mo? Eh, halos naman magaganda silang lahat! Tsk,” pagmamaktol ni Anny.

“Iyon oh!” pagturo ni Aliyah sa nag-iisang nakasabit sa 'di kalayuan nila. “Simple but elegant,” wika nito na hindi mapintasan ang magandang ngiti sa pagkatitig sa dress.

“Oo, nga maganda pero mas bagong style naman itong mga napili ko sa'yo! At isa pa last year pa 'yan!” pagsusungit ni Anny at pag-cross arm nito na may halong pagtatampo sa kaniyang kaibigan.

“Basta ito ang isusuot ko para mamayang gabi,” paglapit ni Aliyah sa nag-iisang dress na nakasabit. “Huwag ka na mag-alala 'di ko naman kailangan ng mamahaling kasuotan ang importante lang sa akin ang makita mga batchmate ko sina Graciella Zobel at Mattew Alarcon.”

“Ano pa nga ba ang magagawa ko?” wika ni Anny kasabay nang pagkuha nito sa mga make-up kit na nakapatong sa lamesa.

Napag-isipan na nilang mag-ayos ng kanilang sarili dahil nalalapit na ang evening Grand Reunion nila. Simpleng make-up lamang ang ini-apply niya sa kaniyang mukha. Hindi na rin niya ginamit ang red lipstick na kaniyang paborito. Mas pinili niya ang light pink lipstick na katulad din nang pagkakaayos sa kaniyang mga mata. Kaya naman nangibabaw ang simple niyang ganda. Itinaas na lamang niya ang kaniyang buhok at ilang pirasong hibla nito ang kaniyang inilaylay sa bandang harapan ng kaniyang mukha. Makikita sa kaniya ang nangingibabaw niyang kaputian. Naglagay din siya ng Pearl Dangle Earings na katulad ng kaniyang dress. Kasunod nang pagsuot niya ng Backless Sparkle Gray Split evening dress at isang pares ng Silver Ladies Pencil Heels Shoes ang kaniyang napili.

Halos namangha naman ang kaniyang kaibigan sa  isinuot niyang evening dress. At walang pag-aalinlangan nilang tinungo ang labas ng dressing room. Matapos nilang makasakay sa sasakyan ay halos balisa si Aliyah sa kaniyang sarili. Kasunod nang pagbaling niya sa kaniyang  kaibigan.

“Anny, kinakabahan ako pero hindi ko alam kung bakit?”

“Relax lang, baka excited ka lang sa Grand Event natin ngayon!” untag ni Anny kasabay nang pag-start ng kanilang sasakyan.

When Hate and Love Collide (tagalog) R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon