Chapter. 22

142 6 0
                                    

ANG NILALAMIG niyang katawan ay nababalot ng makapal na kumot. Ramdam niya ang ilang kirot ng pasa at mga markang nag-iwan sa kaniyang balat. Sumakit rin ang ulo niya sa paulit-ulit na pagpapahirap sa kaniya ng lalaki. Marahan niyang tinanggal ang kumot sa kaniyang katawan. At saka dahan-dahan ang pagkilos ng kaniyang mga paa upang mailapat niya sa sahig. Ang mga basag na nagkalat sa sahig na kaniyang nakikita ay hindi man lang ito naibo o, nalinis. Napalingon siya ng bahagya sa kabilang gilid ng kaniyang kama. Subalit ang lalaking gusto niyang makita ay hindi na niya muling nasilayan pa. Ang hapdi sa pagitan ng kaniyang mga hita ang nagpapabalik sa gabing kaniyang naaalala.
Napaluha siya sa kaniyang alaala. Gusto niyang makatakas sa maala impyernong sitwasyon. Ngunit hindi niya alam kung paano? Pinilit niyang makatayo habang nakahawak siya sa side table ng kaniyang kama na kinahigaan niya kanina. Alalay ang bawat hakbang ng kaniyang mga paa. Habang tinutungo niya ang nakasaradong pintuan.

“Anny . . .” bulong niya sa pangalan ng kaniyang kaibigan. “Please, help me . . .” nanghihina muli niyang wika. Kasabay nang pagpihit ng doorlock ng pintuan nito.

“Pakawalan mo ako dito!” sigaw niyang pagmamakaawa.

Subalit kahit ilang beses pa niyang pihitin ang doorlock nito ay hindi pa rin niya mabuksan. Halos paghahampasin na niya ang pinto na tila ba pagod na pagod na siya sa kaniyang ginagawa. Nanglalambot ang kaniyang mga tuhod. Dahil sa sipa at pagkalabog ng pintuan.

“Hoy! Magsalita ka kung naririnig mo ako, Adrian!”

Napasandal na lang siya sa may pinto nito at padausdos siyang napaupo sa sahig. Umiiyak na tila ba walang kahit sino ang maaaring makatulong sa kaniya. Napadako ang tingin niya sa hampas ng kurtina mula sa bintana. Ang nag-aagaw na dilim at liwanag ay kaniyang nasisilayan. Ang bawat dampi ng hangin sa kaniyang balat ay rumirehistro sa hapdi ng kaniyang puso. Hapdi na hindi kailanman kayang lunasan. Patakbo niyang tinungo ang bintana na kaniyang natatanaw. Subalit tila nakaramdam siya ng  sakit sa kaniyang mga paa. Wala siyang makita dahil sa dilim ng buong silid nito. Ang switch ng ilaw ay hindi rin niya alam kung saan bubuhayin. Bahagya niyang iniangat ang kaniyang kaliwang paa. Ramdam niya na tila may kung anong bagay ang tumusok sa gitna nito. Tanging puting kama lang ang umaaninag sa kaniyang mga mata. Habang unti-unti niya kinakapa ang mga bagay na kaniyang nadaraanan.

Nang marating niya ang balkonahe isang malalim na buntonghininga ang kaniyang pinakawalan.

“Na saan ako? Bakit ako naririto?” tanong nito sa kaniyang kaisipan. Pinahid niya ang luhang nagbabadya muling pumatak. At saka niya marahang dinampian ng palad ang kaniyang maliit na tiyan.

“Kailanman ay hindi niya maaaring malaman ang tungkol sa 'yo. Kinamumuhian ko s'ya! Kinasusuklaman ko s'ya! Pero bakit itong puso ko . . .   ay nagmamahal pa rin sa isang tulad n'ya. Bakit? Bakit mo ako sinasaktan ng ganito? Hindi ba niya alam na mas sobra akong nasaktan no'n nalaman ko na may iba s'yang mahal. Nangako s'ya na ako lang . . . ako lang.” Hindi niya napigilan ang mga luhang dumadaloy sa kaniyang mga mata.

Niyakap niya nang mahigpit ang kaniyang sarili. Habang naaamoy niya ang simoy ng karagatan na dinadala ng malamig na hangin.

“Amaris,” bigkas ng kaniyang bibig. Kasabay nang paghawak niya sa pendant ng kaniyang k'wintas.

“Mama . . .” tinig na tawag niya sa kaniyang ina. “Hindi ito ang buhay na hiniling ko. Narating ko naman kung ano ako ngayon. Subalit bakit hindi ako bigyan ng taong kaya akong tanggapin?”

Huminga muna siya ng malalim at saka nagpasyang pumasok sa loob ng silid nito. Ngunit hindi pa siya nakaaalis sa balkonahe ay isang baritonong boses ang kaniyang narinig.

“Are you done crying? Or, maybe you're just doing it to make me feel sorry for you,” ani ni Adrian at pagtitig ng matalim na mga mata nito sa kaniya. Habang ito ay nakapamulsa sa kaniyang harapan.

When Hate and Love Collide (tagalog) R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon