NAPABALIKWAS siya nang bangon sa kama nang masilayan niya ang likod ng isang babae. Payapa itong natutulog habang tinititigan niya ang kabuuang katawan nito. Kinuha niya ang black wallet sa ibabaw ng side table nito at ilang libong pera ang kaniyang inilabas. Marahan siyang bumangon at dinampot ang pantalon mula sa sahig. Mabilisan niya itong isinuot dahil sa sunod-sunod na tawag ang kaniyang naririnig mula sa kaniyang cellphone. Hindi na niya pinagtuunan nang pansin ang babae. Lumabas siya ng silid at dali-daling sumakay ng kotse. Paharurot niya itong pinatakbo at kasunod nang pagsagot niya ng kaniyang cellphone.
“Just wait for me, ako na ang susundo sa'yo,” tanging sagot niya sa kaniyang kausap.
Tinawagan na rin niya si Dave para sabihing umalis na siya ng resort. Ayaw niya na may ibang susundo sa kaniyang kasintahan. Kaya hindi siya mapakali nang malaman niyang ito ay darating na. Ngunit tila hindi mawala-wala sa kaniyang isipan ang babaeng nakasama niya buong gabi. Naisipan niyang tawagan ang isa sa mga security ng private house sa Beach resort. Kasunod nang pagtigil niya sa parking lot nito.
“Just call me, if you have any information about her!” Inilagay niya ang cellphone nito sa kaniyang bulsa at tsaka nagdesisyong bumaba ng kaniyang kotse.
____________“Anny! Anong gagawin ko? Hindi ko nga kilala kung sinong lalaki ang nagdala sa akin dito! Hindi ko nga rin alam kung paano ba ako napunta sa bahay na ito, Eh!”
“Okay, sige. Magbihis ka muna tapos umalis ka sa lugar na 'yan! Hihintayin na lang kita sa airport. Naintindihan mo ba?”
“Thank you, Anny!” wika ni Aliyah kasunod nang paglisan niya sa isang private house malapit sa Beach resort nito. Patakbo niyang tinungo ang isang Beach house kung saan siya nag-check-in. Kinuha niya ang lahat ng mga gamit niya at mabilis siyang umalis.
Matapos ang ilang oras na byahe ay narating niya ang NAIA terminal kung saan naghihintay ang kaniyang kaibigan. Patakbo niya itong niyakap nang mahigpit habang maluha-luha ang kaniyang mga mata.
“Dapat kasi hindi ka na nagpunta ng Palawan! Alam mo naman doon mo naaalala ang iyong nakaraan.”
“I'm sorry, gusto ko lang naman makalimot.”
“Nangyari na ang nangyari, wala na tayong magagawa pa. Naibigay mo na rin ang pagkababae mo sa isang lalaking hindi mo naman kilala!” But don't you worry, anuman ang mangyari. I'm still by your side.”
“Salamat talaga sa'yo dahil palagi ka nand'yan para sa akin.”
“Ano ka ba wala 'yon!”
Isang mahigpit muli nayakapan ang kanilang iginawad sa isa't isa. Napakunot naman ng noo si Aliyah nang makita niya ulit ang lalaking kinaiinisan niya.
“Aliyah, pupunta lang ako sa ladies room sandali. Kanina ko pa kasi itong tinitiis, Eh!”
“Okay, hihintayin na lang kita,” tanging wika niya sa kaibigan.
Napabaling ang tingin niya sa isang bakanteng upuan. Subalit akmang aalis na siya sa kaniyang kinaroroonan nang may ilang armadong lalaki ang humarang sa kaniyang harapan.
“Anong kailangan n'yo?” tanong ni Aliyah.
“Ikaw ang kailangan namin!” matapang na wika ng isang lalaki.
“Kailangan, I'm sorry, hindi ko kayo kilala kaya makakaalis na kayo sa daraanan ko!”
Halos walang narinig ang mga lalaki sa kaniya. Napansin rin niya na may nakasuksok na baril sa bandang tagiliran ng baywang ng mga ito. Paatras niyang inihakbang ang kaniyang mga paa. Pakiramdam niya ay may masamang motibo ito sa kaniya. Wala siyang maisip kung sinong tao ang gagawa nito sa kaniya. Maliban na lang sa isang estranghero na nagbanta sa kaniya noong nakaraan. Habang iniaatras niya ang kaniyang mga paa ay unti-unti rin ang mga itong sumusunod sa kaniya. Marahan nitong binitawan ang maletang hawak niya. Nakita rin niya ang paglabas ng kaniyang kaibigan sa isang Ladies room. Ngunit isang malakas na pagsigaw niya sa kaibigan at mabilis siyang tumakbo papalayo.
BINABASA MO ANG
When Hate and Love Collide (tagalog) R-18
RomansIsang may prinsipyo at kilalang abogada si Alliyah belle Gomez. Ngunit, hanggang saan nga ba siya susubukan ng pagkakataon, na magpapabago sa aspeto ng kaniyang buhay? Nang makilala niya ang lalaking si Adrian Casanova. Mayaman. At kilalang negosya...