Chapter 27

150 5 0
                                    

NAMUMUO ang galit ni Stephanie ng malaman niya. Kung bakit hindi siya magawang pakasalan ng binata. Nakatanggap siya ng ilang litrato na galing mismo sa mga pinag-utusan niyang tao. Nang pasundan niya si Adrian sa Batangas.

“Saan mo ito nakuha, ha! Sumagot ka!” malakas na sigaw nito habang hawak ang ilang litrato na kasama ang isang babae.

“N-Nakita ko sila sa isang Resort. Nagdadalawang-isip pa nga akong sundan sila. Ngunit, napag-alaman ko na iyong abogado na ipinahahanap n'yo sa akin ay iisa lamang. Siya si Aliyah Belle Gomez, ang dating kasintahan ni Jacob Cervantes. Ayon sa source ko, siya ang may hawak ng kaso ng dati niyang kasintahan. Na sa kaniya rin ang pinakahinahanap-hanap natin. Ang cufflinks na pag-aari ng taong pinag-utusan n'yo noon.”

“Asshole! Hindi dapat malaman ng babaeng iyon kung kanino ang cufflinks na 'yon! Kung hindi ay pare-pareho tayong malilintikan.”Sabay tapon nito ng mga litrato na kaniyang hawak. Napakuyom ang kaniyang mga kamay. Kaya naman ay halos magusot o, mapunit ang mga dokumentong nasa ibabaw ng lamesa. Nagtatangis ang kaniyang damdamin. Halong selos at galit ang kaniyang nararamdaman at pagtalim ng kaniyang mga mata habang pinakatitigan niya ang mga litratong nagkalat sa sahig. “Umalis ka na sa harapan ko! Gawin mo ang lahat para mawala ang babaeng 'yon. Lalong-lalo na  kung may hahadlang sa mga pinaplano ko. Patayin mo kung maaari!”

“Masusunod, Boss.”

***
 
IMINULAT niya ang kaniyang mga mata nang isang sinag ng araw ang nasilayan nito sa bintana. Kaagad naman siyang bumangon sa kaniyang pagkakahiga kahit na may kirot siyang nararamdaman sa katawan nito. Napahikab siya nang unti-unti niyang tinitiklop ang kumot na kaniyang ginamit.

“Tanghali na siguro.” ani ni Aliyah. Saka dumeretso sa banyo upang maghilamos.

Kinuha niya ang bathtowel at dali-dali nitong ipinunas sa kaniyang mukha. Sa paglabas niya ng banyo ay laking gulat niya nang makita si Anny na nakahiga sa kaniyang kama.

“Oh! Anny. Ano'ng ginagawa mo dito? Hindi ba't may pasok ka ngayon. Huwag mong sabihin na ipapaasa mo na naman kay Mark ang mga kasong hawak mo!”

“Day off ko ngayon! Gusto ko kasing samahan kita mag-mall para sa mga damit ng baby mo,” wika nito habang nakahiga sa kama ng kaniyang kaibigan.

“Ano'ng damit? Napakaliit pa ng tiyan ko para bumili ng maiisuot nito. Hindi ka ba naniniwala sa pamahiin. Ang sabi ng mga matatanda dapat hindi ka muna bumibili ng mga damit lalo na't malayo pa ang pag-anak mo.”

“Eh, bakit ka ba naniniwala sa gano'n! Pamahiin lang naman 'yon at usaping matatanda lang.”

“Basta ayoko! Ikaw na lang at isama mo ang boyfriend mo.”

“Sige na, maligo ka na!” Mabilis na nakabangon si Anny. At kasunod nang paghila niya ng kamay sa kaniyang kaibigan.

“Anny . . .” ani ni Aliyah. “Masyado pang maaga para maligo!”

“Sus, napakalamigin naman ng buntis na ito! Masarap maligo kapag umaga. Haha!”

“Oo, na nga maliligo na ako. Bakit ba gustong-gusto mo kaagad bumili ng mga damit ng anak ko. Eh, hindi pa naman gano'n kalaki ang tiyan ko!”

“Mas maganda ang maaga, nang maging handa tayo sa lahat. Isa pa excited na akong magkapamangkin. Sino kaya ang kamukha n'ya? Ikaw ba o, si Adrian?” ngiting tanong nito sa kaibigan.

“Wala s'yang kamukha kundi ako lang, tsk!”

“Ikaw ang bahala.” Kibit balikat nito. “Maligo ka na, ha! Sa baba na lang ako maghihintay.”

“Oo, na paulit-ulit!”

Nang marating nila ang Mall ay kaagad rin silang dumeretso sa Department Store. At ang una nilang pinuntahan ay ang Children's Wear. Iba't ibang nagsabit at makukulay na damit ang nasilayan ni Aliyah.

When Hate and Love Collide (tagalog) R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon